Gretchen Barretto sets Instagram account to private

Upang maiwasan na marahil ang pagdami ng kanyang online haters at bashers, ginawa nang private ni Gretchen Barretto ang kanyang account sa photo-sharing website na Instagram.


Ginawa nang private ni Gretchen Barretto ang kanyang account sa photo-sharing website na Instagram.

Ito ay ginawa ng aktres ilang araw pagkatapos niyang makipagsagutan sa isang follower niya sa Instagram, na sa kanyang suspetsa ay ang kapatid niyang si Claudine Barretto.

(Read: Gretchen Barretto involved in word war with "Claudine Barretto" on Instagram)

Sa photo message na kanyang in-upload ngayong gabi, August 22, sinabi ni Gretchen: “Sometimes removing some people out of your life makes room for better people.”

May caption ito na: “I have put my settings on private to be able to post what I feel will make my followers happy. I don’t need negativity on my page. I will block any nasty or negative comments. Love, live and laugh.”

Komento naman ng ABS-CBN newscaster na si Karen Davila (@iamkarendavila): “I can’t imagine negative comments on your posts @gretchenbarretto.”

Natuwa naman ang kaibigan ni Gretchen na si Precy Ejercito (@precyvitugejercito), maybahay ni Senator Jinggoy Ejercito. Aniya, “Very good decision my G! Haters will always hate no matter what! God bless all the haters out there.”



LOVE ME OR HATE ME... May kasunod pang post si Gretchen tungkol sa kanyang haters at bashers.

Nakasaad dito, “Love me or hate me, both are in my favor. If you love me, I’ll always be in your heart. If you hate me, I’ll always be in your mind.”

Tanging drawing ng tatlong "puso" ang caption niya dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN