Allen Dizon goes naked anew for latest indie film

Allen Dizon on doing nude scenes again: “May asim pa naman tayo, e. Siguro ay puwede pa naman, puwede pa tayong magpa-sexy!”


Mula nang ginawa ni Allen Dizon ang pelikulang Dukot four years ago, nagsimula na siyang malinya sa mga pelikulag masasabing may social relevance.

Kabilang sa mga pelikulang sumunod na ginawa ni Allen pagkatapos ng Dukot ay ang Sigwa, Patikul, Deadline, at Migrante.

Subalit ayon sa dating sexy actor, nagkakataon lamang daw ito at hindi naman niya sinasadya talaga.

Saad ni Allen, “Pero ito talaga ang mga pelikulang gusto kong gawin at ginagawa ko ito dahil siyempre, ito ang mas napapanahon and sa abroad.

“Kasi, itong mga ganitong indie film ay mas pinapanood ng mga Filipino at kahit na ng mga foreigner dahil iba yung istorya.

“At eto kasi yung totoong nangyayari, reality of life ito, e.”



TWO INDIE FILMS. Dalawang bagong pelikula ni Allen ang malapit nang ipalabas—Burgos at Lauriana.

Sa Burgos ay sumuporta siya kina Lorna Tolentino at Rocco Nacino na gumanap bilang Mrs. Editha Burgos at Jonas Burgos, respectively. Mula ito sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Si Jonas ang aktibistang dinukot sa isang mall at hanggang ngayon ay nawawala pa rin pagkalipas ng anim na taon.

Gumanap dito si Allen bilang isa sa mga kapatid ni Jonas.

Ayon sa aktor, mahirap ang sitwasyon ng mga pamilyang nakararanas ng ganitong trahedya.

“Very touching ang istorya nito dahil mahirap ang maghanap, e, maghanap sa nawawala especially kung family mo.

“Alam natin na mahirap mawalan ng anak, di ba? Parang walang katapusan ang paghahanap, e.

“Parang habambuhay kang magse-search at mahirap ‘yon, di ba?” saad niya.

Ang Burgos ang naging closing film sa katatapos na 2013 Cinemalaya Independent Film Festival.

Samantala, ang Lauriana naman ay kalahok sa Sineng Pambansa National Film Festival All Masters Edition na gaganapin sa September 11 to 17 sa lahat ng sinehan ng SM Malls.

Ang pelikulang ito ay mula sa direksiyon ni Mel Chionglo. Bukod kay Allen, tinatampukan din ito nina Bangs Garcia, Rich Asuncion, at Victor Basa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Allen, ibang atake ang ginawa niya sa kanyang role rito. Idinagdag pa niya na ito ang pinaka-daring na pelikulang kanyang nagawa.

Saad niya, “Iba yung character ko doon, e, malayo dito sa Burgos.

“Ang setting nito ay 1950s at parang extreme iyong character ko kasi rito, e.

“Parang may tama sa utak at sobra kung magmahal sa babae, obsessed… yun!

“May action ito at sex… ibang Allen naman ang mapapanood dito—mas daring at mas kakaibang acting naman ang makikita rito.

“Sundalo ako dito, e, PC [Philippine Constabulary] ako dito.

“Isang kapitan ang ranggo ko na nangto-torture ng babae pero mahal niya iyong babae, pero ayaw niyang pakawalan, obsessed siya doon.

“Eto na siguro ang pinaka-daring na pelikulang nagawa ko.

“Iyong love scenes namin dito ni Bangs, grabe iyon at saka sobrang dami.

“Daring talaga ang mapapanood dito,” pahabol pa niya.

Nag-all the way ba siya rito, as in totally naked?

“Oo, naked talaga, pero may plaster naman para proteksiyon din,” sagot niya.

Ano ang masasabi niya kay Bangs?

“Si Bangs, game siya basta trabaho. Very professional siya, walang arte sa katawan, walang kiyeme… nagawa niya nang maayos ang hinihingi ng eksena.

“May butt exposure ako dito… actually pareho kami ni Bangs na may butt exposure dito.”



BACK TO SEXY ROLES? Pagkatapos ng Dukot, nasabi ni Allen dati na graduate na siya sa sexy roles. So, bumalik ba siya ulit sa pagpapa-sexy?

“May asim pa naman tayo, e. Siguro ay puwede pa naman, puwede pa tayong magpa-sexy!” nakatawang biro niya.

“Pero seriously, kailangan kasi talaga iyon sa istorya, e, depende kasi sa role.

“At saka dito, hindi lang naman basta naghubad o basta may love scene lang diyan.

“Dito, may love scene kami ni Bangs na isa sa pinakamatindi ay yung first time na love scene namin, na from kusina papuntang kuwarto, dire-diretso iyon, hanggang sa maghubad na, lahat na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Papunta sa kuwarto ay unti-unti kaming naghuhubad hanggang todo-hubad na pagdating sa kuwarto.

“Matagal iyon, siguro twenty minutes yung eksena.

“Pero sabi ko nga, kailangan yung eksena para ipakita na ibang klase si Samuel, iyong character ko doon, na iba siya kung magmahal ng babae.”

Hindi ba siya nagdalawang-isip sa proyektong ito dahil sa mga daring scenes nila ni Bangs?

“Hindi naman ako nagdalawang-isip, kasi Masters’ Edition naman ito, Sineng Pambansa. So, sana ay abangan nila ang movie namin.

“And sabi ko nga, ibang movie ito, hindi ito yung Allen na nagpa-sexy noong nagsisimula pa lang sa showbiz.

“Ibang Allen ang makikita dito, ibang level ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN