Celebrities extend help to flood victims; join relief efforts

Kabilang sina Marian Rivera (kaliwa) at Angel Locsin (kanan) sa mga artistang personal na nagtungo sa ilang affected areas upang magbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya.


Tatlong araw nang nakararanas ng walang humpay na pag-ulan ang buong Metro Manila at mga karatig-probinsiya dahil sa habagat at bagyong Maring na nagdulot ng malawakang pagbaha sa napakaraming lugar.

Kasabay nito ang pagbuhos naman ng mga panawagan ng maraming celebrities ng pagtulong para sa mga kababayang naapektuhan ng baha, via social media kabilang na ang Facebook, Twitter, at Instagram.

Pati ang mga malalaking istasyon ng telebisyon ay nagsasagawa rin ng kani-kanilang telethons para sa mga biktima; partikular na ang Sagip Kapamilya ng ABS-CBN, ang Tulong Kapatid ng Alagang Kapatid Foundation ng TV5, at ang GMA Kapuso Foundation ng GMA7.

CELEBS TO THE RESCUE. Kahapon, August 20, ay nanawagan si KC Concepcion, via her Twitter account, ng mga posibleng volunteers nila ni Judy Ann Santos para sa gagawin nilang relief operations ngayong araw, August 21.

Ang Queen of Comedy na si Ai-Ai delas Alas ay nagpa-deliver na ngayong araw ng kanyang donations sa Saint Peter Church.

Sina Kris Aquino at mga kapatid na sina Ballsy, Pinky, at Viel ay sa Parañaque naman ang destinasyon kani-kanina lamang para mamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng pagbaha.

Si Angel Locsin, kasama ang Red Cross, ay namahagi na rin ng maraming relief goods sa iba’t ibang evacuation centers ngayong araw.

Si Divine Lee at ang partner nitong si Victor Basa at ilan pang mga kaibigan ay kasalukuyang nagre-repack ng grocery items para ipadala sa mga evacuation center.

Sina Enzo Pineda at Louise delos Reyes naman ay namili ng grocery items na ido-donate nila sa Kapuso Foundation.

Si Kim Chiu naman ay naghandog kanina ng mga luto nang pagkain sa isang relief center.

Kagabi ay magkasama ang magkasintahang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na namahagi ng pagkain sa ilang nabiktima ng baha sa Roxas District, Quezon City.

Ang mga pagkaing ipinamahagi nila ay para sana sa taping ng primetime series si Dingdong sa GMA-7, ang Genesis, ngunit na-packup sila dahil sa masamang lagay ng panahon. Nagdesisyon si Dingdong at ang production staff na ipamahagi na lamang ang mga pagkain sa mga naapektuhan ng baha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos mamahagi ng pagkain ay dumiretso si Marian sa GMA Network Center upang mag-volunteer sa isinasagawang telethon ng Kapuso network.

Ngayong araw naman ay nagtungo si Marian sa Pasay City upang tumulong sa relief operation doon. Ngunit tumanggi ang Kapuso Primetime Queen na magpa-interview sa media tungkol sa ginagawa niyang pagtulong.



PINOY HUMOR. Sa kabila ng pananalasa ng baha at bagyo, hindi pa rin maiwasan ng mga Pinoy na magpatawa at gawing katatawanan ang bagong pagsubok na ito sa mga Pinoy.

Ang VJ na si Joey Mead ay nag-post sa kanyang Instagram account ng larawan na nagkukumpara sa Venice at sa Pilipinas.

Ipinakita dito ang magandang tanawin sa Venice na may malinaw na tubig samantalang ang sa Pilipinas, na may nakasulat na "Nakakainis", ay larawan ng mga taong nakasakay sa rescue boat sa gitna ng baha.

Ni-repost naman ni Nadine Samonte sa kanyang Instagram ang tila isang poster na hango sa pelikulang The Conjuring, kung saan makikita ang larawan ng isang binahang lugar habang nakabantay si "Maring" at may pamagat itong "The ConjuRAIN (Based on a true files of PAG-ASA)."

Ni-repost naman ni Kim Chiu sa kanyang Instagram ang larawan ni Mariah Carey at maraming mga taong naglalakad sa baha. Nakasulat dito ang mga salitang: ‘Lord, Hindi po kami si Mariah Carey, We ca’t make it through the rain.”

Si Jericho Rosales naman ay nag-post ng larawan ng mga bata na nanghuhuli ng isda sa gitna ng baha. Aniya, "Kids catching fish in Montalban river.”

May ilan ding tila ginawang daan ang baha sa pagpapatawa dahil may "good news" daw. Isa sa mga post na ito ay ang larawan ng ilang lalaking buhat-buhat ang isang buwaya. Nakasulat dito: “Good news ni #napoles nahuli na #citizenarrest.”

Ang tinutukoy nila ay si Janet Lim-Napoles, ang sinasabing utak sa multi-billion pork barrel scam na kasalukuyan pa ring pinaghahanap ng batas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ilan namang Pinoy ay nag-post ng mga kakaibang litrato. Isa na nga rito ay ang nag-iinuman sa gitna ng baha. Naka-caption dito, “Filipino spirit is WATERPROOF.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN