Kris Lawrence on marrying Katrina Halili: “Gusto ko... alam niyang gusto ko na.”

Aminado si Kris Lawrence na malaki ang ipinagbago niya buhat nang nagkaroon sila ng anak ni Katrina Halili. Kuwento niya, “Before ako magkaroon ng baby, I was always out with my friends, I was always thinking about myself. Right now, hindi talaga, e, it’s talagang for the baby, your whole life is for your baby.”


Itinuturing ni Kris Lawrence na malaking pagbabago sa kanyang buhay ang pagkakaroon nila ng anak ng kasintahang si Katrina Halili.

Sa ngayon ay mas naka-focus daw ang singer siya sa kanyang baby na si Katie at ang magiging future nito.

Saad ni Kris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Malaking pagbabago sa buhay ko.

"Kasi ako ngayon ay more responsible, less going out, I don’t really shop for myself as much.

“When we go out, sinasabi ko na, ‘Ay, parang maganda ito kay Katie, magagamit niya ito,’ and I buy it.

“Hindi tulad ng dati na I always buy things for myself, ngayon it’s all for Katie.

“Mas naa-appreciate ko yung ginawa ng magulang ko sa akin at nakikita ko unti-unti bilang magulang na rin.”



HANDS–ON DAD. Hands-on daddy ba siya kay Katie?

Sabi ni Kris, “I’m hands-on as I can be. Every time na wala akong work, I’m with the baby.

“I still change diapers, ako yung tagatimpla ng gatas sa madaling-araw.

“In the daytime, kasi sila Kat at Yaya, pag walang taping, si Kat nandoon siya, kasi hands-on kasi talaga si Kat. She’s like a supermom.

"So ako, I been promoting around lately, so late ako umuuwi.

“So yung pambawi ko is ako yung gising sa madaling-araw, nagtitimpla ng gatas. Siguro mga 2 or 3 a.m. yun, gigising si Katie.

“Tapos, hindi siya matutulog agad, gising ‘yan, gusto niya maglaro.

“So, mga one and half hours na maglalaro kami, then papatulugin ko siya.”

Ano ang pinaka-challenge kay Kris bilang daddy?

Tugon niya, “Pinaka-challenge? Ang dami, sobrang daming challenges.

“Ang pinaka-challenge… siguro either yung going out, kasi maka-kaibigan ako, e.

“Before ako magkaroon ng baby, I was always out with my friends, I was always thinking about myself.

“Right now, hindi talaga e, it’s talagang for the baby, your whole life is for your baby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s not for you, you don’t think of yourself, lahat-lahat para sa baby."

May payo pa nga si Kris sa mga gusto nang maging magulang.

“Ang masasabi ko sa mga magiging magulang, for the guy, is do everything you wanna do before you become a parent and get it out of the way.

“Kasi, when you become a parent, kasama din yun na ayaw mong gawin yun, pero kailangan.

“You know what I mean, your life will change, automatic siya.

“Kahit ayaw mong magbago yung buhay mo, magbabago ‘yan, magbabago talaga ‘yan.

“Pero in a good way, in a positive way pa rin.”



CHANGE ROUTINE. Ngayong may baby na si Kris, ano ang naging pagbabago sa kanyang routine?

“Yes! After work, diretso po ako sa bahay, wala na talagang going out. I go straight home to see my baby.

“Pag may nagyayaya sa akin, sinasabi ko, ‘Hindi, e, I have to look for my baby, bantay bata na ako, e.’ Ha-ha ha! Parang ganoon, automatic na siya.”

Pag lumaki-laki na si Katie, sa palagay ba ni Kris ay magiging spoiler o namamalo siya?

“A, yes! Feeling ko, as much as gusto kong maging cool dad, I think ako yung magdi-disiplina.

“Kasi si Kat, mukhang... but it can always change, di ba? Kasi si Kat, siya yung mag-spoil sa kanya.

“Siyempre kasi, princess siya, e, parang mini-Katrina yun, you know—gusto niya bihisan, gusto niyang ganoon, ganyan.

“Pag iyak niya, takbo kaaagad si Kat.

“Ako naman, yung baby, ‘Hayaan mo umiyak, kasi masasanay siya na isang iyak, doon may mag-aasikaso sa kanya kaagad.’

“Ako yung taga-kontra minsan na, ‘Hindi, hayaan mo, kailangan niya matuto na mag isa.’

“So feeling ko, ako yung magdidisiplina talaga.”



PLANS FOR KATIE. Napag-uusapan at pinagpaplanuhan na ba nila ni Katrina kung ano ang gusto nila paglaki ni Katie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Kris, “Hindi, hindi talaga. Kung ano yung gift niya, doon ako magpo-focus.

“Kung ano yung gift niya, like kung ano ang gusto niyang gawin, yun ang i-share niya sa mundo.

“If it’s singing or acting or it’s being an accountant or it is being something on a computer…

“Kung ano yung passion niya, kung ano yung gift niya, that’s where I will support her.”

So hindi pipigilan ni Kris kung gusto pumasok sa showbiz ang anak?

“No! Maybe a little bit sa umpisa, kasi gusto ko siyang magkaroon ng childhood.

“Kasi yung mga child star, marami po akong friends na child star sila, like Billy [Crawford].

“You know all these other people, a lot of them lacked childhood, they didn’t have a childhood.

“Hindi sila nag-enjoy, hindi nila na-experience na maging normal na bata, kasi maaga silang nagtrabaho.

“Pero you know, you can never tell, you can never tell kung anong mangyayari next.”



SECOND BABY. Wala pa ba silang planong sundan si Katie?

Sagot ni Kris, “Siguro marriage muna kami, saka na namin pag-uusapan yun.

“Katulad ngayon, magbi-birthday na si Katie, magwa-one year old na siya and we’re going to celebrate it in a candyland-motif party.

“Biruin mo, ang bilis ng panahon, she’s turning one year old this year.”



MARRIAGE. Matagal-tagal na rin ang relasyon nina Kris at Katrina, kailan ang plano nilang magpakasal?

Sabi ng singer, “Actually, napapadalas yung pagdyo-joke namin about kasal. Kasi ako, gusto ko, alam niyang gusto ko na.

“Pero hindi kasi iyon yung focus namin ngayon, pero we will have it for sure.

“Mas iniisip kasi namin ngayon yung future ni Katie.”

Gaano kasaya ngayon si Kris?

“Di ba halata? Sobrang happy, I’ve never been this happy in my life!

“Yung unconditional love na sinasabi ng lahat, finally naramdaman ko, naranasan ko na ito na pala yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kulang pa ba sa isang Kris Lawrence?

“May kulang pa ba? I don`t know kung may kulang pa ba, pero sa ngayon kuntento ako, I’m happy.

“And I wouldn’t change anything in my life right now, I’m super happy.

“I think this is the most stress-free I’ve ever been, basta sobrang happy ako.”



MUSIC ALBUM. Kumusta naman ang latest album ni Kris?

“Unang-una, the title of my Aabum is Spread the Love, 12 OPM tracks—Original Pinoy Music.

“I composed and arranged eight out of the 12 under GMA Records.

“’Ikaw Pala’ is being used as the theme song of Koreanovela Innocent Man.

“And ’Sabihin Mo Naman’ is the theme song of My Husband’s Lover.

“It’s a combination of songs that I composed since 2007. Lahat ng pinagdaanan ko, isinulat ko dito.

"Noong nag-break kami ni Kat, yung kantang ’Di Na Matatanggap.’

“After we broke up, we got back to each other at isinulat ko yung ’Sabihin Mo Naman’ para, ‘Sabihin mo naman, ako yung mahal mo.’

“Tapos, yung ’Make Me Whole’ para kay Katie, sa anak ko, at kay Lord.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN