Enzo Pineda decides to put relationship with Louise delos Reyes on hold

Ayaw raw magmadali ni Enzo Pineda na magkabalikan silang muli ni Louise delos Reyes, lalo na’t nanumbalik na ang kanilang pagkakaibigan. Paliwanag ni Enzo, “Ayoko namang masayang, marami kaming pinagsamahan and I don’t wanna waste that. As much as possible, I wanna be friends with her, maging close kami. Marami akong natutunan sa buhay dahil sa kanya.”


Kahapon, August 12, ang aktuwal na 23rd birthday ng Kapuso young actor na si Enzo Pineda.

Noong August 11, Linggo, isang araw bago ang kanyang kaarawan, nakipag-birthday party siya kasama ang mga piling mag-aaral ng Alabang Elementary School.

Sa tulong ng principal ng eskuwelahan na si Dr. Emilia Alvarez, pumili ng mga estudyanteng mahihirap para makasalamuha ni Enzo.

Napag-alaman din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ideya mismo ni Enzo na mag-“give back” ngayong kaarawan niya.

Saad niya, “Ako talaga ang nakaisip, kasi I’m planning to have a medical mission.

“Pero it would take time sa National Youth Commission, kasi yung mga medicines, hindi ganoon kadaling ilabas at i-process.

“I think, it would take a month or two, so inuna ko muna itong feeding program.

“And then, yung medical mission na gagawin namin, maybe end of August ko na gagawin yun.”

Bakit sa Alabang Elementary School niya naisipang idaos ang kanyang feeding program?

Paliwanag ni Enzo, “Naisip ko rito sa Alabang Elementary School, unang-una, madali at maraming bata rito na puwede kong pasayahin.”

Mga bata ba talaga ang gusto niyang bahaginan ng kanyang mga biyaya?

“Oo, mahilig ako sa mga bata.

“I’m an ambassador for Children’s Hour, so I’m donating one hour of your time or one hour of your earnings sa mga kids.

“I’m also helping the National Youth Commission sa mga projects nila.

“I’m doing everything that I can to help also.”

Unang beses ba niyang ginawa ang ganitong charity work?

Ayon kay Enzo, “It’s not my first time, pero ito ang pinakamalaki.

“Dati, nagdo-donate ako ng mga books para sa mga bata, ngayon gumawa ako ng party para sa mga bata.”

BIRTHDAY WISH. Ano naman ang birthday wish niya ngayon?

Sagot ng StarStruck alumnus, “Siyempre, more blessings, more work, more happiness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At the same time, sa mga blessing na nare-receive ko, sana mas marami pa akong matulungan na ibang tao, lalo na ang mga kids.

“Honestly, iba ang birthday ko ngayon kasi mas gusto kong mag-share ng blessing.

“Kasi, for the past years, usually may mga parties ako sa mga kaibigan ko, ngayon mas gusto kong mag-share ng blessing.”

Pero kakaibang regalo ang nakuha na ni Enzo bilang birthday gift na talagang gusto niya.

Sa pagtatapos ng afternoon series nilang Kakambal Ni Eliana, may bago na siyang kasunod na show agad—ang Dormitoryo.

“Yun na ang birthday gift ko, kaya masaya ako.”



SORELY MISSED. Dumating sa gift-giving ni Enzo ang ilan sa mga kaibigan niya sa Kapuso network na sina Steven Silva at Julian Trono, at ang leading lady niya sa Kakambal Ni Eliana na si Kim Rodriguez.

Binibiro si Enzo na mukhang may kulang sa mga dumating.

Natatawa ito dahil alam na niya kung sino ang tinutukoy ng entertainment press—ang kanyang ex-girlfriend na si Louise delos Reyes.

Sabi ni Enzo, “Okay naman, siyempre marami akong mga taong gustong makita today.

“Pero yung iba kong mga friends, nasa workshop. Ayun, bawi na lang sila next time.”

Nagkasakit at na-confine sa ospital kailan lang si Louise, at isa ito sa dahilan kaya hindi na pinapunta ni Enzo ang dalaga sa gift-giving niya para makapagpahinga.

Dinalaw ba ni Enzo si Louise sa ospital?

Tugon niya, “Nalaman ko na nagkasakit si Louise, na-confine siya sa St. Luke’s, nagpadala ako ng mga fruits, dumalaw ako sa kanya.”

Kumusta naman sila ng mommy ni Louise noong dumalaw siya?

“Okay naman po, wala namang problema, everything’s doing well naman po.

“I’m just happy na nagpapahinga na si Louise and, at least, nagkaroon ako ng time para dalawin siya.”



TOGETHER AGAIN? Nababalita na nagkabalikan at madalas na ulit makitang magkasama sina Enzo at Louise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit sa mga interviews nila, halatang may “something” muli sa kanila.

Mabilis namang paliwanag ni Enzo, “Well, honestly, sasabihin ko, close kami ni Louise ngayon.

“Kasi, we’re part of Ligang iLike [on Party Pilipinas], one group, marami kaming pinagsamahan.

“Ayoko namang masayang, marami kaming pinagsamahan and I don’t wanna waste that.

“As much as possible, I wanna be friends with her, maging close kami.

“Marami akong natutunan sa buhay dahil sa kanya.”

Ayon kay Louise, si Enzo na lang ang tanungin kung totoo bang nagkabalikan na silang dalawa.

So, nagkabalikan na nga ba sila?

“Ako na lang ba ang hinihintay?” natatawang tanong naman niya.

“Hindi, for me, honestly, mas focus talaga ko sa trabaho this year, I just wanna make the most out of it.

“Sabi ko sa sarili ko, I don’t wanna waste my time here in showbiz.

“Kasi, parang fourth year ka na, gusto ko namang may mangyari sa buhay ko.”

Nagkasundo ba sila ni Louise na huwag na lang muna silang magkabalikan?

Kumpirma ni Enzo, “Opo, nagkasundo kami na huwag na lang muna.

“Marami pang responsibilities na dapat gawin. Bata pa kami, marami pang dapat gawin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN