Fabio Ide wants to prove there is more than his good looks and sexy body

Desidido na si Fabio Ide na dito na sa Pilipinas manirahan sa kabila ng may offers daw siya na bumalik sa Brazil. Saad niya, "Andito talaga ang opportunity para sa akin. Bumili ako ng kotse, gusto kong bumili ng bahay. Sigurado ako na dito talaga gusto kong tumira."


Natutuwa ang Brazilian-Japanese model-actor na si Fabio Ide sa papel na ginagampanan niya sa pelikulang Ang Huling Henya, na pinagbibidahan ni Rufa Mae Quinto.

First time daw niyang gumawa ng pelikulang maraming action scenes kaya nang makausap siya ng PEP.ph (Philppine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikula noong August 15, Huwebes, sa City Best Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, ay ipinagmamalaki niya talaga ito.

Sabi ni Fabio, "Ibang experience ito para sa akin kasi merong fight scenes, nagdala ako ng baril dito.

"So, first time ko mag-action kasi ang mga ginagawa ko dati ay puro comedy. So, ibang experience ko dito.

"Medyo nahirapan din ako pero Direk Marlon [Rivera] ay ano... gina-guide naman niya ako.

"And all the stars involved here were very supportive naman.

"Tsaka may drama rin kami dito kaya nakita ang acting ability ko dito.

"Kasi before, ang sinasabi nila ay, ’O, ’yan si Fabio, di marunong umarte, di marunong mag-Tagalog, puro bulul-bulol.’

"Pero pagkatapos ng tatlong taon ko dito sa showbiz, although I came here 2006 pa, I can prove to people na marami nang nagbago sa akin."

Dagdag niya, "Now I can also prove to myself that I’m doing this for a reason.

"I left my family, I left my home in Brazil.

"It was my choice to be here sa Pilipinas... masaya na I’m trying to maximize all the opportunities that I have here."

MORE THAN A PRETTY FACE AND SEXY BODY. Bukod sa good looks, ang laging tinitingnan ng mga tao kay Fabio ay ang kanyang katawan na para siyang isang sex object.

Madalas, kapag nagge-guest siya sa TV shows ay pinapahubad sa kanya ang kanyang suot na pang-itaas.

Kumportable ba siya na ganoon ang tingin sa kanya ng mga tao?

"Kumportable ako," mabilis na tugon ni Fabio.

"Kasi dati, model ako, di ba? So, it’s very normal for me to be walang shirts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Brazilian ako at sa Brazil, lahat halos walang shirts, di ba?

"Hindi problema sa akin yung katawan kasi halos lahat dati sa shows namin, gusto nila walang shirt.

"But now, I try not to remove na my shirts kasi I want people to see my acting ability talaga at yung Tagalog ko na hindi bulol compared to before.

"So, heto ang bagong Fabio that I want to show to the people—it’s no longer about my body that I want to show to them."

INSPIRED BY SAM MILBY. Na-inspire nga raw si Fabio kay Sam Milby na kahit katulad niyang bulol din sa pagsasalita ng Tagalog noon, ngayon ay ikinukunsidera nang isa sa pinaka-effective dramatic actors.

Pahayag ng 28-year-old model turned actor, "Oh, yeah. He is an inspiration to us na meron talagang problem sa pagsasalita ng Tagalog.

"Although nasa ABS-CBN siya, so hindi kami nagkaroon ng chance na magkatrabaho, pero from what I’ve heard, he came here sa Philippines five or six years ago na hindi siya marunong magsalita ng Tagalog, but look at him now.

"So, he really is an inspiration to all of us who came here and be successful.

"Not just him but also si Derek Ramsay... mga half-Pinoy who decided to come and make a life here.

"The good thing about them is that sila [Sam at Derek], they are both half-Pinoy.

"Ako, wala akong Pinoy blood. I’m half-Japanese and half-Brazilian.

"So, sila, they really have better chance na makapagsalita ng Tagalog better."

PINOY AT HEART. Pero sa kabila nito, gustung-gusto raw ni Fabio na maging isang Filipino.

"That’s why I really appreciate when people tell me na, ’You’re not Pinoy, pero parang Pinoy na Pinoy ka na rin.’

"So, I use this also as my inspiration ’coz I’ve gone this far.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahirap mag-compete in this industry kasi maraming magagaling, maraming tsismis, at maraming nangyayari, di ba?

"Pero so far, I gain positive comments from other artists, from the industry and I try to learn every day, day by day.

"Kaya nga happy din ako that Daniel Matsunaga, also a Brazilian, is also doing good sa TV5."

Kahit nga raw lagi silang ikinukumpara ni Daniel, wala lang ito kay Fabio.

Saad niya, "It can’t be avoided. Kasi, halos kaming dalawa lang na Brazilian na nasa showbiz ngayon kaya hindi maiwasan.

"They always try to put us together na, ’O, sino ang mas magaling, mas marunong mag-Tagalog.’

"But the good thing is we talked that even before. No matter what people say or no matter what people do, we’re Brazilians, we’re foreigners here.

"So, mas maganda para sa akin na instead of competing with each other, we should support each other.

"Siyempre naman, the competition will always exist, pero kami naman and the rest of the Brazilians na nandito will always have each other."

COOL PERSONALITY. Ang cool personality raw ang isa sa plus factor ni Fabio bilang isang artista.

Nangingiting sabi niya, "I always want positive energy.

"I don’t know if you’re able to read the book The Secret: The Law of Attraction. I do believe in that.

"If you’re good to people, people will also be good to you. If you share your blessings, more blessings will come.

"A lot of times I got disappointed ’coz I’ve heard so many lies, but you just have to not mind about it and go on with your life.

"But I appreciate the comments, pero ibibigay ko ang best ko no matter what sa lahat ng mga ginagawa ko dito sa Pilipinas.

"Kasi, yung mga Pinoy dito, they really embrace and give me all the chances."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa kabila ng lahat ng ito ay nami-miss pa rin daw niya ang kanyang bansang Brazil at ang kanyang pamilya roon.

"Nami-miss ko talaga. Sobrang nami-miss ko.

"I actually have a small offer to go back to Brazil to try to start again there.

"Pero sinabi ko sa tatay ko na, ’Nami-miss ko talaga kayo, ang friends ko pero pag bumalik ako doon, ano ang gagawin ko?’

"I have to start again from zero ’coz I left my law school and my marketing school and even the modelling jobs there.

"Dito, nakapag-invest na ako, meron akong business.

"I’ll put up a coffee shop pa and an Italian and Japanese restaurant. Then, meron pa kaming club... hindi ako alone dito, meron akong friends na ka-share sa investment.

"Andito talaga ang opportunity para sa akin.

"Bumili ako ng kotse, gusto kong bumili ng bahay. Sigurado ako na dito talaga gusto kong tumira."

Kahit daw ang magkaroon siya ng asawa na Pinay ay walang problema kay Fabio.

"Okay lang sa akin na mag-asawa na ako na Pinay!" natatawang banggit niya.

"I have experienced two long relationships with Pinoy girls but now I’m single talaga.

"Gusto kong mag-focus sa career ko at sa business ko but I’m not stopping myself not to fall in love.

"Kung makilala ko yung magandang babae sa loob ng puso at sa labas, why not, di ba? Yun, dahan-dahan basta sure.

"It wouldn’t really matter to me kung Brazilian siya o hindi as long as she will make good bilang wife ko and pang buong life partner, walang problem yun sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN