DJ Durano on mentor-friend Direk Wenn Deramas: “Kung wala si Direk Wenn, walang DJ Durano.”

DJ Durano on Direk Wenn Deramas: “Yes, we have a relationship. A director-actor relationship. Outside that, we have a deep relationship and I don’t want to elaborate. Basta masyado siyang concerned sa family ko, sa sarili ko at sa career ko. People naman will have always something to say regardless kung ano ang gawin ko, ano pang malinis na ginagawa mo, may sasabihin talaga sila. I think, it’s just part of the job na natsitsismis ka and I welcome it kasi kung h


Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor na si DJ Durano sa presscon ng Ang Huling Henya na ginanap sa City Best Restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City noong Thursday, August 15.

Kababalik lang ni DJ galing Amerika upang dalawin ang kanyang ina kaya matagal siyang hindi gumawa ng projects sa TV man o pelikula.

Panimula ni DJ, “Okay naman. So far, so good. This year medyo na-lessen yung mga ginagawa ko but I’m still around.

“I’m doing two movies at the same time and working sa Nagalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi under Viva Films at heto ngang Ang Huling Henya with Rufa Mae [Quinto].

“I have a series na lalabas sa GMA 7, it’s called Pyra: Ang Babaeng Apoy. So busy na rin talaga ako ngayon.”

Mula sa Kapamilya network ay lumipat na rin ba siya sa Kapuso network?

Sagot ng 39-year-old actor, “Ano... freelancer pa rin ako.

“Kasi, ayoko naman na matali sa isang istasyon pero may mga gusto pa ring kumuha sa akin sa kabila at may mga naka-lineup pa rin akong project doon.

“So, ayokong sabihin na Kapuso ako dahil wala pa namang kontratang naiibigay sa akin. Pero, kung meron talagang istasyon na mag-aaruga sa akin at sasabihin na, ’dito ka na lang sa akin,’ bakit hindi, di ba?

“Kung sino ang magbibigay sa akin ng kontrata, di dun ako.”



FALLING-OUT WITH DIREK WENN. Ina-attribute ng karamihan sa falling-out nila ni Direk Wenn Deramas ang paglamya ng kanyang career ngayon.

Si Direk Wenn kasi ang close friend niya dati na siyang nagbibigay sa kanya ng maraming TV projects, ayon sa obserbasyon ng halos lahat.

Paliwanag ni DJ, “Siguro naman, it’s about time. Sa more than ten years na rin sa paggawa ko under him, it’s about time to go on my own ’coz I guess, the audience wants to see me in a different light.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi nga, I’ve been doing comedy and soap operas with Direk Wenn. I think it’s time for me to move on and find my own niche in this industry.”

Dugtong pa niya. “But, let me clear the fact na yung first to four years ko, Direk Wenn was just helping me.

“Yung last six years when the movies were blockbusters, he did not want me na isama sa mga yun but Viva Films and [Tita] Malou Santos [of Star Cinema] insisted na dapat lagi akong kasama sa mga movie na yun at wala siyang choice [Direk Wenn] ’coz that started the ’lucky charm’ thing sa amin.

“So lahat ng bookers ng Star Cinema didn’t want to do a movie with Direk Wenn kung wala ako, so that started yung sinasabi nilang ’package deal’ ako with him. So, yun.”

Palagay daw ang loob n Direk Wenn sa mga artista—lalo na sa supporting roles—na kung sino ang nakasanayan niya ay yun din ang gusto niyang kunin sa mga susunod nitong proyekto.

“Parang sina Andrew E or Bossing [Vic Sotto] din ’yan,” sabi pa niya. “Pare-pareho ang grupo.

“So ako, nasi-single out ako, kasi ako, lalaki ako, tapos si Direk Wenn ay gay kaya naha-highlight lalo na laging nabibigyan ako ng magandang role kasi nakikita naman niya na meron akong ilalabas.

“Tapos, nakikita kami magkasama outside ’coz he’s a dear friend and he’s been helping me. And sinasabi ko naman na kung wala si Direk Wenn, walang DJ Durano.”



DEEP RELATIONSHIP. Kaya nga hindi maalis-alis ang connotation na meron silang relasyong higit pa sa pagiging magkaibigan.

Aniya, “Yes, we have a relationship. A director-actor relationship. Outside that, we have a deep relationship and I don’t want to elaborate.

“Basta masyado siyang concerned sa family ko, sa sarili ko at sa career ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“People naman will have always something to say regardless kung ano ang gawin ko, kung ano pang malinis na ginagawa mo... may sasabihin talaga sila.

“I think, it’s just part of the job na natsitsismis ka and I welcome it kasi kung hindi ka pinag-uusapan, you don’t mean anything to people.

“So I feel important ako sa kanila kasi they have time for me, kahit bina-bash nila ako. I welcome it.”

Kaya nga raw ngayon na wala na siya sa pangangalaga ng batikang direktor ay unti-unti na ring nawawala ang kanyang career.

Reaksiyon ni DJ, “Hindi ako naniniwala dun. Kasi kung meron ka, meron ka. Kung may ibubuga ka [sa acting], may ibubuga ka.

“Ako masipag at marunong makisama, alam ko na hindi ako mawawalan.

“Sa industriyang ito, kapag marunong kang makisama, buhay ka. It’s not who you know, it’s how people will recall you.

“Well, yeah, kasama na diyan ang ’whom you know,’ but I think kung ano yung work ethics mo, kung paano ka naging aktor, yun ang magdadala sa ’yo para magtagal.

“Ako, I’ve been in this business for a long time. Siguro, hindi naman ako aabot dito kung hindi ako naging mabuti sa tao.”



PATCHED THINGS UP. Kumusta na sila ngayon?

“We patched things up,” tugon niya. “Kung anuman ang differences namin before, pinag-usapan na namin.

“I’m happy we’re friends again now. And, it’s a nice feeling na okay na kami. Nakapag-usap na kami.

“Ang sabi niya, ’ayusin mo ang buhay mo.’ Gumanon lang siya sa akin. Maayos naman ang buhay ko pero for someone na tumutulong sa iyo, he just wants what’s best for me.

“I don’t think naman na titigil na ang pagtulong niya sa akin kasi close siya sa family ko at malalim na ang pinagsamahan namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t think it will waver kasi hindi mo matatawaran yun,” giit niya.

Pinapangarap pa rin ba niya ang maging kasinsikat ni Coco Martin?

“When it comes, it comes,” saad ni DJ, “Wala naman akong pwedeng ireklamo sa career ko. Happy na ako.

“Yung career ko ngayon, it’s an ’everyday bonus’ for me.

“Marami na rin akong pinagdaanan. Nagbida na ako, supporting lead, movies na mga pang-filmfest, ano pa ba?

“Hindi lahat ay puwedeng maging isang Coco Martin, di ba? Masaya ako for him. Mabait siyang tao lalo na sa family niya kaya blessed talaga siya. Suwerte siya.”



ON RUFA MAE. Napunta naman ang usapan kay Rufa Mae, ang bida sa Ang Huling Henya na ipapalabas na sa August 21.

“Si Peachy naman [totoong pangalan ni Rufa Mae], meron kaming love angle before,” nangingiting sabi ni DJ.

“Ako ang unang boyfriend niya sa industriya. Ako ang unang lalaking minahal niyan.

“Nag-uusap naman kami at hindi nawala ang pagiging magkaibigan namin.

“Malaki rin ang naitulong ko sa taong ’yan [Rufa Mae]. Kumbaga, kung ano man siya ngayon, isa ako sa mga nagbuyo na ’mag-showbiz ka.’ Ako ang nagsasabi sa kanya dati.”

Sabi pa niya, “Si Peachy naman ay mahal ko ’yan, e. Lahat naman ng parte ng buhay ko ay minahal ko.

“Walang bahid ’yan ng kaplastikan.

“Siguro kaya ganito ang buhay ko—magaan—kasi, napakaano kung tao, e. Light din ako.”

Bakit hindi niya i-pursue ulit si Rufa Mae? Pareho naman silang single ngayon.

Natawang sagot niya, “Soon. Ha-ha-ha!

“Kung gusto ni Peachy, why not naman, di ba?

“Open naman ako. Isang text lang niya, nasa tabi na niya ako. Hindi, joke lang.

“Hindi, meron akong girlfriend ngayon. Non-showbiz. Pero, understanding naman siya. Alam naman niya na yung mga ganitong sagot sa showbiz, part yun.

“Merong mga selos-selos, pero napag-uusapan naming dalawa,” pangwakas niyang saad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN