Kim Chiu rules first quarter poll for The PEP List: PEPster’s Choice

For the first quarter, Kim Chiu earned the highest number of votes for any category with 1,103,794.


PEPsters, narito na ang official results ng The PEP List: PEPster’s Choice Standouts para sa first quarter of 2013.

Sinu-sino nga ba ang itinanghal ninyong winners?

Si Kim Chiu, na nanguna sa dalawang kategorya, ang biggest winner para sa first quarter.

Tumanggap si Kim ng 116, 950 votes para sa Female Newsmaker of the Year category, at tumataginting na 1,103,794 votes—highest number of votes, so far, sa kahit anong category ng The PEP List—para sa Female TV Star of the Year category.

Patunay ito sa malaking fan base ng Kapamilya star.

Nagmarka rin ang kanyang teleseryeng Ina, Kapatid, Anak, na nanalo rin bilang Teleserye of the Year.

Wagi rin si Kim sa Loveteam of the Year category, kung saan tumanggap sila ni Xian Lim ng 142,716 votes.

Samantala, dalawang beses na lumabas ang pangalan ni Xian sa listahan—na sa Loveteam of the Year, at ikalawa sa Male FAB award.

Nakakuha ang aktor ng 148,356 votes para sa huli.

Samantala, dalawang beses ding lumabas ang pangalan ni Daniel Padilla sa listahan.

Nakuha niya ang Male Teen Star of the Year with 277,914 votes at Breakout Star of the Year with 120,319 votes.

Sa kabuuan, mga Kapamilya ang itinanghal ng PEPsters.

Ang resulta ay sumailam sa ilang araw ding validation ng auditing firm na Punongbayan & Araullo.

To view the complete list of PEPsters’ Choice winners for the first quarter, click this.

Samantala, hindi makukumpleto ang The PEP List kung wala ang Standouts para sa first quarter na pinili ng PEP Editorial Team, na nagkaroon ng sampung araw ng deliberation simula Mayo.

Ino-audit na rin ng ng Punongbayan & Araullo ang isang pang listahan ng winners base naman sa page views, unique visits, shares, at comments ng PEP readers.

Abangan ang announcements sa darating na araw!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN