Alden Richards denies changing his mind about pairing up with Marian Rivera

Sinang-ayunan ni Alden Richards ang naging pahayag ng kanyang ka-loveteam na si Louise delos Reyes na nagkaroon sila ng "loveteam quarrel" habang ginagawa nila noon ang One True Love. Pero ngayon daw ay wala nang ganito dahil naiintindihan na raw nila ang isa’t isa.


Itinanggi agad ni Alden Richards ang balitang hindi si Marian Rivera ang binanggit niyang pangalan nang tanungin siya sa isang interview kung sino ang gusto niyang makapareha.

Noon daw kasi ay si Marian ang madalas isagot ni Alden tuwing natatanong siya tungkol dito, pero ngayon daw ay iba nang pangalan ang binabanggit niya.

Dahil dito, may ilang fans daw ni Marian ang nagsasabing huwag na lang daw ipareha si Alden kay Marian, lalo na’t may balitang sa susunod na proyekto ng aktres sa GMA-7 ay ang young actor ang napipisil ng network na makapareha nito.

Mariing sabi ni Alden nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Mundo Mo’y Akin, “Hindi po totoo yun. I swear, hindi po totoo yun.

“At saka, wala po akong sasabihin na ganun o hindi ko po sasabihin na hindi si Ate Yan.”

Kung ganoon, sino pa ba ang gusto niyang makaparehang artistang babae sa GMA-7 bukod kay Marian?

“Kahit sino, kahit sino naman po. Hindi naman po ako choosy,” sagot ni Alden.

Posible kayang matuloy pa rin ang proyektong pagsasamahan nila ni Marian?

“Hindi ko po alam. Pero, nag-uusap po kami ni Ate Yan.

“At saka, wala po akong sinabi na hindi ko siya gustong maka-partner. Hindi po totoo yun,” paglilinaw pa niya.

“LOVETEAM QUARREL.” Isa pa sa sinabi namin kay Alden na kailangan niyang sagutin ay ang naging pahayag ni Louise na madalas silang dumadaan sa “loveteam quarrel.” Minsan daw, buwan na hindi sila nagpapansinan.

(Read: Louise delos Reyes on reported reconciliation with Enzo Pineda: “Para may excitement, hindi ko muna sasagutin!”)

“Hindi totoo ‘yan!” natatawang sabi ni Alden.

“Hindi totoo. Yung huling away namin, One True Love [2012] pa po.”

Sinabi namin kay Alden na iyon din ang sinabi ni Louise, na noong ginagawa nila ang One True Love ay halos dalawang buwan daw silang hindi nagpapansinan. Nagkasundo lang daw sila nang ginagawa na nila ang Mundo Mo’y Akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala, wala po…. sa akin po, walang problema sa aming dalawa. Tawagin n’yo nga po si Louise!” natatawang sabi na naman ni Alden.

Pero bakit may "loveteam quarrel" sila?

Sagot ng young actor, “E, siguro po kasi noon, adjustment naming dalawa. Talagang hands-on po na magka-partner.”

Pero hindi ba’t magkapareha na silang dalawa sa Alakdana (2011) pa lamang.

Sabi ni Alden, “Yung relationship po ng character dun, medyo mababaw pa. Hindi pa po masyado.

“May ganoon po talagang time. Minsan po, simpleng tampuhan.”

Natawa naman ang binata nang sabihin namin na hindi sila magkaraleasyon ni Louise para magkatampuhan.

“Hindi nga po, e. Siguro nga po, parang loveteam quarrel—LQ.

“Pero dito po sa Mundo Mo’y Akin, never po. Hindi kami nagkatampuhan.

“Siguro kasi, nasanay na kami sa company ng isa’t isa. Nagkakaintindihan na.

“Wala na pong isyu dapat. Kasi naiintindihan ko siya, naiintindihan niya ako.”



COSMO BACHELOR BASH. Isa si Alden sa rarampa sa Cosmo Bachelor Bash sa September September 24.

Pero tipid sa pagbibigay ng detalye ang young actor tungkol sa gagawin niya.

Ang sinabi lang niya ay kasama siya sa Top 10 Centerfolds at nakapag-pictorial na rin siya.

Pero kailangan daw niyang mag-workout pa para sa pagrampa niya.

“Yun nga lang po, talagang ngayon, sobrang busy po.

“Yung taping po namin sa Mundo Mo’y Akin, tatlong araw na po na sunud-sunod kami.

“Meron po kasing for airing na.”



MMFF MOVIE. Nagsimula na rin si Alden ng shooting ng 10,000 Hours, official entry sa Metro Manila Film Festival 2013 na pagbibidahan ni Robin Padilla.

Kuwento ni Alden, “Nag-start na po kami, ang sakit po sa katawan!

“Panay actions, wala po kaming double. Kaya artista po talaga ang gumagawa.

“Nag-training naman po kami. Kaya lang, nakakapagod po ang shoot.

“Si Direk Joyce Bernal, marami po siyang gustong shot sa eksena. Uulitin namin usually ang eksena from this point to this point.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Two hundred meters, tatakbuhin namin. Tapos, may gulong, baril, takbo, dialogue, tapos takbo ulit.

“Siguro, mga five times naming uulitin yun para makuha ang tamang camera shot.”

Pero pagod man daw, nag-e-enjoy naman si Alden lalo pa nga’t unang beses niyang makagawa ng action film.

“Buti nga po, binigyan ako ng production ng PFSI [Philippine Film Studios Inc.], sila rin po yung humawak sa Bourne Legacy. Sila po ang nagbibigay ng training sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN