PEP EXCLUSIVE: Showbiz reporter Chito Alcid asks forgiveness from talent manager Annabelle Rama

Humihingi ng paumanhin ang entertainment writer na si Chito Alcid sa talent manager na si Annabelle Rama kaugnay ng naging alitan nila noong nakaraang taon, na nauwi pa sa habulan sa burol ng Comedy King na si Dolphy.


Humihingi ng kapatawaran mula sa talent manager Annabelle Rama ang entertainment writer Chito Alcid.

Umamin si Chito na may mga pagkakamali siya kaya nagkaroon sila ng malaking away na nangyari noong nakaraang taon sa burol ng Comedy King Dolphy sa Heritage Park.

(Read: Annabelle Rama creates a scene at Dolphy’s wake)

Ayon kay Chito, mali ang pagtataray niya kay Annabelle at sa pamilya nito sa Facebook. Naniwala raw siya sa mga kuwentong narinig niya tungkol sa mga kasiraan ng Gutierrez family, isang bagay na kanyang pinagsisisihan.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Chito ngayong hapon, August 19, ipinagtapat niya ang pagkakaroon ng colon cancer.

Pakiramdam daw niya ay hindi na magtatagal ang kanyang buhay kaya humihingi siya ng tawad sa mga taong nakaalitan niya, at unang-una sa listahan si Annabelle Rama.

TRULY SORRY. Pahayag ni Chito, "Totoo ‘yan. My life is not that long. I want peace and a joyful life.

"And besides, marami rin akong nagawang pagkakamali dito sa kaguluhan namin ni Annabelle Rama.

"Alam kong nasaktan ko rin ang damdamin ni Ruffa Gutierrez [Annabelle’s daughter], ng kanyang amang si Eddie na mahal na mahal ko, idol ko si Richard, tapos si Annabelle nga.

“Naging complicated dahil sa some people siguro at saka talaga naman na writer na matapang din naman ako.

"Marami din naman na, in the past, tinarayan ko sa TV, radio and panulat na hindi dapat dahil kasi tao ‘yan.

"Walang sinuman, kahit sino, ang may karapatan na... dapat parehas tayo."

Patuloy niya, "Dito kay Annabelle, humihingi ako ng forgiveness, sa pamilya Gutierrez.

"I must admit, somehow, somewhere, may mga pagkakamali ako na ginawa.

"Yung isinulat ko sa Facebook, yung mga bagay-bagay na masyadong malalim, like halimbawa binabanggit mo pa yung Manila Filmfest scam noon, sasabihin mo na kasal na siya kay Richard Deloia sa Amerika, tapos si Yilmaz [Bektas, Ruffa’s estranged husband], yung mga ganoong katindi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga binanggit ni Chito ay ang ilang mga kontrobersiyang kinasangkutan ni Ruffa noon.

Patuloy niya, "Ngayon, may mga bagay na bilang writer, naibubulgar ko... marami... marami ‘yon. Parang bidang-bida ka.

"Kumbaga, reporter, naka-scoop ka ng ganito, kahit nakakapinsala ka na.

"May mga bagay na may katotohanan na walang ebidensiya na dapat hindi mo isinusulat nang ganoon.

"At bilang mga magulang, I think, they’re [Annabelle and Eddie] good parents. Nakita mo yung mga anak nila, magagalang, matitino, mahuhusay.

"Kaya sa pagmumuni-muni ko, sa higaan ko, naisip ko lahat."

READY TO GO. Pagkatapos nito ay isiniwalat ni Chito sa PEP ang totoong kundisyon ng kanyang kalusugan.

"Sa katotohanan, I have colon cancer.

"I do not know kung hanggang kailan na lang ako kaya nililinis ko po lahat, pati kaluluwa ko.

"Gusto ko maging malinis na malinis. Nandoon na ako sa puntong ganoon.

“Ako naman, at sixty-two, is ready na.

"I’ve been in showbiz for forty-four years. Napagdaanan ko na, marami naman akong napatunayan during my stay in the industry bilang writer, TV host, radio broadcaster, producer of shows, star builder, PRO, et cetera.

"I have passed my stage.

"Sabihin na natin na lahat tumatanda, nalalaos, kumukupas. Isa na ako doon, nalalaos, kumukupas, at namamatay.

"Lahat tayo darating sa ganoon kaya tayo, habang buhay, dapat maging mabuti sa kapwa. Gumawa tayo ng mga bagay na hindi makakasira at masama sa mata ng Panginoon.

"Kailangan yung kabutihan ang ginagawa natin sa kapwa, yung pagmamahalan..."

DROPPING THE CASES. Kasunod ng paghingi ng paumanhin ni Chito kay Annabelle ay ang pag-urong ng mga kasong isinampa niya laban sa talent manager.

Ayon kay Chito, "Of course, I am dropping the cases filed at Taguig City court.

"Sa August 22 at 8:30 a.m., meron nga kaming hearing and I am willing to sign an affidavit of desistance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Grave threats, public disorder, actually nababa sa ganoon ang kaso. Originally, grave threats, attempted murder, slander, and coercion.

"And then, nabawasan dahil sa pag-aaral ng fiscal, ginawa na lang na disorder and grave threats.

"Whatever it is, dapat wala nang ganoon. Maging masaya tayo, magsama-sama at saka, may pagkakamali ako."

Sabi pa niya tungkol kay Annabelle, "I want to embrace her, I want to ask for forgiveness personally, not on television only.

"Gusto ko talaga, hindi lamang kay Annabelle at kay Eddie, sa lahat ng mga tao na nasagasaan, nasaktan ko. Patawarin niyo po ako.

"Hindi ko alam kung paano ko siya imi-meet nang eye to eye.

"Alam niyo naman ang nangyari sa amin, pero siguro, I will embrace her and ask for forgiveness.

"At saka, si Annabelle is genuinely a nice person naman. How can she raise several kids properly kung hindi full of love din ‘yan?

"I would like to thank Pilita Corrales dahil siya ang nag-connect sa akin kay Annabelle.

"Hindi pa kami nag-uusap nang diretso. Hindi pa kami nagkakausap ni Annabelle and siguro, okey naman sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN