Zia Quizon dismisses comparison of vocal prowess between her and sister Karylle

“It’s kind of baby steps kind of a process din, but you know, we’re learning. We’re growing every day,” sagot ni Zia Quizon nang kumustahin ang kanyang pamilya isang taon mula nang pumanaw ang kanyang ama na si Dolphy.


Unti-unti nang nagkakapangalan sa local music industry si Zia Quizon, bunsong anak ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla at ng yumaong Comedy King na Dolphy.

Dahil sa taglay niyang unique voice, nagmamarka ang singing style ni Zia.

Kahapon, August 13, ay ini-launch ang second album ni Zia na A Little Bit of Lovin’ sa Sequioa Hotel sa Timog, Quezon City. Dito ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press na makausap ang singer.



MAKING HER MARK. Saan ngayon mas napi-pressure si Zia: Ang bumenta ang kanyang second album dahil sa success ng kanyang first album, o ang magtagumpay dahil galing siya sa pamilya ng mga accomplished artists?

Tugon niya, “I think both, and we want to use that pressure din to push forward and make something na we’re proud of.

“Hopefully people will appreciate the meaning of the music na din and... music to affect a person’s life because if it affects one person, it’s affecting in a [good way].”

Sa ganitong paraan daw ay nagkakaroon ng inspirasyon ang isang artist na ipagpatuloy ang paggawa ng musika.

Hindi rin maiwasan na maikumpara si Zia sa kanyang older sister na si Karylle.

Marami ang nagsasabi na mas mahusay siyang singer sa nakatatandang kapatid, subalit hindi sang-ayon dito si Zia.

“We’re just starting to shape the idea na it’s not about better, or worse or best… everyone should be the best version of themselves.

“And I think my sister is the best version of herself.

“I can only aspire to be like that.

"I don’t feel that I’m there yet, so I would think she’s the better singer, kasi she knows where she’s going talaga in life and her ideals in life come through.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think it’s kanya-kanya na din.”



LIFE GOES ON. Higit isang taon pa lang mula nang pumanaw ang ama ni Zia na si Dolphy.

Ayon sa young singer, paunti-unti ay nakakabangon na silang mga naiwan ng Comedy King.

“We’re doing well,” tugon ni Zia nang kumustahin ng press ang kanilang pamilya.

“It’s kind of baby steps kind of a process din, but you know, we’re learning. We’re growing every day.

“I’m just glad din kasi I get to focus a little bit more on who we are as people kaya medyo existentialist thoughts between daughter and mom, so it’s a nice experience din kasi we get to discover ourselves.”

100 PERCENT. Noong 2011 inilabas ang first album ni Zia. Sabi ng 23-anyos na singer, natagalan bago siya nakapag-decide na gawing career ang singing dahil hindi siya basta-basta pumapasok sa isang bagay.

In the past few years ay nag-focus siya sa pag-aaral at pag-aalaga sa ama, kaya ngayon naman ay ibibigay raw niya ang kanyang 100 percent sa pagkanta.

Parehong kumakanta at umaarte ang mga magulang ni Zia, kaya tinanong ng PEP kung susubukan din niya ang ibang genre—gaya ng acting o kaya ay hosting.

“Eventually," sagot niya.

"I’m a very open... kind of go-with-the-flow [person], pero sa totoo lang, mas behind the scenes ako interesado, e—nagsusulat, directing, maybe producing and getting to shape the industry itself, not just being a part [of it].”

Nagkaroon na rin ba siya ng offers na maging host o umarte?

“Yeah, pero ayoko din masyadong bigyan ng focus, para mag-focus din [ako] sa music.

“But you know, I don’t want din kasi to start hosting [na] parang okay lang ako as a host.

"I really wanna start din magaling na ako, just so I don’t waste anybody’s time din.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN