Suspected kidnapper of actor Jake Vargas’s brother and sister-in-law surrenders

Sumuko na si PO3 Arnold Chantengco, isa sa apat na suspected kidnappers ng kapatid at hipag ng teen actor na si Jake Vargas kaninang umaga, August 14. Tatlong suspek pa ang pinaghahanap ng pulisya, ang mga ito ay sina PO1 Eleazar Jimenez, PO3 Alejandro Quinit, at PO1 Jayson Asuncion.


Sumuko na ang isa sa apat na suspek sa pangingidnap sa mga kapatid ng aktor na si Jake Vargas.

Ayon sa ulat ng SubicUpdater.com, sumuko na si PO3 Arnold Chantengco kay Olongapo City Mayor Rolen Paulino kaninang umaga, August 14.

Si Chantengco ay sinamahan ni Police Capt. Phillip Bolina sa bahay ni Mayor Paulino para sumuko.

Agad din naman na-turnover si Chantengco kina Sr. Insp. Gil Domingo at Olongapo City Police Office Director Sr. Supt. Rodolfo Recomono Jr.

Si Chantengco ay isa sa apat na suspek na hinahanap ng pulisya kaugnay sa pangingidnap sa kapatid ni Jake na si Joseph at hipag niyang si Jonalyn noong nakaraang taon.

Ayon sa salaysay ng mag-asawa, sila ay pinilit ng mga suspek na sumama sa intelligence office ng Philippine National Police matapos maakusahang nagsasagawa ng pot session at pinaghinalaang drug den ang kanilang bahay.

Pinalaya lamang umano sila ng mga suspek matapos makapagbayad ng P200,000.

Ang tatlo pang suspek na hinahanap ng pulisya ay sina PO1 Eleazar Jimenez, PO3 Alejandro Quinit, at PO1 Jayson Asuncion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN