Kapuso teen star Bianca Umali learns to be independent at an early age

Handa na raw ang teen star na si Bianca Umali sa kung anumang mangyari sa kanyang showbiz career. Aniya, “Siguro, magtatagal when I get old, pero hindi ako sisikat nang matagal. Siyempre, for the others din and when I get old, wala na rin ako rito, but I don’t see it as forever career.”


Hindi na nakakagulat kung nakikitaan man ng lalim sa pag-arte ang Kapuso teen star na si Bianca Umali, isa sa mga bida sa GMA-7 afternoon soap na Mga Basang Sisiw.

Ito ay dahil sa mga totoong karanasan niya sa buhay, lalo na ang pagiging ulilang lubos.

Sa taping ng Mga Basang Sisiw sa Antipolo last week, naikuwento ni Bianca sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung kailan siya naulila sa ama at ina.

“Hindi po sila sabay.

“I was five, 2005 po noon, when my mom died because of breast cancer.

"And then... so yun, naiwan ako sa dad ko.

“Since bata pa po ako, hindi pa ako ganoon ka-aware, pero siguro it took time for him to accept.

“Kasi, pinilit pa niyang mag-sports, which I remember, and then, doon na lumala.

“Kasi kami, more on badminton kami, yung family namin, more on badminton, yun ang activity namin.

“Siguro after that, bigla na lang lumala ang sakit niya, kinailangan namin siyang dalhin na sa hospital.

“Siyempre, gumastos din kami ng medyo malaki, hanggang sa maiwan na lang po kaming dalawa ng dad ko.

“Then, after five years, yung dad ko naman. My dad died because of heart attack, biglaan naman po.”



LOLA’S CHILD. Thirteen years old pa lamang ngayon si Bianca at nasa pangangalaga na siya ng kanyang paternal grandmother niya.

Gaano kahirap mawalan ng mga magulang?

Sabi ni Bianca, “Parang na-realize ko rin na ang aga rin.

“So, after noon, I had to live with my grandma, sa father side, and then, yun.

“Actually now, medyo okay-okay na nga ako, nililibang ko na lang ang sarili ko with work.”

Paano ang pag-cope niya sa nakalipas na tatlong taon?

“Siguro with the help of cousins, family, yung ganoon,” sabi niya.

Kahit paano, may naiwan naman sa kanya ang mga magulang niya kaya hindi naman daw siya masasabing “basang sisiw” talaga sa totoong buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, “Sa ngayon, I’m learning how to be independent.

“Natuto rin akong gumalaw na mag-isa na hindi nagde-depend sa ibang tao which is a lesson that God wanted me to learn as early as my age.”



MEMORIES. Sa kanyang pagganap bilang Faye sa Mga Basang Sisiw, hindi ba parang bumabalik ang mga pinagdaanan niya nang mawalan siya ng mga magulang?

“Well, actually, marami nga ang nagtatanong sa akin na parang, ‘Ano ang feeling na parang kailangan mong balikan ang past experiences mo?’

“Na mahirap, kasi siyempre, yung iba, parang magkakaroon sila ng ano sa utak na binabalikan ko ang mahihirap na experiences.

“For me, siguro, hindi naman mahirap, pero malaking tulong siya lalo na sa mga trabaho namin bilang mga artista.

“Malaking tulong yung nagagamit mo ang mga experiences mo at may napaghuhugutan ka.”

Kahit na panay ang pag-iyak nila serye at nandiyang dinudumihan silang talaga, nakangiting sinabi ni Bianca na nag-e-enjoy siya.

“Nag-enjoy po ako kahit na pumupunta kami sa mga slum areas.

“For me, bagong experience yun kaya na-enjoy ko siya.”



STAR STATUS. Kumusta naman ang nagiging pagtanggap sa kanya ng publiko ngayong araw-araw siyang napapanood bilang isa sa mga bida ng Mga Basang Sisiw?

“Mas kilala na po nila ako.

“Kapag pumupunta ako sa mga malls, namumukhaan na nila ako, tinatawag nila akong ’Basang Sisiw.’

“Hindi nga Faye, ’Basang Sisiw’ ang tawag nila sa akin!” natatawa niyang sabi.

Two years old pa lamang pala si Bianca ay nagko-commercial model na siya.

Nagsimula siya sa GMA-7 noong nine years old siya, at ang una niyang show na kasama sa main cast ay ang Kaya Kong Abutin Ang Langit bilang batang Angelika dela Cruz.

Gusto ba niya talagang mag-artista?

“Yes,” nakangiting sagot niya.

“Siguro kasi,yun ang pinakauna kong natutunan, humarap sa camera, tapos lumaki na ako sa environment na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa edad niyang 13, parang dalaga na rin kung kumilos at magsalita si Bianca. Masasabi niya ba na maaga siyang nag-mature?

“Hindi ko alam, pero marami ang nagsasabi sa akin na mature ako for thirteen years old.

“Siguro kasi, kung hindi ako matuto, walang mangyayari, parang ganoon.”

Kasalukuyang nagho-home school si Bianca.



CONTRACT STAR. Under full-management contract si Bianca ng GMA Artist Center at masaya naman daw siya bilang isang Kapuso.

Pero hindi niya nakikitang artista na lang siya habambuhay.

Sabi ni Bianca, “I don’t know, kasi itong trabahong ito, hindi naman siya talaga magtatagal sa tingin ko.

“Siguro magtatagal when I get old, pero hindi ako sisikat nang matagal.

“Siyempre, for the others din and when I get old, wala na rin ako dito, but I don’t see it as forever career.

“Pero kung magtagal ako dito, that’s good.”

Pagkatapos ng Mga Basang Sisiw, umaasa ba siya na lead role muli ang ibibigay sa kanya ng GMA-7?

Sagot niya, “Hindi ako nag-e-expect.

“Pero kung meron… but minsan kasi, mahirap mag-expect.

"Mag-e-expect ka, tapos wala naman pala.

“So, wait lang, mabibigay rin sa amin yun.”

Ano pa ba ang gusto niyang gawin?

“I’m planning to be an artist like painting, photography—nagpa-practice na ako. Pero inuuna ko muna yung drawing para meron akong outline.”



ROLE MODEL. Kung mabibigyan siya ng pagkakataon, sino sa mga artista ngayon ang gusto niyang tularan o maging peg ng career niya?

“Marian Rivera,” mabilis niyang tugon.

“Kasi, I see her as an example of... yung marami rin siyang pinagdaanan, na kapag nakamit niya ang dream niya, it really feels good.”

May nanliligaw na ba sa kanya?

Nakangiti niyang sabi, “Wala, wala po. At saka, home study ako, so wala akong nami-meet.”

Sino naman ang crush niya sa showbiz?

“Sa mga actor po, siguro po kay Kuya Richard Gutierrez, kasi, friend siya ng brother ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May tatlong half-brothers at tatlong half-sisters si Bianca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN