Gwendoline Ruais on boyfriend David Semerad: "He seems like perfect."

Lahad daw ng mga hinahanap noon ni Gwendoline Ruais sa isang lalaki ay natagpuan na niya sa kanyang boyfriend ngayon na si David Semerad. Sabi ni Gwendoline, "So perfect, you know, the height, the personality... he’s so sweet at ang guwapu-guwapo niya."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gwendoline Ruais sa coronation night ng Miss World Philppines 2013 sa Solaire Resort and Casino noong Linggo, August 18.

Si Gwendoline ang nanalong Miss World Philippines noong 2011 at naging 1st runner-up sa Miss World 2011.

Noong coronation night naman ng Miss World Philippines 2013 ay isa siya sa naging co-host.

Si Megan Young ang nanalo bilang Miss World Philippines 2013. Pero sa sariling opinyon ni Gwendoline, ano sa palagay niya ang mayroon dapat ang isang local beauty queen para mapansin sa international competition?

"Actually, hindi ko alam!" natatawang sabi niya.

"Iba na kasi kapag nasa ibang bansa ka na, e. There’s really a long list of choices. Halos lahat mapili kasi ang daming magaganda all over the world.

"But I’m always confident about our girls. I believe na iba pa rin tayong mga Pinay.

"And just like what I’ve said, depende talaga ’yan sa taste ng judges. Minsan, di ba, nakakagulat ang choices nila?

"But bilib pa rin ako sa beauty ng isang Pinay."

MEGAN YOUNG. Ano naman ang masasabi niya kay Megan?

"She’s great... maganda siya.

"Yeah, she’s very popular, pero she’s also doing great.

"Artista nga siya pero ginagawa naman niya ang lahat to win."

Kadalasan, kapag celebrity ang sumasali sa mga beauty contest ay laging iniintriga; tulad noon ni Ruffa Gutierrez na naging 2nd Princess sa Miss World 1993.

Reaksiyon dito ni Gwendoline, "Wala akong masasabi diyan.

"Hindi naman kasi ako ang judge so I really can’t comment.

"Marami namang intrigues kahit hindi artista. It depends on the candidate."

Marami rin daw siyang nakausap na mga kandidata na palagi niyang binibigyan ng advice.

Ayon sa 23-year-old beauty queen, "I always tell them to be always be yourself kasi yun ang makikita ng mga judges.

"I also tell them to be sincere and be a good person. To always smile kasi people will see that, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You have to be yourself to be confident... yun talaga.

"It’s always not about beauty outside but also the beauty inside. To be really good sa performances nila during the competition."

DAVID SEMERAD. Habang kausap ng PEP si Gwendoline ay katabi niya ang kanyang boyfriend—ang commercial model na si David Semerad.

Hindi maitanggi ang sobrang ka-sweet-an ng dalawa. Habang sumasagot si Gwendoline sa mga tanong namin ay ilang beses din silang nag-smack kiss ni David.

Sabi ng beauty queen sa relasyon nila ni David, "It’s been more than six months and I’ve never been happier. Nagle-level up kami every day."

Si David din daw ang "man of her dreams."

"Lahat ng mga hinahanap ko dati [sa isang guy], yung mga gusto ko ay meron siya.

"So perfect, you know, the height, the personality... he’s so sweet at ang guwapu-guwapo niya."

Maging ang kanyang pamilya ay tanggap daw si David.

"My parents adore him so much. My parents love him. Everything is perfect, so..."

Wala ba siyang takot na mauwi rin sa breakup ang relasyon nila?

Sagot ni Gwendoline, "No, we’re not planning on breaking up ever. That’s not gonna happen.

"I’ve never been in love so I’m very happy and when you’re in love, no matter what happens, you know...

"If it’s true love if it’s true love, you’re gonna work for it.

"We’re not following trends. We’re very happy.

"Yes, we’re a young couple, pero yung sobrang pagkakasundo namin in many things, it sets the difference.

"Right now, what is important is our feelings for each other.

"Aside from the physical, we get along well together.

"He’s very caring and the best talaga."

Si David na ba talaga ang lalaki sa buhay niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, he is

"I told my parents about that. He seems like perfect.

"I wish na siya na nga ang makasama ko all my life," sabi ni Gwendoline at pagkatapos nito ay muli siyang hinalikan ni David.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN