Jennylyn Mercado reveals asking boyfriend Luis Manzano for tips in hosting

Aminado si Jennylyn Mercado na matinding pressure ang nararamdaman niya sa pagtatapat ng programa nila ng kasintahang si Luis Manzano. Sabi ng Kapuso actress-TV host, “Ang laking ano sa akin nito… talagang pressure to the highest level! Kasi si Luis, napakagaling na host niyan at saka na-establish na niya talaga yung sarili niya, yung show niya.”


Hindi na bago para kay Jennylyn Mercado ang paghu-host ng isang TV show.

Sa mga nakaraang panahon, naging host na siya ng mga programang Showbiz Central, H.O.T. TV, at maging ng reality talent search na Protégé.

Pero iba raw ang kanyang pakiramdam sa pagiging host ng bagong reality show ng GMA-7 na Anak Ko ‘Yan!. Tila bagong karanasan daw ito sa kanya.

Saad ng Kapuso actress-TV host, “Siyempre medyo kinakabahan.

"Kasi, first time ko sa isang reality show na ako lang mag-isa ang host, tapos ako rin ang judge.

“Kaya medyo nakaka-pressure. May kaba talaga.

“Pero nakakatuwa rin kasi nakikita mo yung suporta ng mga magulang sa pangarap ng mga anak nila.

“At makikita mo yung mga labanan, hindi lang ng mga anak kundi ng mga magulang. Very interesting at exciting.

“Kasi nakakatuwa silang panoorin na nagkakagulo doon. Hindi nila alam ang gagawin nila.

“Yung iba, gusto nila nasa harap ang mga anak nila. Yung gano’n?

"Na… ay, labanan talaga ito ng mga mother!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn pagkatapos ng Sunday All Stars (SAS) sa GMA Studios kahapon, Linggo, August 18.

Ano ang expectations niya sa kanyang bagong show na ito?

Sagot niya, “Siyempre ini-expect ko na maganda naman ang kakalabasan niya. And kahit papaano, maganda yung feedback mula sa mga taong manonood.”

ALEX JAZZ. Nangiti naman si Jennylyn nang tanungin kung papayagan din ba niya ang anak nila ni Patrick Garcia na si Alex Jazz kung sakaling gustuhin nitong mag-artista.

Aniya, “Hindi pa muna. Aral muna siyempre. Pagkatapos, saka niya gawin ang lahat ng gusto niyang gawin.”

Nakikitaan ba niya ng hilig sa showbiz o sa pag-aartista si Jazz?

“Wala, e.”

Sa naobserbahan niya, ano ang nagiging hilig nito?

“Music lang. Pero wala siyang ano na parang gusto niyang mag-showbiz.”

Hindi niya ie-encourage?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, hindi," sambit ni Jennylyn.

“Pagkatapos niyang mag-aral. Siguro pag tapos na, saka ko siya bibigyan ng freedom to choose whatever he wants.”

Sa bagong show niyang Anak Ko ‘Yan!, nakaka-relate ba siya sa mga magulang ng contestants na mayroong talented na anak?

Sabi ni Jennylyn, “Kasi medyo malalaki na yung mga kids na kasali sa show, e.

"Ang pinakabata namin is eight or seven years old. Tapos ang pinakamatanda namin, seventeen.

“So, medyo kakaiba. Iba pa, e. Iba kasi yung attitude na medyo malalaki na talaga.”

Pero dahil sa nasabing programa niyang ito, naiintindihan na ba niya ngayon yung mga nanay na nagiging stage mom?

Ayon sa StarStruck alumna, “Kasi nung panahon ko na bago pa lang akong nag-aartista, gano’n din sa akin yung nanay ko, e. Pero hindi gano’n kagrabe.

“Si Mama naman, controlled yung pagiging supportive niya. Hindi yung lumalagpas na sa limitasyon.”

Ang tinutukoy ni Jennylyn ay ang kanyang ina-inahan na si Lydia Mercado.

ANOTHER SOAP? Since reality show ang pinakabagong project niya sa GMA-7, matatagalan ba bago siya muling makagawa ng drama series o soap?

“Sa ngayon, hindi ko po siguro muna kayang gumawa ng isa pang trabaho bukod dito dahil nagte-taping po kami ng three times a week, e.

“At medyo mahaba rin po ang oras ng taping namin. Nag-i-start kami ng 8 a.m., natatapos kami ng midnight na rin po.

“So talagang madugo po siya. Parang hindi ko na rin po kaya na meron ulit iba pang trabaho kinabukasan.”

Paano yung time niya para sa mga personal na bagay?

“Iyon nga po. Kaya nga po hindi muna ako tumanggap ng iba pang trabaho in between, e, para meron naman po akong time para sa pamilya ko.”

At time din marahil para sa kanilang dalawa ng boyfriend niyang si Luis Manzano?

Bahagyang nailing si Jennylyn at sinabing, “Kakaloka! Oo naman! Given naman ‘yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya mas blooming siya lately dahil in full bloom din ang lovelife niya ngayon?

“Kahit naman wala akong lovelife, blooming pa rin! Charos!” napahalakhak na biro niya.

TAPATAN. Makakatapat ng programa ni Jennylyn sa GMA-7 ang programa ni Luis sa ABS-CBN na Minute To Win It.

Ano ang pakiramdam ni Jennylyn sa tapatan ng shows nila ni Luis?

Sagot niya, “Ang laking ano sa akin nito… talagang pressure to the highest level!

"Kasi si Luis, napakagaling na host niyan at saka na-establish na niya talaga yung sarili niya, yung show niya.”

Hindi naman kaya na-threaten si Luis sa kanya?

“Hindi, ‘no! Hindi!” bulalas niya.

“Kung ako ang nasa posisyon niya, hindi na ako mati-threaten! Ha-ha-ha!

“Hindi na ako mati-threaten sa kahit na sinong lalabas pa diyan, na... okey na ako.

“Kasi na-established na nga niya ang sarili niya.”

Pero napag-usapan ba nila ang pagtatapat ng kani-kanilang shows?

“Oo naman. Okey lang.

“Very supportive naman ‘yon. Wala namang problema sa amin.”

Hindi ba siya binibiro ni Luis hinggil dito?

“Binibiro. Like, di ba, nag-post nga kami sa Instagram tapos nag-comment siya sa akin na parang… bilang pinagtapat ng management ang mga shows namin, ia-unfollow na muna namin ang isa’t isa.

“Hindi na muna kami mag-uusap hanggang matapos ang show. Parang gano’n.

“Pero biruan lang naman ‘yon.”

Ano naman ang mga advice na ibinibigay sa kanya ni Luis bilang beterano na sa larangan ng paghu-host?

“Parati akong tumatawag sa kanya tuwing nagkakaroon ako ng mga…

"Siyempre, hindi naman ako pumasok sa pag-aartista para maging isang host, e. Mas comfortable pa rin ako sa singing at saka sa acting.

“May mga time na parang… hindi ko ma-memorize yung mga kailangan kong i-memorize. Tapos ang hirap ding um-adlib. Yung mga ganyan.

“So, humihingi ako sa kanya ng mga tips tungkol sa kung paano ko ba matatandaan yung mga bagay na dapat kong tandaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, madami, e. Sa kanya ko ibinibigay lahat ng reklamo ko at saka yung mga problema ko sa buhay pagdating sa trabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN