Mocha Uson expects criticisms for latest controversial pictorial

Inaasahan na raw ni Mocha Uson na makakatanggap na naman siya ng kritisimo dahil sa pagsusuot niya ng abito, habang may hawak ng nakalobong condom, sa kanyang latest magazine pictorial. Pero aniya, “Excited ako sa cover na ‘to kasi hindi lang ito pagpapa-sexy, meron din itong adbokasiya and very, very artistic ang mga layouts."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang controversial singer-actress na si Mocha Uson sa isang photography studio sa Timog Avenue, Quezon City kahapon, August 15, para sa pictorial ng isang magazine.

Ayon kay Mocha, kakaiba ang concept ng pictorial niya dahil hindi lang daw siya maghuhubad dito—na kadalasan na niyang ginagawa—kundi magsusuot siya ng costume na pang-madre.

“Para ito sa cover ng ISDA Magazine for September,” banggit niya.

Ang ISDA ay nangangahulugang Indie Support and Development Advocacy, kung saan sinusuportahan daw nila “anything about indie.”

Halimbawa, kung mayroon daw isang indie movie na nahihirapang makakuha ng publicity, ginagawan daw nila ito ng libreng publisidad sa naturang magazine.



FREEDOM OF EXPRESSION. Ang magiging tema raw ng September issue ng naturang magazine, kung saan si Mocha ang featured cover girl, ay “freedom of expression.”

Ano ang pakiramdam na muli siyang gagawa ng mapangahas na pictorial?

Tugon ni Mocha, “Ito, excited ako kasi high fashion ‘to, e, it’s really artistic.

“Di ba, ang dami ko nang nagawang mga men’s magazine cover na puro sexy?

“Pero ito, may ipapakita pa rin, pero may art.”

Dagdag pa niya, “So ito, maganda, kasi ipu-push yung limits ko, e.

“Kasi ito yung isang bagay na hindi ko pa nagagawa at gusto ko talagang gawin.”

Isa sa mga layout na ipinakita niya sa amin ay nagpapalobo siya ng condom habang naka-abito.

Sabi ni Mocha, “Nagawa ko na ‘yan before [magpalobo ng condom], pero ang kakaiba dito ay naka-madreng costume.”



BATIKOS? Hindi ba siya natatakot na batikusin ng mga moralista at ng religious sector dahil magsusuot siya ng damit ng mga madre?

Sagot ni Mocha, “Alam mo, nandiyan na ‘yang pagbabatikos, sanay na tayo diyan.

“Pero ang advocacy ko at saka ng ISDA magazine ay para dito ay i-encourage yung youth, i-encourage yung bawat isa, especially women, na maging matapang to express themselves, huwag silang mapipigilan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Halimbawa, kung sila ay naabuso… kasi, di ba, yung double standards na minsan hanggang ngayon ay medyo inferior pa rin ang babae?

“Pero dapat maging matapang yung mga kabataan, kababaihan, and huwag silang matakot to express themselves kahit ano pang sabihin ng ibang tao.”

Dagdag niya, “Excited ako sa cover na ‘to kasi hindi lang ito pagpapa-sexy, meron din itong adbokasiya and very, very artistic ang mga layouts.

“And itong magazine na to ay sinusuportahan ko kasi sinusuportahan din nila yung mga upcoming artists, mga indie artists—it’s for freedom of expression.

“And we are increasing awareness among women, among the youth na maging matapang and be themselves.”

Tungkol naman sa hawak niyang condom sa pictorial, pabirong sabi ni Mocha:

“Paalala ‘yan sa mga kabataan, safe sex lagi. Para ganahan sila gumamit ng protection, dapat flavored condom ang gamitin!”

Nakatakda ring mapanood si Mocha sa kanyang kauna-unahang “wholesome” movie na Mga Alaala sa Tag-ulan. Entry ito sa CineFilipino Film Festival na magsisimula on September 17. Kasama ni Mocha dito si Akihiro Blanco ng Artista Academy ng TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN