Melissa Ricks maintains friendship with ex-boyfriend Paul Jake Castillo; shuts her door on Jake Cuenca

Kapansin-pansin ang pagkakaiba ng pakikitungo ni Melissa Ricks sa dalawang naging boyfriends niya na sina Paul Jake Castillo at Jake Cuenca. Kung kay Paul Jake ay nananatili ang kanilang pakikipagkaibigan, kay Jake naman ay hindi na raw sila nag-uusap at hindi raw daw gusto ng aktres na maging magkaibigan sila.


“It’s a mutual decision.”

Ito ang sabi ni Melissa Ricks nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa naging breakup nila ng former Pinoy Big Brother housemate na si Paul Jake Castillo.

Isang taon at apat na buwan daw ang itinagal ng relasyon nila.

Sabi pa ng Kapamilya actress, “Maybe, sometimes, some good things come to an end. Hindi naman puwedeng forever ang lahat ng bagay.

“Yun ang something that I’ve learned. You have to accept things. Maybe God has better plan.

“Hindi naman tayo dapat malungkot.

“Wala naman siyang ginawang masama sa akin so there’s no reason for me to be mad at him.

“Actually, hanggang ngayon, nag-uusap pa rin kami. He calls, he texts.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Melissa noong pagkatapos ng event ng Bargn Farmaceutici Phils. Co. (BFPC) sa SM MOA Atrium noong Sabado ng gabi, August 10.

Ayon kay Melissa, nakapunta na rin siya sa restaurant na pag-aari ni Paul Jake.

Kuwento niya, “Last Wednesday, pumunta kami ni Helga [Krapf] and nilibre niya kami ng dinner.

“Then he also went to my friend’s birthday na welcome back for me na rin.

“So, walang bad blood talaga. Usually kasi, kapag ganyan, ini-expect ng mga tao na magkaaway.

“This time, I’m very happy, yung result… not naman yung nag-break kami kundi kung paano kami after the breakup.”



THE REASON. Sa mga pahayag ni Melissa, parang wala naman silang matinding pinag-awayan o hindi napagkasunduan ni Paul Jake.

So, bakit kailangan pa nilang mag-break?

Sabi ng Star Circle Quest alumna, “Siguro it’s not something na magagalit ako sa kanya. Hindi ganun kalalim, e.

“Siyempre, he has priorities in his life and he wants to build something for himself. And you know, sinusuportahan ko siya dun.

“Maybe, not now. Maybe, it was a right love at the wrong time. Hindi ko alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least, we’re friends and we’ll never know what will happen in the future.

“So, at least now, nag-uusap kami. I’m happy na nandiyan pa rin siya para sa akin.”



MOVING ON. Ngayon ba ay masasabi ni Melissa na naka-move on na siya?

Sagot niya, “Well, hindi ko naman masasabing move on na talaga ako. Kaka-break lang namin, two months.

“Masakit pa rin, pero siyempre tanggap ko naman.”

Baka naman “cool off” lang ang nangyayari sa kanila?

Sagot niya, “E, ayoko namang umasa. Siyempre, kapag umasa ka, masasaktan ka.

“So, I just take everything day by day. Masaya ako na nag-uusap kami.”

Pero kung talagang gusto niyang maka-move on sa breakup nila ni Paul Jake, mas madali ba yung ginagawa nilang nag-uusap pa rin sila at nagkikita?

Paliwanag ni Melissa, “Well, kasi for me naman, there’s no reason to hold a grudge. There’s no reason to be mad at him.

“Never niya akong binastos. Never niya kong dinisrespect.

“So, there’s no reason para i-bash ko siya.”

Noong sila pa, ano ang madalas nilang hindi napagkakasunduan?

“Hindi naman kami nag-aaway. Yung mga simple things lang… kapag pagod, stress sa work.

“Pero yung mga major things, hindi.”

Na-bore ba sila sa relasyon nila?

“No,” mabilis na sagot ni Melissa.

“Hindi ko ma-explain, e. Maybe, you know, it’s just time to have time for ourselves.

“Palagi kaming magkasama, e.”

Wala rin daw third party sa breakup nila ni Paul Jake.

Hindi ba’t tila pinag-uusapan na nila noon ni Paul Jake ang kanilang future?

“Siyempre, hindi naman natin hawak ang future. Maraming puwedeng mangyari at alam naman natin na he really wants something for his own.”

Hindi ba’t ipinakilala na rin nila ang isa’t isa sa kani-kanilang pamilya?

“Siyempre, ipapakilala mo sa parents mo. Normal na yun ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi katulad ng mga oldies na kapag ipinakilala, kasal agad. Hindi naman.

“I just introduced him to my mom. He introduced me to his family.

“Siyempre, palagi naman kami sa Cebu,” saad ni Melissa.



JAKE. Ang unang boyfriend ni Melissa sa pagkakaalam ng publiko ay si Jake Cuenca. May “Jake” pa rin sa pangalan ng huling boyfriend niya na si Paul Jake Castillo.

Posible bang umiwas na siya sa pangalang “Jake” sa susunod?

Natawa naman si Melissa at sinabing, “Ewan ko nga, suwerte ako sa J. May dalang hiwaga ang J.

“Nagkakataon lang. Pero wala nang Jake ang pangalan. Wala na.”

May bago na bang nanliligaw sa kanya?

“Wala po,” tanggi niya agad.

“I think I wanna lay low muna. Pero siyempre, ayoko rin namang magsalita nang tapos.

“Like Paul Jake, hindi ko naman inaasahan na dumating siya for me. Hindi naman ako naghahanap.

“So, kapag dumating yung person, e, di darating na siya.”

Kumpara sa naging breakup nila ni Jake Cuenca, tila mas naging madali at magaan sa kanya ngayon ang paghihiwalay nila ni Paul Jake.

Sabi naman ni Melissa, “Kasi, the first one… basta tapos na yun. Iba na rin ngayon at saka nag-mature na rin ako.”

Okay na ba sila ni Jake?

“No,” mabilis niyang sagot. “At saka hindi rin naman kami nagkikita, huwag na lang.”

Isinasara na talaga niya ang pintuan niya para kay Jake?

“There’s no reason to open the door anymore.

“You know, ako, I have no regret with everything. I tried everything, you know.

“But impossible, so huwag na lang.”

Kahit maging magkaibigan man lang sila ni Jake?

“Huwag na,” nakangiting sabi niya.

Kung kay Jake ay sarado na ang pintuan niya kahit sa pagiging magkaibigan, kabaligtaran naman ito kay Paul Jake.

“A, oo, kay Paul Jake, he’s very nice.

"Matalino siya. He has a dream of his own. He’s a very good guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala talaga akong maipipintas sa kanya and I’m happy that we’re still friends.”

Mas pinili lang ni Paul Jake ang bago nitong restaurant kaysa sa kanya?

“Hindi naman sa ganoon.

“Ayaw niya lang sigurong madamay ako sa init ng ulo niya. Marami siyang inaasikaso.

“You know, naiintindihan ko rin ang point niya.

“At least, hindi kami magkakaaway, hindi kami magkakagulo.”



NEXT PROJECT. Dahil kadarating lang niya mula sa bakasyon, hindi pa raw alam ni Melissa kung anong proyekto ang susunod niyang gagawin.

“Meron pong nababanggit sa akin, pero in the works pa po. E, ako naman, kababalik ko lang.

“Nagwo-workout ako and I’m trying to lose weight as much as possible.

“Gusto ko, pagbalik ko, bongga, ‘Ay, si Melissa ba yun?’ Parang ganun.”

Ang huling teleserye na ginawa ni Melissa ay ang Walang Hanggan, kung saan kontrabida ang ginampanan niyang karakter.

Kung sakali, kontrabida pa rin ba ang gusto niyang gawin o yung inaapi naman?

Tugon niya, “Ay, ako, yung kontrabida, love ko yung role na yun. I’m so happy na nabigyan ako ng ganoong role.

“And sana, yung next ko, ma-justify ko pa rin ang pagiging kontrabida ko kung sinuman ang makakasama ko dun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN