Alden Richards "looking forward" to working with Marian Rivera

Alden Richards on not having a lovelife: “Ako po, completely contented na kung ano ang meron ako ngayon. Kasi as long as okey yung family ko, okey yung standing namin financially, yung kapatid ko napag-aaral ko sa college, tapos yung mga lolo at lola ko natutulungan ko rin kapag may mga emergency, siguro po wala po muna akong time para sa lovelife."


Maulan man kahapon, Linggo, August 18, tumuloy pa rin si Alden Richards sa naka-schedule na promo ng kanyang self-titled debut album sa isang mall sa Los Baños, Laguna.

Pagkatapos ng Sunday All Stars (SAS), agad-agad ay bumiyahe na patungo roon ang aktor.

Sabi ni Alden sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ngayon lang po ako makakapag-promo ng album ko talaga. Kasi yung mga nauna po, isinasabay sa promo ng Mundo Mo’y Akin.”

Ini-launch ang kanyang album, produced by Universal Records, noong May 16 sa Activity Center ng Trinoma Mall. Masaya naman daw si Alden na sa ngayon ay madalas na naririnig patugtugin sa ilang radio stations ang "Haplos" na isa sa mga kanta na laman ng kanyang album.

“Seven songs po yung laman ng album ko. Six po yung revivals and then isang original composition,” banggit ng Kapuso star.

PROJECT WITH MARIAN. Aware din pala si Alden na recently ay napapabalitang plano ng GMA-7 na pagsamahin sila ni Marian Rivera sa isang primetime series. Pero wala pa raw pormal na abiso sa kanya ang management.

“Naririnig ko din lang po ang tungkol sa balitang iyon,” sabay ngiti niya.

“Hinihintay ko lang po na talagang masabihan ako tungkol do’n.

“Kasi, hangga’t hindi pa po ako sinasabihan, hindi pa sure iyon. Pero sana nga po matuloy.

“Nung una kong marinig ang tungkol sa balitang ‘yon, parang kabado ako. Na if ever matutuloy nga, nakakakaba talaga.

“Kasi, kung saka-sakali, Primetime Queen [bansag kay Marian] ang makakasama ko.

"And parang sa pag-stay ko sa showbiz na almost three years pa lang po, being paired with Ate Marian if ever, parang… wow!

“I’ll be very honored kung sakali nga pong matuloy.

“Pero at the same time po, hindi ko maiiwasang kabahan. Kasi mahirap po, e... mahirap.

“Baka masyado pong mataas ang maging expectations. So, kailangan po more workshops siguro sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkasama na sina Alden at Marian dati sa primetime series ng GMA-7 na My Beloved. Nagkatrabaho rin sila sa pinakahuling naging sequel ng Panday movie.

Ayon kay Alden, “Okey po siyang katrabaho at wala akong masabi sa ugali niya.

“Pinakagusto ko yung pagiging totoong tao niya, na wala po ni katiting na kaplastikan.

“At saka po ang tingin niya sa amin na mga katrabaho niya, especially kami pong mga nagsisimula pa lang, parang mga kapatid po. Younger na mga kapatid.

“Nun nga pong nakasama namin siya sa My Beloved, kami ni Louise [delos Reyes], lagi niya kaming binibigyan ng advice ni Ate Marian with regards to… kung paano i-handle ang career at saka kung paano maging wise sa buhay.

“At iyon po ang naa-appreciate ko sa kanya. Kasi parang yung mapayuhan ka agad ng isang Marian Rivera is parang nakakabigla.

“Kasi very humble, e. Very humble pong mag-advice si Ate Marian and may point yung bawat payo na ibigay niya.”



DREAM LEADING LADY. Dahil sa mga nasabing katangian ni Marian, masasabi raw ni Alden na dream leading lady ang aktres.

“Yes po, ever since.

“Nung unang makatrabaho ko siya sa My Beloved, parang nai-starstruck ako lagi sa kanya.

"At kahit nung ginagawa namin ang Panday, may ganung feeling pa rin ako. May kaba po talaga.

"Kasi kapag nandiyan na siya, nasa harap mo na, ang hirap, e.

“Mula ulo hanggang paa, manginginig ka. Kasi siyempre, Marian Rivera ‘yan na dapat, hindi ka magkamali. Parang gano’n.

“So, may ganung feeling po.

“Pero hopefully po, sana magkaroon kami ng workshop na magkasama para mas makilala po namin ang isa’t isa.

“At saka looking forward po ako talaga na matuloy yung project.”

Sakaling matuloy ang pagsasama nila sa isang project, nai-imagine kaya ni Alden ang kanyang sarili na leading man siya ni Marian tapos magkakaroon sila ng kissing scene?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naku, mas nakakakaba po iyon! At saka magpapaalam muna po ako kay Kuya Dong [Dingdong Dantes]! Mahirap na po!” natatawang sabi niya.

TV SHOW AND MOVIE. Ang primetime series na Mundo Mo’y Akin na pinagtatambalan nila ni Louise delos Reyes, dalawang linggo na lang at matatapos na. Ano ang plano ni Alden pagkatapos nito—magpapahinga ba siya o magbabakasyon?

“A… hindi ko pa po sure. Pero mukha pong…

"Hopefully po matuloy yung plano ng GMA na mag-Pinoy TV promotional shows po ako sa U.S. habang nagpapahinga at naghihintay ng bagong gagawing soap. Baka po gano’n.

"Or may next project po ako agad na gagawin. Hindi ko pa po alam.

“Pero work pa rin po ang gusto ko. Wala po munang bakasyon.”

Halos tapos na rin daw si Alden sa kanyang shooting para sa 10,000 Hours, isa mga entry sa Metro Manila Film Festival sa December. Ginagampanan niya ang mas batang character ng bida ritong si Robin Padilla.

Kuwento niya, “Last three shooting days na lang yata ako and masaya naman po ako sa pagpu-portray ko ng aking role dito.

“At yung acting ko po dito, parang natural na natural.

"Since it’s an action movie, pagod ka physically na may dala kang baril.

“Hindi mo na siya kailangang iarte kasi mararamdaman mo na siya kapag nando’n ka sa set.

“Last time, yung location po namin kasi, sa may Pasig, yung gawaan po ng mga pipelines na malalaki.

“So, iyon po, nakakatulong yung set-up. Wala nang effort sa acting. Natural na natural na lang.

“At saka sobrang nakatulong din po yung research dun sa character. At the same time, yung training din po sa pagbaril at mga action routines na ibinigay nila sa akin.”

NO TIME FOR LOVE. Bibihira ang kagaya ni Alden na natitiis huwag munang manligaw, ma-in love, at mag-girlfriend. Mahirap ba sa isang kabataan na gaya niya na walang special someone o inspirasyon, walang nayayayang lumabas on a date, o kaya ay may nati-text at nagti-text din sa kanya ng mga love messages?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Alden tungkol dito, “Hindi po mahirap ‘yon para sa akin.

“Ako po, completely contented na kung ano ang meron ako ngayon.

"Kasi as long as okey yung family ko, okey yung standing namin financially, yung kapatid ko napag-aaral ko sa college, tapos yung mga lolo at lola ko natutulungan ko rin kapag may mga emergency, siguro po wala po muna akong time para sa lovelife.

“Kung darating naman po ’yon, darating, e.

"Masaya po ako na inuuna ko muna ang hangarin kong mabigyan ng maayos at kumportableng buhay ang pamilya ko.

“Kaligayahan ko po na mas sila muna bago ako.”

Ilang taon pa kaya siyang magsasakripisyo para sa kanyang pamilya? Kailan ba niya masasabing okey na at naiayos na niya ang buhay ng mga ito para ang sunod naman niyang bigyang pansin ay ang sarili niyang kapakanan at kaligayahan?

Ayon kay Alden, “Siguro hangga’t wala pa kaming sariling bahay at lupa, at saka sariling business.”

Kapag na-achieve na niya ito, saka pa lang talaga siya manliligaw at magge-girlfriend?

“Tingnan po natin.”

Malamang daw, non-showbiz ang pipiliin niyang ligawan at magiging karelasyon.

“Siguro po para mas tahimik po.

“Kapag showbiz kasi, masyadong marami ang sumasawsaw. Unlike kapag non-showbiz, mas private.

“Parang iyon po ang nakita ko, e. Sa mga co-actors ko, nangyayari ‘yon na parehong showbiz na magkarelasyon, magulo.

“Kasi, kahit saan susundan ng media. Tapos kapag nag-aaway kayo, nandiyan pa rin ang media, tatanungin, ’Bakit?’ Gano’n.

“Kumbaga, halos wala na kayong privacy. Kaya baka non-showbiz nga po ang gustuhin kong maging girlfriend.

“Pero hindi ko pa rin po masabi. Hindi pa rin po ako makakapagsalita nang patapos,” pahayag ni Alden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN