Jodi Sta. Maria remains civil with estranged husband Pampi Lacson

Bagamat nakikitaan daw ni Jodi Sta. Maria ang anak na si Thirdy ng mga katangian ng isang performer, ayaw raw muna niya itong pumasok sa showbiz. Paliwanag niya, “It’s just that hindi namin priority ang show business because ang priority namin ay ang pag-aaral niya. Pag nagtapos na siya ng pag-aaral.”


Marami ang nasorpresa sa pictorial ni Jodi Sta. Maria para sa ini-endorse niyang slimming supplement kung saan naka-one-piece bathing suit lamang siya.

Bagamat kalahati lang ng katawan ni Jodi ang nakalitaw sa sexy pictorial, dahil natatakpan ang kabilang side ng katawan niya ng itim na blazer, nahiya raw ang aktres nang makita niyang meron palang bathing suit sa wardrobe collection na gagamitin niya sa photo shoot.

Kuwento ni Jodi, “Nagulat nga ako kasi sa pictorial namin, biglang may bathing suit.

"Napag-isip ako agad na, ’Ano bang gagawin ko?’ Nahiya naman ako.

“Pero they made sure naman na hindi naman masyadong malaswa yung dating.”

Nakapanayam ng PEP.ph si Jodi sa launching ng slimming supplement na Cosmo Body noong Sabado ng hapon, August 10, sa Atrium ng SM Mall of Asia, Pasay City.

JUST A GLIMPSE. Ipinarating namin kay Jodi ang reaksiyon ng marami tungkol sa kanyang sexy pictorial, bitin daw ito dahil parang nagpasilip lang ng kanyang hubog ang Kapamilya actress.

Pero giit ni Jodi, hanggang doon lang ang kaya niya.

Hindi raw niyang kayang ipatanggal ang suot niyang blazer at ipakita nang buo ang kanyang katawan.

Hindi pa ba tamang panahon para magpa-sexy siya ng kaunti?

Sagot ng Be Careful With My Heart actress, “Well, I did a pictorial for Preview na medyo naka-bathing suit. I’m okay na with that.

"I don’t want to show too much skin din naman. Kasi, unang-una, hindi ko rin naman imahe.

“With Preview and this one [Cosmo Body], I just want it to try it lang siguro something new.

"At least, once in my life, naka-bathing suit ako. Pero hindi yung lagi ninyo siyang makikita.”

Hindi ba niya puwedeng i-share sa maraming tao ang kanyang kaseksihan?

“Ay, hindi! Okey na ’to!” sabay tawa niya.

Proud naman daw si Jodi sa effort na ibinigay niya para sumeksi uli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, oo, pinaghirapan natin, pero hindi naman para i-flaunt, di ba?

"Yung weight na na-achieve ko, eto yung weight na happy ako.

"But ang importante sa lahat, eto ang kumportable ako, pero wala talaga akong balak na i-share sa ibang tao.”

Wala ba siyang balak i-immortalize ang kanyang kaseksihan sa pamamagitan ng isang pictorial kahit for personal consumption lang?

“Ah, well, kung personal consumption, why not?” tugon niya.

May mga nag-alok na raw kay Jodi para mag-pose nang sexy sa isang magazine, pero tinanggihan nila ang offer.

Rason niya, “I’m not willing to do it in the first place.”

May koneksiyon ba ang hindi niya pagpapa-sexy sa role niya sa ABS-CBN morning soap na Be Careful With My Heart?

Paglilinaw ni Jodi, “No, that’s even before Be Careful With My Heart.

"Saka yun lang, hindi ako ready. Saka hindi ko kayang magpakita ng masyadong skin.”

Wala raw negative reaction ang kanyang boyfriend na si Jolo Revilla sa kanyang sexy pictorial para sa Cosmo Body, ganun din ang kanyang anak na si Thirdy.

“Sabi ni Thirdy, ’Wow, Mommy you’re sexy!’

"Alam mo naman na happy ako dahil proud yung anak ko sa ginagawa ko. Kasi napakaimportante sa akin na I make my son proud.”

JOLO REVILLA. Natawa naman si Jodi sa comment namin na napakasuwerte ni Jolo dahil conservative ang girlfriend nito.

Sabi ng aktres, “Alam mo, hindi naman sobra-sobrang conservative.

"It’s just that may mga bagay lang talaga ako na hindi ko kayang gawin.”

“For Jolo’s eyes” lang ba ang kaseksihan niya? Biro namin kay Jodi.

“Kayo talaga!” nakangiting tugon ng aktres habang umiiling-iling.

Mukhang magaling mag-alaga si Jolo dahil halatang masaya ngayon si Jodi?

“I think, in every relationship, it has to be a two-way street,” nakangiti niyang tugon.

Paano siya napapasaya ni Jolo o ng relasyon nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ah, basta, we support each other sa mga bagay na ginagawa namin at nirerespeto namin kung ano yung ginagawa niya at kung ano yung ginagawa ko, yun!”

Hindi ba sila nakikialam sa mga ginagawa nila na may kaugnayan sa kani-kanilang trabaho ngayon—si Jolo bilang vice governor ng Cavite at si Jodi bilang isang aktres?

Ayon kay Jodi, “Ay, wala. Kasi, unang-una, ano bang alam ko sa pagpapatakbo ng gobyerno?

"Trabaho niya yun. Mahirap namang makialam sa hindi mo gamay o hindi mo alam.

“Pagdating naman sa mga roles, wala naman siyang sinasabi. Kasi piling-pili naman yung mga ginagawa kong roles.”

Paano naman sila nagkakaunawaan sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa kakulangan nila ng panahon sa isa’t isa dulot ng pagiging abala nila sa kanilang mga trabaho?

“Katulad nga ng sabi nila, opposites attract,” tugon ni Jodi.

FOR LIFETIME. Nararamdaman ba ni Jodi na pangmatagalan na ang nararamdaman niyang kaligayahan?

Nakuha ng aktres na ang tinutumbok namin ay tungkol sa pagpapakasal kaya napangiti siya at sinabing, “Siyempre, yung happiness natin, gusto natin pangmatagalan.

"Sino ba naman ang gustong maging malungkot sa buhay?

“Basta, I’m good and I’m fine. Steady lang.”

Maganda ba na ang lahat ng mga taong nakapaligid sa kanila, lalo na ang pamilya ni Jolo, ay boto sa kanilang pagmamahalan? At halos lahat ay umaasang hahantong ang pagmamahalang ito sa altar?

Tumawa nang malakas si Jodi at sinabing, “Siyempre naman nakakatuwa yung gano’n na wala namang, kumbaga, masamang nasasabi. Kumbaga, best wishes lang ang ibinibigay sa amin.”

Tumanggi naman si Jodi na magsalita tungkol sa ongoing process para sa annulment case nila ng estranged husband na si Pampi Lacson.

“I’d rather not talk about it. I hope you understand. Thank you,” sabi niya.

PAMPI LACSON. Ayon kay Jodi, hindi raw talaga sila nagkikita ni Pampi pero hindi naman sila nag-iiwasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, unang-una, kung may chance naman kaming mag-usap, tungkol lang naman yun sa bata and it’s right na maging civil kami sa isa’t isa.

“Basically, tungkol sa school dahil si Thirdy nasa school ngayon.”

Nasanay na si Thirdy sa ganitong arrangement nila ni Pampi?

“Oo. At first it was hard for the kid, pero eventually naman nakapag-adjust naman na siya. Kumbaga, constant explanation.

“Kami naman, bilang magulang niya, alam naman niya na hindi kami nagkukulang sa pagmamahal at atensiyon na ibinibigay namin sa kanya.

“Aware siya. Yes, he is aware sa sitwasyon namin ng father niya.

"Siguro I’ll explain it to him when he starts questioning me or asking me why. Because when he does that, ibig sabihin, he’s ready.

“I’m just waiting for my cue. Ganun naman, e, you take cues from your children.”

THIRDY. Nabanggit din ni Jodi sa PEP na kasama niya ang anak na si Thirdy bago nagsimula ang launching ng kanyang ini-endorse na produkto.

“Pumunta siya dito, nagsilip-silip lang tapos umalis na siya.

"Kasi manonood kami ng... siyempre susuporta kami sa Gilas Pilipinas sa Arena.

"Oo, kasama si Jolo.”

"Tito" raw ang tawag ni Thirdy kay Jolo.

Sanay na raw ang anak ni Jodi na nakikita ang actor-politician na madalas kasa-kasama sa kanilang mga lakad na mag-ina.

"Tita" naman daw ang tawag ng anak ni Jolo na si Gab kay Jodi.

Wala raw problema sa dalawang bagets kaya magkasundo raw ang mga ito.

Inayunan naman ng aktres ang statement ng ina ni Jolo na si Lani Mercado na parang magbarkada sina Thirdy at Gab.

“Halos pareho sila ng gusto, e. Gusto nila ng card, they collect kung tawagin nila ay Animal Kaiser. Same school din sila.”

May interes ba si Thirdy na pasukin din ang showbiz?

Sabi ni Jodi, “Alam mo si Thirdy, oo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko ikakaila na yung anak ko ay talagang performer siya.

"Nakita ko ’yan sa kanya nung panahong nagsu-shoot kami ng commercial.

"He’s very directable. He’s very cooperative. He knows what he is doing. Nakakatuwa.

“It’s just that hindi namin priority ang show business because ang priority namin ay ang pag-aaral niya.

"Pag nagtapos na siya ng pag-aaral.”

Dahil lumalabas na sa commercials si Thirdy ay may sarili na raw itong savings.

“Ay, oo naman, siyempre. Kung ano yun sa kanya, sa kanya yun. Pinagtrabahuhan niya yun, e.

“For all we know, mas mayaman pa yung anak ko kaysa sa akin,” sabi ni Jodi.

PRE-NUPTIAL AGREEMENT. Tungkol naman sa kanyang teleseryeng Be Careful With My Heart, naging usapin dito ang tungkol sa pre-nuptial agreement.

Tinanong namin si Jodi kung papayag ba siya sa pre-nuptial agreement kung sakaling magpakasal siya ulit.

Sagot niya, “Wala namang problema.

"Ako, single mom ako. I have to protect din kasi yung best interest ng anak ko, yun lang.”

Samantala, wala pa raw ideya si Jodi kung kailan magtatapos ang kanilang daily soap dahil may gagawin pa silang movie version nito na kalahok sa Metro Manila Film Festival this year.

Magiging stable daw ang regular taping nila ng serye at isisingit na lang ang shooting ng movie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN