Senator Bong Revilla confirmed authenticity of signatures on pork barrel documents — COA chairman

"Senator Revilla is saying now that it’s fake. Pero nung humingi po kami ng confirmation sa kanya, he confirmed the authenticity of the signatures of his representatives," pahayag ni COA Chairman Grace Pulido-Tan sa pahayag ng abugado ni Senator Bong Revilla na magha-hire daw sila ng handwriting experts upang matiyak na pirma nga ng senador ang nakalagay sa mga dokumento ng fund releases ng kanyang pork barrel.


Hindi na raw kailangan pa ni Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. na mag-hire ng signature at handwriting expert dahil inamin niya noon na kanya nga ang mga pirma sa mga dokumento ng fund releases sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel.

Ito ay ayon mismo sa Commission on Audit (COA) chairman na si Grace Pulido-Tan sa panayam sa kanya ng 24 Oras ng GMA-7 ngayong gabi, August 22.

Matatandaang sinabi ng abugado ni Senator Revilla na si Atty. Joel Bodegon na kukuha sila ng handwriting expert para malinawan ang “authenticity of the signatures” sa mga dokumentong ito.

Ayon pa sa statement na inilabas ng abugado ni Senator Revilla kahapon, August 21, “A full and complete examination by handwriting experts should resolve the question of authenticity of the signatures.”

(Read: Senator Bong Revilla denies transfer of his pork barrel fund to any NGO)

Reaksiyon dito ni Chairman Pulido-Tan, “Oh, no, Senator Revilla is saying now that it’s fake.

“Pero nung humingi po kami ng confirmation sa kanya, he confirmed the authenticity of the signatures of his representatives.”

Tanong ng GMA News: Seriously?

Sagot ng COA Chairman, “Seriously. And we have everything in writing.”

Dagdag pa sa ulat, sa special audit report ng COA sa pork barrel, makikita na naglipat si Senator Revilla ng kabuuang halaga na P503.69 million, mula 2007 hanggang 2009, sa walong non-government organizations (NGOs).

Sinabi rin ng COA na kuwestiyonable ang NGOs na pinaglipatan ng pork barrel fund ng actor-politician.

Dalawa raw dito ay pinapatakbo ni Benhur Luy, ang whistleblower sa pork barrel scam, na dating tauhan ni Janet Lim-Napoles—ang Masaganang Ani Para Sa Magsasaka Inc. at Social Development Program for Farmers Inc.

Hiniling ng GMA News sa COA ang mga dokumento na may kaugnayan kay Senator Revilla, pero tumanggi ang ahensiya na ibigay ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Pulido-Tan, “Kasi yung mga dokumento sa mga NGOs na namin nakuha, e. So ibinalik namin sa kanila, ipinakita namin. ‘A, ito po ba ay talagang pirma ho ninyo?’ Ganun ang audit.”

Kinunan ng GMA News ng pahayag si Senator Revilla pero sabi raw ng isang tao sa kanyang opisina ay ang abugado na lamang nitong si Atty. Bodegon ang kausapin. Pero hindi rin daw sumagot ang abugado ni Senator Revilla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN