Marjorie Barretto refutes accusation that Tonyboy Cojuangco pays for her daughter’s tuition fee

Marjorie Barretto engages in a word war with several online bashers around the same time her sister Gretchen does. She is obviously irked by comments on her Instagram, accusing her of being a social climber. “I cannot afford to put my children there (British School Manila). But I don’t understand why it should bother you so much where I put her. I solely pay for all of my children’s tuition fees,” says an infuriated Marjorie.


Kahapon, August 21, hindi napigilan ni Marjorie Barretto ang mag-react sa malisyosong akusasyon na ibinabato sa kanya ng ilang online bashers.

Ito ay base sa Instragram post niya noon pang August 16, kung saan kasama niyang nag-“late lunch” ang anak na si Claudia at kapatid na si Gretchen Barretto.

Makikita sa nasabing larawan na nakasuot ng school uniform si Claudia. Kaya naman ilan sa Instagram followers ni Marjorie ang nag-usisa kung saan nag-aaral ang anak nito.

Isang follower na may user name na "@kimchiupanget" ang sumagot na maaaring sa isang mamahaling exclusive school nag-aaral si Claudia. Sinabi rin nitong ang longtime partner ni Gretchen na si Tonyboy Cojuangco diumano ang tumustos sa pag-aaral ng bata.

Sabi ng IG follower ni Marjorie: “British School Manila in the Fort. Her tuition came from tony boy cojuangco. Imagine almost half a million is the tuition there. Such a social climber. Kabit na nga nakilihati pa sa kayamanan ng cojuangco.”



"I AM NOT A SOCIAL CLIMBER." Agad namang pinabulaanan ni Marjorie na sa British School Manila (Bonifacio Global City, Taguig) nag-aaral ang kanyang anak na si Claudia.

Nilinaw rin niya na siya ang nagbabayad ng tuition nito at hindi ang longtime partner ng kanyang kapatid.

“Claudia doesn’t go to British School. Get your very twisted facts straight. And I pay for my children’s tuition fees. I am not a social climber and I don’t get money from Tony Boy. Why should Tony Boy pay for it,” ang inis na sagot ni Marjorie sa kanyang online basher.

Dagdag pa ng dating aktres, walang dahilan para pakialaman kung saan niya gustong pag-aralin ang mga anak.

Apat ang anak ni Marjorie—sina Julia, Claudia, at Leon sa kanyang dating asawa na si Dennis Padilla at si Daniella sa dating kasintahang si Kier Legaspi.

“I cannot afford to put my children there [British School Manila]. But I don’t understand why it should bother you so much where I put her. I solely pay for all of my children’s tuition fees.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dinepensahan din ni Marjorie ang klase ng marangyang lifestyle na mayroon siya at kanyang mga kaibigan base sa mga larawang ipinu-post niya sa Instagram.

“The people that I am seen here on Instagram are my real friends. Who may all look very sosyal but are all very kind and hardworking people. Don’t be so mad at me. I don’t know you. God bless you.”

Binalaan din ni Marjorie ang kanyang basher na anytime ay puwede niya itong kasuhan kung sakaling may gawin itong kalokohan sa kanyang Instagram photos.

“And who are you for you to know me so well? Who is your source. Guess what? I am not scared of posting my photo. However, you should be scared of posting my photo. There is a law against doing that and it could land you in jail. You are being traced as we speak @kimchiupanget,” ani Marjorie.



HATE CAMPAIGN? Dalawa pang hiwalay na basher na sina @ashyachin at @itsmeyap ang nagpatutsada kay Marjorie na ang “tindi maka pose kahit baha.”

Ito ay patungkol naman sa group photo ni Marjorie sa isang social function na kanyang pinost sa Instagram noong August 19—na tiyempong kasagsagan ng matinding ulan sa Metro Manila.

Mabilis din itong sinagot ni Marjorie at halatang galit ito dahil hindi matigil ang paninira sa kanya ng ilang online bashers. Kaya naman isa-isa niyang sinagot ang mga akusasyon ng mga ito.

Sabi ni Marjorie, “@itsmeyap I’m sorry, this is a late post. This did not happen today habang nasasalanta ang bansa. I have been praying all night and getting things started for donations. You have no right to judge. What about you? Are you praying? Are you preparing goods for donations? Or are you simply looking thru Instagram pages simply to insult people. Instead of looking at my photos and everyone else’s, get up and help people. Sad!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “@ashyahchin You too! Common sense will tell you that I couldn’t be posing thru the baha, because I can’t even get out of my house with the heavy rains. If you don’t like my photos block me. My goodness you people. Just pray and help instead of making baseless judgements.”

Tila may ideya naman si Marjorie kung sino ang tao sa likod ng mga negative comments sa kanyang Instagram.

“@itsmeyap You’re not even a real person! No photos and private. You mean you made another one of those Instagram accounts just to bash me and my family again?”

Nauna nang lumabas sa PEP ang tungkol sa “word war” sa pagitan ni Gretchen Barretto at sa isa pang online basher, na pinaghihinalaang si Claudine Barretto base sa palitan ng salita ng mga ito sa Instagram.

(Read: Gretchen Barretto involved in word war with "Claudine Barretto" on Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN