Kylie Padilla hopes to star in another teleserye before the year ends

Wala raw problema kay Kylie Padilla kung sakaling bigyan siya ng supporting role ng GMA-7. Sabi niya, “Gusto ko nga sabihin sa network na okey lang sa akin [na mag-support], basta interesting yung character, di ba? Enjoy naman akong umarte, e. Minsan ayoko rin yung ideyang laging bida. Isa pa rin yung laging kinakawa. E, nagsasawa na rin ako sa ganun. Para maiba naman.”


Ang weekly musical-variety show na Sunday All Stars sa GMA-7 ang tanging nilalabasang program ngayon ni Kylie Padilla.
Sa exclusive interview ng PEP.ph (Phillipine Entertainment Portal) kay Kylie matapos ang live airing ng kanilang show noong Linggo, August 18, sinabi niyang wala pa siyang bagong teleserye sa kasalukuyan.
Gaano na ba katagal siyang bakante?
“Wala. Hindi ko alam, hindi ko na binibilang ’yang mga ganyan,” sagot niya.
Ang pinakahuling pinagbidahang serye ni Kylie ay ang Unforgettable kunsaan nakatambal niya si Mark Herras.
Sa pagkakaalam ni Kylie, apat na buwan na mula nang magwakas ang naturang serye.
Hindi ba siya naiinip?
“Oo naman. Kaya nga ako pumasok para umarte, e,” mabilis niyang sagot.
May tampo o sama ba siya ng loob sa GMA-7?
“A, no naman. Normal naman yun sa mga artista.
"Pero sana bago matapos ang taong ito, magkaroon ako ng acting project,” asam niya.
Umiling si Kylie sa tanong kung mayroon na ba siyang nababalitaan na panibagong project na ibibigay sa kanya.
“Ayoko kasing maniwala sa mga sabi-sabi.
"Kasi minsan hindi naman totoo, hindi naman natutuloy.
“Mas masakit pa yung may hope ka tapos hindi naman pala matutuloy. Ano na lang, pray na lang.”
Ano ba ang rason kung bakit wala pa raw siyang bagong show? Dahil ba sa marami pang nakabangko na mga bagong serye sa network na hindi pa nailalabas?
“Hindi ko alam. Pero nabigyan naman ako this year. So, at least meron. Pero sana nga mabigyan ako bago matapos ang taon,” sabi ni Kylie.
Hindi naman makapaniwala ang young actress sa mga nagsasabing naitawid naman niya nang maayos ang character niya sa Unforgettable.
“Daw?” nangingiting sabi niya.
SUPPORTING ROLES. May mga nagsasabing hindi puwedeng bigyan ng supporting roles si Kylie dahil bukod sa naumpisahan na nito ang pagbibida, manghihinayang ang network na sayangin ang lead-star buildup program nila dito kung gagawin na lang siyang support.
Iba naman ang paniniwala ni Kylie.
Aniya, “Gusto ko nga sabihin sa network na okey lang sa akin [na mag-support], basta interesting yung character, di ba?
"Enjoy naman akong umarte, e.
“Minsan ayoko rin yung ideyang laging bida. Isa pa rin yung laging kinakawa. E, nagsasawa na rin ako sa ganun.
“Para maiba naman.”
Hindi ba nakakapanghinayang yung naumpisahan niyang pagbibida kapag nag-click siya sa pagigung support?
“Yun nga, e... ewan,” kibit-balikat niyang sagot.
“Mahirap ang laro ng artista. Pero willing naman ako sa mga kahit anong roles, basta interesting.
"Gusto ko lang talagang umarte.”
Gusto niya bang sumabak sa action?
“Gusto ko rin yun actually. Wala pa kasing gano’n.
"Actually, ganun yung type ng role na ginawa ko sa Joaquin Bordado [2008]—action.
"Nami-miss ko yung gano’n.”
ALJUR ABRENICA. Pagdating naman sa estado ng relasyon nila ni Aljur Abrenica, nakangiting sinabi ni Kylie na maayos ang takbo ng relasyon nila ngayon.
Wala raw masyadong pressure sa kanilang samahan.
Paano niya ilalarawan ang takbo ng relasyon nila ngayon kumpara dati?
“Mas mature,” sagot ni Kylie.
Mas mabait na ba si Aljur ngayon?
“Palagi naman siyang mabait. Noong una pa lang, gano’n na siya.
"Ako lang yung medyo ano... kasi hindi ko alam yung pinasok ko nung nag-artista ako. Masyado akong transparent.
“Ngayon, natututo na ako. Pero hindi gano’n kabilis. Kasi alam mo yun, yung emosyon?
“Pero okey kami ngayon.”
Balik-tambalan sina Aljur at Kris Bernal sa isang teleserye ng Kapuso network. Ano ang reaksiyon niya dito? Hindi ba siya magseselos?
Sagot ni Kylie, “Okey na. Wala namang problema.
"Yun na yun, e. Loveteam na sila bago pa ako dumating.”
Habang wala pang pinagkakaabalahang teleserye si Kylie, ang pagdyi-gym muna raw ang isa sa mga ginagawa niya.
Naiisip din daw niyang bumisita muna sa kanyang ina at kapatid sa Australia.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN