LJ Reyes on the possibility of finding herself in a gay love triangle: “Feeling ko, mas mahirap po iyon na intindihin.”

LJ Reyes on the complications of a love triangle involving a gay guy: “Feeling ko naman, normal na sa panahon ngayon na may nali-link sa isang gay. Na… hindi na talaga kagulat-gulat iyon. Ewan ko po. Hindi ko po alam. Mukhang mahirap po ang sitwasyon na iyon. Hindi ko po alam. Feeling ko, mas mahirap po iyon na intindihin.”


Wala raw kaso kay LJ Reyes kung nalilinya man siya ngayon sa kontrabida roles. Challenging daw for her ang pagpu-portray ng ganitong roles.

“Sa Prinsesa Ng Masa, kontrabida ulit ang character ko,” sabay ngiti ng Kapuso actress nang makausap namin noong Biyernes, August 16, sa birthday party ng movie reporter na si Roldan Castro sa R Bistro sa Victoria Towers, Timog Avenue, Quezon City.

Ang Prinsesa Ng Masa ang bagong soap ng GMA-7 na pagbibidahan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica. Kasama rin sa cast nito si Renz Fernandez.

“Mag-start na ako ng taping for that next week. Ako ang magiging kontrabida sa pagmamahalan nina Aljur at Kris.

“Okay lang naman. Wala pong problema sa akin ang pagpu-portray ng kontrabida roles,” dagdag ni LJ.

Sa totoong buhay, napaka-sweet at mabait ni LJ; kabaligtaran ng mga salbaheng karakter na madalas ay natotokang gampanan nga niya.

“Iyon nga ang challenge sa akin, na kailangang maramdaman ng viewers ang pagka-kontrabida ko.

“Sa bawat kontrabida role na i-portray ko, tinatanong ko pong mabuti kung ano yung character ko. Kinikilala ko siya.

“Tapos from there, iyon… do’n ko po nakukuha kung ano sa tingin ko yung tamang atake ko sa role,” patuloy niya.

INDIE FILM. Bukod sa Prinsesa Ng Masa, malamang ay may gawin din daw siyang bagong indie film.

“Kakapasa lang po sa akin ng script. I think gagawin ko siya. Pero hindi pa ako puwedeng magbigay ng details about it.

“Hindi pa kasi final lahat. Pero… gusto ni Kuya Perry [Lansigan, her manager] na gawin ko. We’ll see,” saad niya.

Ano naman ang magiging role niya rito?

“Medyo mature po yung role. Kasi yung story ng pelikula, tungkol sa mga isyu ng mag-asawa.

“Medyo daring din po ito. Do’n sa script kasi, ang basa ko do’n… depende pa rin sa director kung gaano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero may mga love scenes. Ganyan,” banggit niya.

Nasubukan na ni LJ na maging daring onscreen. Ito ay sa indie film na Intoy Siyokoy kung saan naging leading lady siya ni JM de Guzman. May mga mapangahas siyang love scenes dito at napapayag din siyang mag-bare ng kanyang katawan.

Up to what extent ba niya kakayaning maging daring sa pelikula?

“Hindi ko po masasabi. Baka in few years, mag-iba yung ano… pag-iisip ko!” sabay tawa niya.

“Sa Intoy Siyokoy kasi, may scene na tinanggal ko yung top ko. Sa screen, hindi nakita. Pero nakita ng mga kasama ko no’ng kinukunan iyon,” pagtukoy niya sa love scene nila ni JM.

“Sobrang daring na po iyon sa akin. Oo naman!” tawa ulit niya.

“At saka hindi ko po ma-imagine na talagang ipapakita ko sa kaeksena ko yung… paghubad ko.

“Pero siyempre, meron naman pong nipple tape ’yon.”

Bago pa man siya sumabak sa pagiging daring onscreen, nauna siyang napapayag na mag-pictorial nang sexy sa FHM. At doon nga nagsimulang maging Hot Mama ang tingin sa kanya.

Kahit kasi may anak na siya sa aktor na si Paulo Avelino, sexy pa rin nga si LJ.

“Nakakatuwa naman po na there are people na Hot Mama ang tingin sa akin. Siyempre dahil yung mga tao, ibig sabihin they find you attractive.

“At ’yon po ang nakakatuwa,” pag-amin niya.

Ramdam ba niya ang pagiging Hot Mama niya kapag nasa public place siya? Meron bang mga guys na napapalingon kapag nasasalubong siya o di kaya naman ay lumalapit sa kanya na parang gustong pumorma?

“Hindi ko po alam. Kasi mahiyain po ako!” tawa ulit ni LJ.

Wala siyang mga admirers sa ngayon? Walang nagtatangkang manligaw?

“A… wala po yata! Ha-ha-ha! Hindi ko alam.

“Parang wala naman,” pagklaro niya.

Pero open ba siya na tumanggap ng manliligaw?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Ay, hindi ko po alam. Parang hindi.”

STILL MUM ON PAULO. Balitang tuluyan na silang nagkalabuan ni Paulo Avelino, ang ama ng kanyang anak. Ano ba ang totoong estado ng relasyon nila ngayon?

“’Yon pong isyu na ’yan, sasagutin ko po iyan in due time. Promise ko po ’yan. Matagal ko na po ’yang pina-promise,” pag-ulit niya.

Kapag napag-uusapan ang kuwento ng relasyon nila ni Paulo hanggang magkaanak sila at magkalabuan, marami ang na kay LJ ang simpatiya. Ito’y dahil sa parang ipinagpalit silang mag-ina ng aktor sa kagustuhan nitong mapaangat ang career.

“Hindi naman po ako naghahanap ng simpatiya. Siyempre ayoko rin naman po na… parang sumama naman ang tingin do’n sa isa,di ba?” pagtukoy niya kay Paulo.

“Pero ano… ang sa akin lang po, basta pag dumating ang panahon na nagsalita kami, ganyan… ang hinihingi ko lang po ay understanding.

“Not just para sa akin. Pero para rin po sa kanya.”

Pero magsasalita ba naman si Paulo? Ang isang naipintas nga ng marami sa aktor ay yung ayaw nitong matanong tungkol kay LJ at maging sa anak nila.

May ibang mga binatang ama rin naman sa showbiz pero hindi naman umiiwas na mausisa tungkol sa kanilang anak. Proud pa nga ang mga ito sa pagiging ama ng anak nila.

Bakit daw si Paulo, hindi mapanindigan na tatay na rin siya? Alam naman ng lahat na nagkaanak sila ni LJ. Tingin ba raw nito ay kasiraan sa career niya ang bata?

Hindi ba nasasaktan si LJ bilang ina na hindi kayang maging proud ni Paolo sa anak nila?

“Well, uhm… alam niyo na po yung sagot diyan!” nangiting reaksiyon na lang ng aktres.

“Pero ang sa akin lang po siguro, kaya ko na pong dalhin siguro yung mga bagay-bagay.

“Kaya kong magdala ng problema. At kaya ko pong ihiwalay yung personal na buhay ko at yung sa trabaho ko,” pagmamalaki niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May communication pa ba sila ni Paulo?

“Meron,” sagot niya.

Friends ba ang turingan nila sa ngayon?

“Ah… may responsibilidad kami pareho sa anak namin. Kaya talagang nag-uusap kami,” dagdag ni LJ.

Crying from the inside ba ang drama niya kung ang pag-uusapan ay ang situwasyon nila ni Paulo sa kasalukuyan?

“Ayoko na pong mag-drama!” napahalakhak si LJ.

“Nagda-drama na nga po ako sa TV.”

Si Paulo ba, nagagampanan nang maayos ang pagiging ama nito sa kanilang anak? Regular din ba itong nagbibigay ng sustento?

Aniya, “Ayoko muna pong magsalita tungkol diyan. Kasi… pag dumating na lang po yung oras na nagsalita ako tungkol sa topic na ’yan, lilinawin ko po lahat.”

May takot din ba siyang nararamdaman kaya ayaw pa niyang magsalita?

“Hindi naman. Basta… in due time.

“I mean, I don’t think na ang isang bagay o problema mo… mapi-pinpoint mo sa iisang dahilan.

“At saka bago ako magsalita, kailangan nagkausap din kami. Darating din yung time na iyon.

“Ang hinihingi ko lang sa lahat e bigyan ako ng panahon. Kasi, magsasalita din ako kapag maayos na ang lahat.

“Kasi kapag magulo yung mga bagay-bagay at nagsalita ka, maraming mga side comments. At may mga ibang makikialam. Mas lalong gugulo.

“Kaya mas maganda kung maayos na lahat. Yung time na peaceful na,” muli niyang pahayag.

Paano kung pagbawalan siya ng mga taong nasa likod ng pamalalakad ng career ngayon ni Paulo? Kasi ang dating, walang layang mag-decide si Paulo para sa kanyang personal na buhay ngayon.

“Well, ako naman po, e… lagi naman po, di ba? Sinasabi ko naman po sa inyo kung ano yung talagang nangyayari.

“Open naman po ako sa inyo. I don’t think naman ever na pa-kontrol ako sa ibang tao. ’Yon!

“Not because sa pasaway ako. Or feeling ko, mabait po kayo sa akin kaya parang… ayoko naman pong sayangin iyon... yung kabaitan n’yo sa akin,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Three-years old na ang anak nila ni Paulo. Baby boy ito na cute na cute daw, ani LJ.

Payag siyang mag-artista ito?

“Pag kaya na niya. Pero siyempre ang priority natin e makapag-aral siya, di ba?”

NO SUITORS. Hanggang kailan naman magiging sarado ang pinto niya para sa bagong pag-ibig? Isn’t it time na mag-entertain na rin siya ng suitors?

“Wala muna po talaga!” natawang sabi na lang ni LJ.

Paano kung si Paulo, mabalitaan niyang may iba na? Will she get hurt kapag may naging bago na itong karelasyon?

“Kayo talaga!” napahalakhak na reaksiyon niya.

“Uhm… hindi ko po alam, e. Hindi ko po masabi.

“Tingnan natin. Kapag meron na, tanungin n’yo ako ulit.”

Hindi kaya maging kagaya siya ng mga kontrabida character na ginagampanan niya kaya nagkaroon na ng bagong girlfriend si Paulo?

“Hindi kaya ako nang-aaway!” tawa ulit ni LJ. “Hindi!”

MY HUSBAND’S LOVER? Paano kung sa isang gay ma-link si Paulo? Nangyayari kasi na yung ibang aktor, lalo kapag gumaganda na ang takbo ng career, napagdududahan na baka may maimpluwensiyang bading na karelasyon ito.

“Feeling ko naman, normal na sa panahon ngayon na may nali-link sa isang gay. Na… hindi na talaga kagulat-gulat iyon,” wika niya.

Pero ano kaya kung ipaghalimbawa na isang bading ang maging karibal niya sa lalaking mahal niya, ano kanyang ang mararamdaman?

“Ewan ko po. Hindi ko po alam. Mukhang mahirap po ang sitwasyon na iyon.

“Hindi ko po alam. Feeling ko, mas mahirap po iyon na intindihin,” pahayag niya.

So ano na lang ang gugustihin niyang maging karibal… babae o gay?

“Ay… ang hirap naman po niyan! Puwedeng wala?!” tawa na naman niya.

Paano naman kung halimbawa, may tomboy na manligaw sa kanya?

“Ay, naku po! Hindi ko po yata kaya! Ha-ha-ha! Hindi ko po yata kaya.”

OPEN TO LESBIAN ROLE? Kung role naman na may lover siyang lesbian at may kissing scene sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puwede po. Puwede...

“Titingnan ko po kung kaya ko! Ha-ha-ha!

“Kung matsa-challenge ako. Kasi gustong-gusto ko po yung mga bagay na challenging,” sabi niya.

Sa palagay kaya niya, mas magiging challenging kung siya ang gaganap na tomboy?

“Depende po. Parang pareho lang nung character halimbawa na may karelasyong tomboy. So I wanna try both. Mas maganda naman po yung nagagawa mo ang kahit na anong roles,” panghuling nasabi ni LJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN