Cesar Montano and Sunshine Cruz face each other in court for hearing of PPO and habeas corpus

Nagharap sa korte ang estranged couple na sina Sunshine Cruz at Cesar Montano ngayong araw, August 15, para sa hearing ng dalawang magkahiwalay na kasong isinampa ni Sunshine laban kay Cesar. Ang pagkikita ng dalawa ay nagsilbi ring reunion ng mag-anak dahil kasama ni Cesar na pumunta sa korte ang tatlong anak nila ni Sunshine.


Inabot ng tanghali ang hearing ng dalawang kasong isinampa ni Sunshine Cruz laban sa asawang si Cesar Montano na ginanap sa Quezon City Hall of Justice ngayong araw, August 15.

Alas-otso ng umaga ay sinimulan na ang hearing ng petition for Permanent Protection Order (PPO) na dininig sa sala ni Judge Fernando Sagon Jr. ng Branch 78 ng Quezon City Regional Trial Court.

Kasama ni Cesar na dumating ang tatlo nilang anak ni Sunshine na sina Angelina Isabelle (11 years old), Samantha Angelene (8), at Angel Franchesca (7).

Mahigpit na ipinagbawal ang media sa loob ng courtroom kaya wala kaming ideya kung ano ang nagaganap sa loob.

Ito na raw ang pangalawang hearing dahil ang unang hearing ng Temporary Protection Order (TPO) na isinampa nung July 26 ay na-dismiss daw, ayon sa legal counsel ni Cesar na si Atty. Joel Ferrer.

Kaya itinuloy na nila ito ngayon sa PPO.

Pinagsusumite ng korte ang magkabilang kampo ng position paper at muli silang maghaharap sa September 2, Lunes.

Inabot ng mahigit na dalawang oras ang pagdinig at paglabas nila ay tumuloy agad sila sa second floor ng QC Hall of Justice para sa hearing ng kasong habeas corpus na isinampa rin ni Sunshine.

Dininig naman ito sa sala ni Judge Jose L. Bautista.



FAMILY REUNION. Naunang nakapasok si Sunshine sa courtroom, at pagdating ni Cesar kasama ang mga bata, dumaan sila sa harap ng aktres.

Ang panganay nilang anak na si Angelina Isabelle ay tumapik sa kanilang ina. Hindi naman kumibo ang pangalawa nilang anak na si Samantha.

Ang bunsong anak nilang si Francesca ang lumapit kay Sunshine at matagal silang nagyakap.

Tinawag ang mag-asawang Cesar at Sunshine sa loob ng chamber ni Judge Bautista at inabot sila ng mahigit dalawang oras kunsaan pinagharap sila kasama ang tatlo nilang anak.

Nasa labas lang ang kanilang mga abugado at tinawag lamang ang mga ito bago natapos ang pag-uusap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naunang lumabas ng kuwarto si Sunshine na nakangiti at kasama na ang tatlong bata.

Paglabas ni Cesar, tumakbo sa kanya ang pangalawa nilang anak na si Samantha at kumandong ito sa kanya.

Bago sila umalis, kinausap muna ni Cesar ang tatlong bata bago ibinigay kay Sunshine.



GAG ORDER. Hindi nagbigay ng sagot si Sunshine sa tanong ng mga reporter.

“I’m happy,” tipid na sagot ni Sunshine habang hawak-hawak nito ang dalawang anak niyang sina Angeline at Franchesca.

Si Cesar naman ang may hawak kay Samantha.

“Hindi po ako puwedeng magsalita, e. Pagagalitan ako ni Judge, may gag order po,” sagot lang ni Sunshine sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung sa kanya na ba mapupunta ang kustodiya ng kanilang mga anak.

Dahil sa mga nagkakagulong reporters na gustong mag-interview sa kanila, magkasamang umalis sina Cesar at Sunshine para protektahan ang kanilang mga anak.

Tuluy-tuloy silang sumakay sa van ni Sunshine at pati si Cesar ay sumabay na rin sa kanila.

Sinabihan lang ng aktor sina Sunshine na ihatid na lang siya sa kotse nito.

Pero sabi ni Cesar bago ito umakyat ng van: “Sa akin pa rin ang mga anak ko.”

CESAR OR SUNSHINE? Tipid din ang mga sagot ng abugado ng mag-asawa nang tinanong namin kung ano ang naganap sa hearing.

“They’re going home,” sabi ng legal counsel ni Sunshine na si Atty. Carlo Bonifacio Alentajan sa tanong namin kung kanino mapupunta ang mga bata.

Dagdag niya, “I think it was for the children. That is our priority right now, the welfare of the children, the happiness of the children.

“So, the children are going home, and we’re happy with that. I cannot discuss pa, but they’re going home.

“We’re happy that the children are happy.”

Pero sinabi rin ng ama ni Atty. Carlo Alentajan na si Atty. Bonifacio Alentajan na simula ngayong araw ay na kay Sunshine daw muna ang mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s all muna. Kasi ayaw na kami pagsalitain ng judge,” sabi nito.

Naniniwala naman ang abugado ni Cesar na si Atty. Joel Ferrer na kay Cesar mapupunta ang custody ng mga bata.

Pahayag nito, “Sa ngayon, ang sinasabi ng mga bata, gusto nilang tumira sa Tivoli, sa daddy nila dahil, for one, mas conducive sa kanila ang lugar at mas may pagkakataon silang makita si Cesar from time to time.

“Pero sa ngayon, mas gusto ng mga bata na tumira, matulog doon sa Tivoli kay Cesar. Ayaw nila dun sa tinitirhan ni Shine.”

Ipinakita pa ng abugado ang mga litrato ni Cesar kasama ang mga bata na nagkakantahan na kinunan daw nung nakaraang kaarawan ng aktor (August 1).

Mas binibigyan daw kasi ng priority ang gusto ng mga bata, kaya doon daw muna sila.

Sabi pa ni Atty. Ferrer, “Very positive kami sa kasong ito kasi nga ang evidence nila is so weak… and meron ding mga ebidensiya si Cesar na matibay-tibay to suppress yung mga evidences nila.”

Pagdating sa mga bata, malaki rin ang kumpiyansa ni Atty. Ferrer na kay Cesar mapupunta ang custody dahil ang mga anak na raw nila mismo ang magdedesisyon kung kanino nila gusto sumama.

“Nasa mga bata kung saan nila gusto. Pero sa ngayon, ang sabi ng mga bata, gusto nila tumira sa Tivoli,” sabi ng abugado ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN