Mark Herras avoids questions about breakup with Ynna Asistio

Iwas nang magbigay ng anumang pahayag si Mark Herras tungkol sa naging breakup nila ni Ynna Asistio. Mas gusto muna raw pagtuunan ng pansin ni Mark ang kanyang trabaho ngayon.


Pinaninindigan ni Mark Herras na hindi siya magsasalita at walang sasabihing anuman kung tungkol din lang sa ex-girlfriend niyang si Ynna Asistio ang itatanong sa kanya. Marami naman daw iba pang puwedeng mapag-usapan.

“Huwag na yung tungkol sa lovelife. Huwag na yung breakup o anuman!” natatawang pakiusap ni Mark nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Sunday All Stars (SAS) kahapon, Linggo, August 18.

“I’m good!” tumatawa pa rin at halos pasigaw niyang sambit nang matanong kung kumusta na siya ngayon.

“Wala munang lovelife ngayon. Trabaho muna ako.”

WINNING STREAK. Masaya raw si Mark na ang grupo ulit nilang Tropang Trending ang nanalo bilang Best Performance.

Aniya, “Pang-limang beses na pong nananalo ng team namin sa Sunday All Stars.

"Si Rachelle Ann Go po ang team leader namin for this month. Pang-second week pa lang niya bale.

“So haping-happy po kami. Tuwang-tuwa po kaming lahat sa grupo namin.”

Bukod sa SAS, wala pa ba siyang bagong project na gagawin sa GMA-7?

“Meron daw, pero hindi pa kinu-confirm sa akin,” sabi ni Mark.

Panibagong soap ba ang gagawin niya?

“Opo. At hopefully, sana matuloy. Kung sakaling masabi na sa akin ang final details tungkol dito, I’ll let you know.

“Wala pa ring sinasabi kung sa afternoon series ba ito o sa primetime. Kahit yung mga makakasama kong artista, hindi ko pa rin alam.

“Sa ngayon, ang pinagtutuunan ko muna ng oras, itong Sunday All Stars every Sunday.

"Siyempre may mga rehearsals kami para sa production numbers namin every week.

“Tapos, umiikot na naman po ako sa buong Pilipinas for regional promo ng GMA. Sa isang linggo, lagi akong may biyahe papunta sa iba’t ibang lugar.

“At nakakatuwa, kasi hindi naman every day naiikot mo yung Pilipinas, di ba? So, dun ko muna inilalaan ang oras ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas may panahon na siya para sa sarili niya ngayon. Puwede na niyang gawin ang anumang personal na mga bagay na hindi niya napaglaanan ng time noong mga panahong hectic ang schedule niya sa trabaho.

“Siguro focused lang ako lalo sa trabaho. I mean, iyon naman talaga ang goal ko ever since… yung trabaho ko.

“At saka gusto kong tumagal sa industriyang ito. So, talagang inaayos ko muna lahat sa trabaho.”

IN A RELATIONSHIP. Ilang taon din ang itinagal ng relasyon nila ni Ynna. Hindi ba niya nami-miss ang pagkakaroon ng special someone na nakakasama niyang lumabas on a date, natatawagan o kaya ay nati-text niya?

Sagot ni Mark, “Hindi. Kasi once na focused ka naman sa trabaho, tapos happy naman ako like… ngayon kasama ko yung family ko almost every day.

“So dun muna ako naka-focus ngayon. I mean, ayoko munang tingnan yung isang part.

“Lahat naman ng tao, nagkakaproblema. Lahat ng tao dumadaan sa problema.

“Pero I’m happy ngayon dahil nagagawa ko nang tama lahat ng kailangan kong gawin.

“And I also have time pa rin naman to socialize and be with some friends kung minsan. Yes, opo naman.”

Walang inirereto ang mga kaibigan niya na pupuwede niyang ligawan o mai-date?

“Wala at saka I don’t feel like doing it, e. Basta… ayoko lang muna.”

Hindi pa siya ready na magmahal ulit?

“Hindi pa ready at saka nandiyan naman ang trabaho, e.

“So, alam mo ‘yon? Gusto ko muna talagang mag-focus sa isang bagay, di ba? Para talagang maayos ko.”

Hindi na raw sila nagkakausap ngayon ni Ynna. Mas mahirap na nga marahil na magkaroon sila ng komunikasyon ngayon matapos lumipat sa Kapamilya network ng dating kasintahan.

“Yes… ano po ‘yon?” biro ni Mark na astang kunwari ay nabibingi.

“Basta… I’m happy lalo at nanalo ulit kami sa SAS!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually enjoy naman kaming lahat sa team namin, na every Sunday, nagpi-perform kami nang solid.

“Actually, lahat naman ng grupo, ibinibigay ang best sa kada performance, e. Pero sa judges pa rin manggagaling kung sino ang sa tingin nila ay sobrang nag-standout at sobrang kakaiba yung ginawa.”

Magiging affected kaya siya kung mapapabalitang may bago nang nanliligaw kay Ynna?

“Abangan na lang ninyo ang Tropang Trending every Sunday,” pag-iwas pa rin ni Mark sa tanong.

Maluwag na sa loob niya kung sakaling makahanap na ng kapalit niya o bagong pag-ibig si Ynna?

“Oo. Basta… Tropang Trending, abangan ninyo every Sunday.”

Lagi talaga siyang paiwas kapag si Ynna na ang topic ng interview sa kanya?

“Maraming salamat na lang. Basta Tropang Trending every Sunday!” natatawang sabi ni Mark habang papalabas na ng lobby ng GMA Studios.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN