Andi Eigenmann still gets jealous over ex-boyfriend Jake Ejercito: "Hindi ko napigilan, kasi wala talaga... It’s Jake and me forever."

Hangga’t maaari raw ay gustong protektahan ni Andi Eigenmann ang dating kasintahan na si Jake Ejercito sa mga intrigang may kaugnayan sa kanya. Saad ni Andi, “Yun kasi ang gusto kong pangalagaan, na kahit nasa showbiz ako, yung relationship namin, mag-stay siyang private the way he’s more comfortable. Kasi hindi naman siya obliged na i-share yung buhay niya sa lahat ng tao.”


Nang pinabulaanan ni Andi Eigenmann ang pagkakadawit ng pangalan niya sa breakup nina Billy Crawford at Nikki Gil, sinabi ng Kapamilya actress na inaalala niya ang maaaring isipin o sabihin ng kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

Ayon pa kay Andi, mahalaga sa kanya ang iisipin ni Jake dahil nananatili pa ring mahalaga ito sa buhay niya.

Saad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Alam ko naman na totoo ang sinasabi ko, alam kong hindi ako nagsisinungaling.

“Alam ko na makikita at mararamdaman din yun ni Jake. It’s just that he’s not here kaya medyo mas mahirap.

“Normally, palaging sasabihin ng mga tao na pagka yung career mo, sa akin, pag sobrang important, na yun lang ang nasa mind mo.

“Pero para sa akin, yung career ko at ang personal life ko, puwedeng lagyan ng barrier.

“I make a commitment to be in showbiz as an actress and to let the world know who I am in real life.

“Pero if it involves someone na hindi naman public figure, like si Jake, siguro puwede naman i-keep things sa sarili ko na lang, na hindi naman kailangang i-share ang bawat details ng relationship naming dalawa.

“Important sa akin ang career ko, pero important din sa akin ang nararamdaman ng mahal ko sa buhay.”

Si Jake ay anak ni former President at incumbent Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa mistress nitong si Laarni Enriquez.

KEEPING IT PRIVATE. Hindi ba nagagalit o naiinis si Jake na nadadamay pa rin siya sa kahit na isyung lumalabas patungkol kay Andi?

Sagot ng young actress, “Of course he doesn’t get upset or angry ‘coz he’s very understanding. He’s supportive also.

“Pero sometimes, puwedeng magkaroon ng misunderstanding also ang mga tao.

“Parang minsan, kung anu-ano ang ina-assume nila na minsan mahirap nang paniwalaan kung ano ang totoo, kasi ganun naman talaga sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun kasi ang gusto kong pangalagaan, na kahit nasa showbiz ako, yung relationship namin, mag-stay siyang private the way he’s more comfortable.

“Kasi hindi naman siya obliged na i-share yung buhay niya sa lahat ng tao.”

Sariwa pa sa isip ng marami ang dating interview ni Jake kung saan may mga hindi siya magandang sinabi tungkol kay Andi. Naayos na ba nila ang kung anumang hindi nila pagkakaintindihan noon?

Ayon kay Andi, “Ang assumption nila is either kami pero hindi namin sinasabi, on and off yung relationship.

“E, hindi naman ganun talaga yung relationship namin.

“Parang sa akin, dati nahihirapan ako mag-explain na akala ng mga tao na nagtatago ako, nagla-lie ako, at nahuhuli naman daw pag magkasama kami.

“Para sa akin, parang hindi ganun, pero hindi ko naman yata kailangang i-explain pa.

“Pag nandito siya, palagi kaming magkikita, magkasama kami. Hindi ko naman kailangang ikuwento sa mga tao yun.”

Nakausap ng PEP si Andi sa pictorial ng cast ng Galema, Anak ni Zuma sa Studio 8 ng ABS-CBN last week.



COLEEN GARCIA. Naugnay naman ang pangalan ni Coleen Garcia kay Jake.

May balitang pinagselosan pa nga raw ni Andi si Coleen, at si Andi raw ang nagpakalat ng isyu na nag-uugnay kina Jake at Coleen sa pamamagitan ng Twitter.

Paglilinaw ni Andi, “Misunderstanding lang naman yun, saka at the end of the day, siya [Jake] lang naman ang ita-trust ko.

“Para sa akin, sa buhay, dapat hindi ka masyadong dapat nagtitiwala agad sa tao.

“Pero para sa akin, kasi hindi mo naman talaga alam, hindi ka magre-rely on other people.

“Pero kaming dalawa, alam ko kahit na anong mangyari, kakampi niya ako and kakampi ko rin siya.

“Tina-trust ko pa rin siya, kahit na may ibang sinasabi ang mga tao, yun pa rin ang paniniwalaan ko.

“Pag sinabi niya na wala, wala.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, “Yun naman ang lagi niyang sinasabi, kahit daw walang reason, nagseselos ako.

“Hindi ko naman ikinahihiya yun kasi never ko namang itinago na he’s special to me.

“Hindi ko rin ikahihiya na nagseselos ako dahil hindi naman yata nakakapagtaka kung bakit matatakot ka na mapupunta siya sa iba dahil hindi naman imposible na kahit na sino may gusto sa kanya.

“Hindi, hindi ko napigilan, kasi wala talaga... It’s Jake and me forever.

“Hindi ko sinasabi na couple, pero parang hindi mo puwedeng i-connect sa iba.

“Kung ako ikinonek mo sa iba, ibig sabihin, hindi totoo yun.”

Ayon kay Andi, magkakilala sila ni Coleen pero hindi sila magkaibigan.

“I never saw her again. We’ve met but we’re not friends.”

Ipinagpapasalamat din ni Andi na namatay na ang isyung nagli-link sa kanila ni Billy dahil hinarap niya ito.

Saad niya, “Wala na akong nakikita, wala na akong nababasa kasi sinagot ko na.

“Yun nga, sometimes I know the best thing to do is to keep quiet, but there are other instances na mas madali kung sagutin mo na lang.

“Tulad nun, hindi naman ako nahiya na sagutin siya kasi hindi naman totoo.


“Buti sana kung may itinatago ako, e, di malamang mahihiya ako.

“Kaya I guess kaya din siya namatay agad, kasi hindi nga totoo.”



MATTEO GUIDICELLI. Muling makakatrabaho ni Andi sa Galema ang naging leading man niya noon sa Agua Bendita na si Matteo Guidicelli.

Bagamat hindi raw nagsasalita nang tapos si Andi, sa ngayon ay wala siyang nakikitang tsantsa na magkagustuhan at lumagpas pa sa pagkakaibigan ang relasyon nila ni Matteo.

Saad niya, “I can’t answer for the both of us but, for me, wala.

“I do find Matteo attractive, it’s just maybe different time.

“If ever… who knows what’s gonna happen? Marami pang puwedeng mangyari sa buhay ko, bata pa naman kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko naman puwedeng sabihin na impossible siya but, as of now, hindi.

“Our relationship is sobra kaming comfortable with each other.

“I always tease him, I always make fun of him. Lagi ko siyang inaasar, ‘Ano, in love ka na naman?’

“With all honesty, kahit masasabi kong close kami, hindi ko alam ang totoo kasi lagi ko siyang pinapangunahan.

"But I guess tanungin ninyo na lang siya. That’s his business.”



GALEMA. Sobrang excited naman daw si Andi na siya ang gaganap na bida sa TV remake ng Galema.

Unang ginampanan ni Snooky Serna ang papel na ito sa 1988 film, kung saan kasama rin sa cast ang ama ni Andi na si Mark Gil.

Sabi ni Andi, “Ang tagal naming hinintay ito saka talagang pinaghandaan namin nang sobra, so excited talaga ako.

“Actually ang prosthetics lang naman ay yung snake, e, tapos sa hair, yun.

“So I guess hindi naman siya masyadong matagal, compared kay Zuma.

“Wala naman akong additional make-up, walang unusual na hitsura, except sa snake na pinapatong lang naman siya sa leeg ko.

“Tapos mechanical yung snake so it moves by itself. Magaling ang pagkakagawa so hindi siya masyadong complicated.”

Dagdag niya, “Actually, si Galema, human din siya.

“It’s just parang half breed. Mayroon din siyang dugo ng kakaibang creature, parang monster’s creature.

“Hindi siya galit sa mundo, pinalaki siya like normal young lady ng mga mababait na tao. May mabuti siyang loob, mabait siyang tao, she cares for people.

"Nagkataon lang na there’s something she can’t help dahil sa kung sino talaga siya.”

Napanood daw ni Andi ang pelikulang pinagbidahan noon ni Snooky.

“Yes, napanood ko yung kay Snooky Serna at saka yung kasama ang daddy ko na Galema.

“I don’t think it will be hard, kasi normally, para sa akin, kung remake man ang gagawin ko, I would avoid watching the original one para may mas freedom ako to do what I want and hindi unintentionally magagaya ko ang napanood ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dito kasi, una sa lahat, teleserye na ito, ibang panahon na ngayon, marami nang bagong technology, iba na ang kinahihiligan at mas nag-e-entertain sa mga manonood sa panahon na ito, kaya alam ko na ibang-iba siya.

“Pero at the same time, yung main idea, nandun pa rin.

“Kung ano man ang message, yung moral ng story, yun ang magme-maintain pero marami nang pagbabago.”

Dahil may ahas ang karakter niya sa Galema, ano ang mensahe ni Andi sa mga “ahas” naman sa paligid niya?

Sabi niya, “Hindi ko alam kung sino sila, pero mahiya naman sila. Mga ahas, layo-layo kayo ng kaunti diyan!

“Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ko, pero kung mayroon man na nagtatangka, huwag na.

“I swear, my snakes gonna bite you and take your head off.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN