Megan Young wins Miss World Philippines 2013 crown

Iniaalay ni Megan Young ang kanyang korona bilang Miss World Philippines 2013 sa kanyang pamilya. Sabi niya, "They’ve been with me since nag-start kami dito and sa lahat ng paghihirap ko sa pageant na ito—it’s for them. Somehow my family helped me to be prepared emotionally, physically and all. So if there’s any person na dapat kong i-offer ito, sa kanila yun." Kasama ni Megan sa larawang ang chairman ng Miss World Philippines na si Cory Qui


Ang actress-TV host na si Megan Young ang kinoronahan bilang Miss World Philippines 2013 sa coronation night na ginanap kagabi, Linggo, August 18, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino sa Parañaque City.

Bukod sa korona, si Megan din ang may pinakamaraming natanggap na special awards: Best in Fashion Runway, Miss Sports by Fila, Miss Reducin, Miss Olay, Miss Laguna World, Miss Bold and Glamorous by Revlon, Miss Figlia, at Miss Bench Body.

Si Megan ang magre-represent sa Pilipinas sa Miss World 2013 na gaganapin sa September 28 sa Indonesia.

BEAUTY QUEEN. Cool and relaxed lang si Megan nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment) matapos siyang tanghalin bilang Miss World Philippines.

Sabi niya tungkol sa kanyang pagkapanalo, "I don’t know how to feel right now... I’m just very happy.

"I just wanna thank God for this, for where I am now.

"I’ve been preparing for this for a long time and my priority now is how I would compete sa Miss World.

"Hindi ako makapaniwala ’coz I’ve been dreaming about this since I was thirteen years old and here I am now.

"Actually, I wasn’t confident about this when I was in high school.

"Naiiyak talaga ako kasi I know how I worked hard for this.

"And aside from it, marami ang nagku-convince sa akin before, pero heto, it was my decision. Ako lang talaga ito, walang nagtulak sa akin.

"Also, my idea before, I just have to work hard and show them what I have and I’m just happy that I’ve gone this far."

MEGAN’S FAMILY. Kanino ba niya inaalay ang kanyang korona at titulo bilang Miss World Philippines 2013?

Sagot ni Megan, "I guess to my family.

"They’ve been with me since nag-start kami dito and sa lahat ng paghihirap ko sa pageant na ito—it’s for them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Somehow my family helped me to be prepared emotionally, physically and all. So if there’s any person na dapat kong i-offer ito, sa kanila yun.

"Iba talaga when you’re family is with you, di ba?

"They’re here tonight and some friends kaya mas lalong na-boost yung confidence to compete."

Kabilang sa nanood ng coronation night ang nakababatang kapatid ni Megan na si Lauren Young at ang rumored boyfriend niyang si Mikael Daez.

Ano ang pakiramdam na nakaputong na sa kanyang ulo ang isa sa most-coveted crowns sa alinmang beauty contests sa Pilipinas?

"Honestly, I don’t know yet... it’s kinda heavy!" natatawang sabi niya.

"Basta ang iniisip ko na lang is to have all the girls and have fun... take out our shoes and wear our flat shoes for the meantime.

"I’m not thinking about this and I’m thinking tomorrow is another day... tomorrow we will be starting and preparing out things.

"So, that’s all about it."

Sa stage, halata ang pagiging relaxed ni Megan sa pagrampa at maging sa question and answer portion. Ang tingin pa nga ng iba ay tila kampante si Megan na siya ang mananalo.

Ganoon nga ba ang pakiramdam niya?

Nangingiting sabi ni Megan, "Ayaw ko namang isipin na ganoon kasi ang dami naman talagang magaganda at matatalinong contestants.

"People just don’t see that kasi kami ang magkakasama.

"Alam namin kung sino ang magagaling sa rampahan, sa Q&A, yung magaganda... it’s really difficult if you put yourself in it.

"I don’t wanna sound like... everyone of us are on equal footing."

SACRIFICES. Ngayong nanalo na siya bilang Miss World Philippines, ano na ang mangyayari sa kanyang showbiz career?

"Of course... of course. For sure it will take a backseat muna for a while," pahayag ng 23-year-old actress-beauty queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Heto ang priority ko right now. I don’t know yet. We have to discuss it.

"But right now, I’m focused on how I would be representing our country in Indonesia and I’m more excited about it.

"Yun ang naglalaro muna sa isip ko right now.

"There’s a lot of pressure now but, really, gagawin ko ang best for you guys to be proud of me."

Dagdag pa niya, "Before I joined the contest, I made sure that I put that on hold. I am sacrificing my job to pursue my dreams.

"Pero after this, siyempre, I have to be back. It’s my bread and butter.

"Ngayon lang muna siya magti-take a back seat... temporary lang naman."

Bahagi rin ba ng sakripisyo na ito ang kanyang lovelife? Paano na si Mikael Daez, na nakita ng PEP sa audience na todo-suporta at nagtsi-cheer para sa kanya?

"Oh, definitely yes," sagot ni Megan.

"It’s a major step in my life. I don’t know how I would say it but it’s just....
ayun!" tili pa niya.

PRIZE MONEY. Bahagi ng napanalunang premyo ni Megan bilang Miss World Philippines ay ang isang milyong piso. Ano ang plano niya rito at saan niya ito gagamitin?

Natatawang sabi ni Megan, "Ano nga ba?!

"Well, sa totoo lang, kaming mga girls [kapwa contestants], ang usapan namin ay mag-o-order kami ng napakaraming pizzas kasi hindi pa kami nakakain pala.

"So, ’yan talaga ang gagawin namin and we will go swimming before we check out and order as much food as we want because we did all our best, we did all the dieting, so we deserve this."

Dagdag niya, "Wala... hindi ko pa alam. Hindi pa nagsi-sink in sa akin yung cash prize right now."

Looking back, childhood dream daw talaga ni Megan ang maging isang beauty queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, "Well, I did fashion [shows] when I was younger.

"Then I joined Miss Teen SMBA in Subic before and I was second runner-up and was the youngest in my batch.

"And it was always a dream of mine but I just didn’t know if I was ready enough to join it.

"Like what I was saying earlier that when I joined Miss World Philippines, I know that I was ready.

"I was ready to join and counteract my fears ’coz I’m confident about myself and my well-being."

PREPARING FOR MISS WORLD. Hindi pa makakapagpahinga nang husto si Megan matapos niyang manalo dahil magiging busy na siya sa susunod na linggo para naman sa pagsali niya sa Miss World 2013.

"Yeah, I’m gonna be really busy lalo na’t ilang weeks na lang to go, di ba?

"There are a lot of pretty girls out there so, for me, there goes the real pressure.

"Lalo everyone’s telling me na matagal nang walang nananalong Miss World [from the Philippines], so I can’t imagine the responsibility I have right now.

"We will be preparing for this. A lot of people will be helping me out to have the crown but everything is uncertain.

"Let’s see. Good luck to us."

Wala pang kandidata mula sa Pilipinas ang nananalong Miss World. Ang pinakamataas na puwestong nakuha natin ay 1st runner-up—si Evangeline Pascual noong 1973 at si Gwendoline Ruais noong 2011.

Ano ba ang ibig sabihin ng victory na ito para sa kanya?

"It means a lot," sambit niya.

"It’s another milestone in my life and it’s one way for me to grow as a person.

"I’m more than just what they see. I’m more than just an actress or a TV host.

"There’s something deep in myself that I want to give to people and be able to reach out—and it’s one way to do it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong mensahe ang gusto niyang iparating sa aspiring beauty queens?

"Well, for those who are aspiring to be a beauty queen, just go for it. You never know what’s gonna happen.

"If you don’t win, you will gain a lot of experience. It’s a different experience, you can’t have it anywhere else.

"I’m happy that I tried it and it paid off. So try it also... don’t hesitate and don’t be afraid."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN