PART II. Grace Poe on proposed abolition of pork barrel: "Hindi ko pa nga natitikman magkaroon ng PDAF, so okay lang."

Aminado si Grace Poe na malaking pressure ang nararamdaman niya pagkatapos niyang manguna sa senatorial race noong May 2013 elections. Saad niya, "Ako naman, sa tingin ko, basta lang magsipag ako. Basta lang manatili akong tapat at basta lang may nagagawa akong resulta na masusukat nila, sa tingin ko naman, yung mga tao, makikita naman nila na nabawi nila ang boto nila sa akin."


Naniniwala si Senator Grace Poe na dahil sa pagiging number one niya sa nakaraang senatorial race, mas may pressure sa kanya ngayong nakaupo na siya sa puwesto.

Aniya, “Siyempre, malaking pressure ‘to, mukhang... para bang sa isang dehado, sobra kang dehado, di ba?

"Sabi ko nga, uso pa pala ang himala. Bigla kang sumipa noong bandang huli.

"Siyempre, nakatuon sa ‘yo ang curiosity ng taa, ’Kaya kaya niya?’ Lahat ng mata, nakatutok.

“Ako naman, sa tingin ko, basta lang magsipag ako. Basta lang manatili akong tapat at basta lang may nagagawa akong resulta na masusukat nila, sa tingin ko naman, yung mga tao, makikita naman nila na nabawi nila ang boto nila sa akin.

“Pero ang hirap kasi ng number one.

"Sabi ko nga, yung number three, four, kumportable akong doon nakaupo.

"Pero yung number one, kami ng nanay ko [Susan Roces], parang...

"Di ba, noong umpisa ng bilangan, 4,000 pa lang, naku, naglulundag na kami!

“Sabi namin, ’Kunan natin ng litrato, baka paggising natin, maiba na ’yan.’ Di ba, yung nangyari noon?"

Ang tinutukoy ni Grace ay ang presidential election noong 2004 sa pagitan ng kanyang yumaong ama na si Fernando Poe Jr. at ni Gloria Macapagal-Arroyo.

Lamang noong una ang King of Philippine Movies ngunit noong huli ay si GMA ang nanumpa bilang Pangulo.

Dagdag pa ni Grace, "So, kami ng mom ko, masaya lang talaga.”

PRESSURE. Nararamdaman niyang nakatutok ang mga mata ng lahat ng tao sa kanya?

“Hindi naman all,” sagot ng dating MTRCB chairman.

“Pero siyempre, tao lang. Katulad nga niyan, maraming imbitasyon dahil number one ka. Hindi mo naman mapagbigyan lahat, parang sa dami rin.

"Doon pa lamang, nagkakaroon na ng konting misunderstanding, hindi sila pina-prioritize.

"Pero, sa totoo noon, hindi ako makapili ng isang lugar lamang.

“Kasi, halos sa buong Pilipinas, ganoon ang resulta. Isang probinsiya lang talaga ako na hindi, wala sa Top 3, e, Camiguin lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, most places, either Top 3, 1 or 2.

"Pero yung Cebu ang para sa akin ang very heartwarming.

“Kasi, nag-umpisa ako diyan, number 19, number 17, natapos ako number 2 or 3.”

Noong sigurado na sila na siya nga ang number one sa nakaraang botohan sa pagka-Senador, ano ang naging payo sa kanya ni Ms. Susan Roces?

“Alam n’yo po, hanggang sa kadulu-duluhan, hindi namin inisip na sure winner.

"Basta lang palaging sinasabi ng nanay ko, ’Pumunta ka sa Quiapo, magpasalamat ka na ligtas ka sa kampanya, hindi ka nagkasakit.’

"Kasi, di ba, napakahirap noon? Humingi ka na rin ng tulong.

“Kasi alam n’yo, walang sure hanggang mabilang ang boto, e.”

Marami nang nabago sa buhay ngayon ni Grace bilang isa na siyang pulitiko o public servant. Pero, may mga napansin din ba siyang pagbabago tulad ng oras niya sa kanyang pamilya?

“You know, admittedly, buti na lang my kids are a little older na. But, there’s a lot more social events.

"Siyempre, di ba, magpapasalamat, wala nga akong victory party. Yung iba, meron.”

PORK BARREL ISSUE. Tungkol naman sa pinag-uusapang multi-billion pork barrel scam, bilang baguhang senador, may plano raw siyang gawin ngayong suspindido muna ang pamamahagi ng Priority Development Assitance Program (PDAF) sa mga mambabatas.

“Ngayong nandiyan pa ‘yan, pumipili na kami ng partner sa Ateneo ng mga public school na puwede naming bigyan ng libreng lunch program for the entire year.

"Di ba, sabi ko, kung six years ako diyan at hindi matanggap ang PDAF, pipili ako ng mga schools habang hindi pa ina-approve yung mga bills na sinubmit ko na magkaroon ng libreng lunch.”

Pabor ba siya na maging transparent ang mga mambabatas kung saan napupunta ang kanilang pork barrel?

“Dapat,” mabilis niyang sagot.

“Safeguard nga should be in place. Lahat ng NGOs nga, ganito, may mga legitimate na humihingi sa akin ng tulong na gawin yung mga kalsada nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, ’Fine. Gagawin ‘yan, magpapadala ako ng tao riyan para kumuha ng litrato, ha.’

“Kasi, hindi convincing ang dokumento lang na nagawa ‘yan.

"So, sabi ko, just in case... wala pa akong ina-approve actually, pero may mga lumalapit na governor, mayor, I understand it, kailangan nila.

"Pero, sabi ko, in those provinces, I will limit it na may tao akong nagbabantay at yung grado ng material."

Pinuri ni Grace ang kapwa niya senador na si Chiz Escudero na "zero anomaly" raw talaga.

“Si Chiz, ang ginawa niya, para hindi siya maano, lahat ng kanyang hard projects, sa Sorsogon niya inilagay, kasi doon, may tao siyang nagbabantay.”

TUWID NA DAAN. May pressure na ba siyang nararamdaman na maging tapat at tahakin ang “tuwid na daan”? Madalas, kahit maganda at tapat ang layunin ng isang pulitko, kung minsan ay ang mga nakapaligid dito ang nakakaimpluwensiya ng hindi maganda.

Sabi ni Grace, “Alam n’yo, dahil dito sa nangyari kay Janet Napoles, good and bad ‘yan.

"Yung good, ngayon talaga, mas aware ang mga tao at saka hindi na mapapasa yung mga kalokohang ganyan—sana.

“Yung bad naman dun, kapag hindi ’yan inimbestigahan nang tama, lahat ng senador, damay riyan.

"Na para bang titingnan kayo na lahat kayo guilty, kasi lahat kayo may PDAF.

"Hindi naman totoo yun. Kasi, mga Jun Magsaysay, Chiz Escudero, wala naman ‘yan mga ginawang kalokohan.

“So, kung alam mo kung paano gamitin ang PDAF na makakatulong ka, maraming matutulungan.

"Pero kapag pinatanggal nila ang PDAF, okay lang sa akin.

"Alam n’yo kung bakit? E, hindi ko pa nga natitikman magkaroon ng PDAF, so okay lang.”

Dugtong pa niya, “Ang budget ng MTRCB, 42 million noong nandoon ako. Ganoon kaliit na nagpapasuweldo ka ng 60 empleyado at 20 na board members.

"So, wala… abonado pa kami dun, actually.

"So, for us, maginhawa na nga na kahit paano, yung staff mo, inaalagaan ng Senado.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN