Mona Louise Rey’s birthday wish: "Sana po gumaling na po ako sa sakit ko and yung ibang bata na may sakit."

“Gusto ko rin po sila mapasaya. At saka pag may nakikita po ako na katulad ko may sakit, minsan po mas lumalakas po yung loob ko at gusto ko rin po palakasin yung loob nila."

Ito ang rason ni Mona kung bakit sa Institute of Diabetic Studies niya napili mag-celebrate ng birthday.


“Sana po gumaling na po ako sa sakit ko and yung ibang bata na may sakit," ito ang birthday wish ng nine-year-old Kapuso child star na si Mona Louise Rey.

Dugtong niya, "At sana po magkaroon na po ako ulit ng show, sana po lagi po kaming i-bless."

Isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naimbitahan na dumalo sa isang maliit na celebration ni Mona noong August 17, sa Institute of Diabetes Studies sa Marikina.

Sinalubong si Mona ng mga batang gaya niya na maagang na-diagnose ng sakit na diabetes.

At ang bungad naman ni Mona ay isang matamis na ngiti.

Bukod pa rito, naghanda siya ng mga games at isang song-and-dance number para sa mga kids ng naturang Diabetes Center.

Kuwento ni Mona, “Gusto ko rin po sila mapasaya.

“At saka pag may nakikita po ako na katulad ko may sakit, minsan po, mas lumalakas po yung loob ko.

"At gusto ko rin po palakasin yung loob nila na hindi porket may sakit sila, hindi na sila puwedeng matupad yung pangarap nila.”

MORE WORK FOR MONA. Sa murang edad ni Mona ay alam na niya kung ano ang kanyang gusto at hilig.

Noon pa man, pag-aartista ang nasa isip niya kaya kahit may sakit ay patuloy siyang lumalaban at pinagbubuti ang trabaho.

Nakakatuwang kuwento ni Mona, “Three years old pa lang po ata ako, gusto ko na mag-artista.

“Dati po pag manonood kami ng Ate ko, gusto ko na po basagin yung TV para makapasok.

“Akala ko ganun.”

Napanood si Mona sa ilang teleserye ng GMA-7 gaya ng Aso ni San Roque at Munting Heredera. Ang latest project niya ay ang Bukod Kang Pinagpala, na natapos noong June.

Sa kasalukuyan ay wala pa raw proyekto si Mona kaya inamin niyang nami-miss nang sobra ang pag-arte.

MONA’S MOM. Ano naman kaya ang birthday gift na hiningi ni Mona sa kanyang Mommy Fatima?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila nahiyang sumagot ang child star, “Secret!”

Hindi namin ito napilit kaya ang kanyang ina ang aming tinanong.

Sabi ni Mommy Fatima, laptop raw ang hiningi na anak na ibinigay mismo sa araw ng kanyang birthday, August 19.

Dagdag na tanong namin: Sa kalagayan ngayon ni Mona, hindi ba natatakot si Mommy Fatima na baka makaapekto ang trabaho sa kanyang health condition?

Sagot ni Mommy, “Pangarap niya, e.

“Talagang dream niya.

“Kumbaga nandito lang ako, nakaalalay sa kanya kasi ‘yan talaga ang pangarap niya ever since.

“Dun siya kumukuha ng lakas e sa pagiging artista, kasi gustung-gusto niya.

“Saan ka nakakita kahit wala kang tulog pagka-take na talagang gusto niya [ulit sumabak], talagang pangarap niya.”

Very proud din si Mommy Fatima sa work style ng anak.

Aniya, “Mabait kasi ‘yan, e. Wala naman sakit ng ulo diyan. Lahat ng sabihin mo diyan, gagawin niya.

“Kahit sa trabaho, kahit may sakit siya, tatapusin niya.

“Very professional siya at saka matapang siya.”

VIEW photos of Mona Louise Rey’s birthday party with fellow diabetics!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN