Lauren Young ignores bashers and haters: "Bakit ko pa ipagpipilitan ang sarili ko sa mga taong may ayaw sa akin?"

Hindi nababahala si Lauren Young sa mga bumabatikos sa kanya. Sabi niya, “My world does not revolve around them. I have my own life. I have my own career to think about and I can’t sacrifice my career for the benefit of the people who don’t even like me.”


Natuwa si Lauren Young sa papuri sa kanyang pag-arte ng ilang entertainment press na dumalaw sa taping ng Mundo Mo’y Akin sa Fernwood Gardens noong August 7.

Pero kahit marami ang nagkakagusto sa ipinapakita niyang acting bilang si Darlene, mayroon pa ring haters o bashers ang young actress.

Gumaganap kasing kontrabida si Lauren sa loveteam nina Alden Richards at Louise delos Reyes. Kaya hindi pa rin nawawala ang galit ng ilang fans kay Lauren sa kabila na sila ni Louise ay magkaibigan namang maituturing.

Sabi ni Lauren tungkol dito, “Parang ako, I don’t do it for them. When I do my work, I do it for myself.

“Kasi, I have my own fans club, so ginagawa ko na lang for them.

“Kung may mga taong hindi nila naa-appreciate ang work ko, bakit ko pa ipagpipilitan ang sarili ko sa mga taong may ayaw sa akin?

“So, magpo-focus na lang ako sa mga taong gustong manood sa akin at sumubaybay sa akin kesa sa iiyak na lang ako forever.

“I’ll work harder na lang, then gagawin ko na lang for those who appreciate me—for my family, friends.”



WARNINGS. Sinabihan na raw si Lauren na kung ang mindset niya ay matatakot lang siya palagi, wala nang mangyayari sa kanya.

Saad niya, “Oo, kung palagi kong idadaan sa takot na may masasabi sa akin ang mga fans niya, so mag-a-adjust ako.

“Paano naman ang career ko? Paano naman ang work ko?

"My world does not revolve around them.

"I have my own life. I have my own career to think about and I can’t sacrifice my career for the benefit of the people who don’t even like me.

"That’s not fair naman.”



BEAUTY CONTEST. Masaya naman si Lauren para sa ate niyang si Megan Young dahil isa ito sa official candidates sa Miss World Philippines na gaganapin ngayong Linggo, August 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Lauren, “Happy ako, kasi nakikita ko na ang tagal na rin niyang gusto.

"I’m really happy for her.

“Kasi, nakikita ko siya, ang tagal-tagal na rin niyang nagte-training, hardcore!

"Twice a day nagdyi-gym siya, sobrang nagda-diet siya.

“Nagme-make-up lesson siya, question and answer lesson, walking lesson... and I see that she’s so dedicated and she really wants to win.

“But if she doesn’t win, okay lang, at least she did what she wants.”

Si Lauren, hindi ba siya susunod sa yapak ni Megan at sumali rin sa isang beauty pageant?

“No talaga!” natatawang sabi niya.

“Kasi, kung siya passion niya, ako, may passion din ako with my acting.

“Ayoko namang gagawin ko lang just for the sake of it, so dito na lang ako sa gusto ko, which is acting.”



KONTRABIDA TO BIDA. Sa susunod na proyekto niya sa GMA-7, gusto ba niya ay kontrabida pa rin ang role niya o siya naman ang bida at inaapi?

Sagot ni Lauren, “I don’t know, we don’t have storycon yet.

"Pero, in a way, kung kontrabida, okay lang sa akin.

“Sabi ko nga, I’m not done yet exploring being a kontrabida, kasi hindi ko pa rin siya nae-explore na masyado rito.

“Kumbaga, hanggang dito na lang muna.”

Nagpapasalamat nga si Lauren na ang karakter niya sa Mundo Mo’y Akin ang una niyang naging teleserye sa Kapuso network.

Aniya, “Siyempre, ayoko rin namang sabihin ng tao na lilipat ka, tapos wala ka namang maipapakita.

“Ipinapakita ko naman na, siyempre, ayoko namang may masabi ang GMA.

“Ayoko rin namang may masabi ang mga bosses ng GMA na, ’Kinuha natin siya, baka sayang lang ang ibinigay natin.’”

Nagsimula ang showbiz career ni Lauren sa bakuran ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN