Bong Revilla defends son Bryan’s business link with Janet Lim-Napoles’s son

Idiniin ni Senator Bong Revilla (kanan) na legal ang negosyo ng anak na si Bryan Revilla (kaliwa) at kasosyong si James Christopher Napoles, anak ni Janet Lim-Napoles.


Nadadawit ang panganay na anak ni Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. na si Bryan Revilla sa kontrobersiya tungkol sa negosyanteng si Janet Lim-Napoles.

Ito ay dahil sa pagiging magkasosyo sa negosyo ni Bryan at ng anak ding lalaki ni Napoles.

Nasa hot seat ngayon si Napoles dahil sa diumano’y pagiging “mastermind” niya sa P10-billion pork-barrel scam, at isa umano si Senator Revilla sa mga pulitikong nakinabang sa nasabing scam.

Nauna na itong itinanggi ng actor-politician at sinabing ito ay isang "demolition job" lamang laban sa kanya ng administrasyon.

(Read: Senator Bong Revilla denies involvement in pork-barrel scam; claims allegation "engineered by the administration")

Kamakailan ay may ulat na lumabas na magkasosyo sa shoe importing and selling business ang panganay na anak ni Bong na si Leonard Bryan Bautista—o mas kilala sa showbiz bilang Bryan Revilla—at si James Christopher Lim-Napoles, anak ni Janet.

Ipinagtanggol naman agad ni Bong ang anak at sinabing ang negosyo nina Bryan at James Christopher ay “legal and legitimate,” ayon sa ulat ng GMA News Online.

“It is unfortunate that a legal undertaking between associates is being tainted with malice,” ayon sa statement ni Revilla patungkol sa pagiging business partners nina Bryan at James Christopher, na magkakilala na raw noong high school pa lamang.

Nakiusap din ang senador na huwag nang idamay pa ang kanyang anak sa kontrobersiya.

“I think that this malicious story is another attempt by some sectors to malign us. Kung gusto akong sirain, ako na lang. ‘Wag na sanang idamay ang anak ko.”

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) si Napoles sa isyung paggamit umano ng pork barrel para sa bogus projects na kinasasangkutan din daw ng maraming pulitiko.

(Read: Bong Revilla, Jinggoy Estrada, three other senators allegedly involved in pork-barrel scam)

Sa ngayon ay hindi mahagilap si Napoles matapos maglabas ng arrest warrant para sa kanya ang Makati City Regional Trial Court dahil sa “illegal detention” sa whistleblower ng scam na si Benhur Luy, dating empleyado ni Napoles.


Sa pareho ring pahayag ni Bong ay sinabi niya na nagkita sila ni Napoles “in certain social gatherings” subalit hindi umano sila nagkaroon ng mga pag-uusap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN