Jonalyn Viray misses La Diva co-members Aicelle Santos and Maricris Garcia

Aminado si Jonalyn Viray na nami-miss niya ang kanyang mga kasamahan sa singing group na La Diva na sina Aicelle Santos at Maricris Garcia. Magmula kasi nang pinaghiwa-hiwalay sila sa Sunday All Stars ay hindi na sila ganun kadalas magkita-kita.


Nalulungkot si Jonalyn Viray na hindi na niya nakakasama ang dati niyang kagrupo sa La Diva na sina Aicelle Santos at Maricris Garcia.

Sa ngayon ay may kanya-kanya silang grupo sa musical-variety show na Sunday All Stars kaya marami ang nakaka-miss na makita silang mag-perform na magkakasama.

Sabi ni Jonalyn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "May kanya-kanya na kaming careers na tinatahak.

"Solo projects na rin po ang aming ginagawa.

"Kasi ang nangyari... since Sunday All Stars started, pinaghiwa-hiwalay na po kami. Dinistribute kami sa kanya-kanyang teams namin.

“Tapos ako, nag-start na rin ako maglabas ng solo album.

"Si Aicelle, she has her own thing, nagmu-musical siya and she auditioned for Miss Saigon.

“So parang... si Maricris ay busy rin siya sa kanyang soap opera.

"Nakaka-miss din po talaga yung kami as a group. Lalo na’t marami rin ang nakaka-appreciate sa amin, maraming positive feedback."



GOING SOLO. Sa tingin ba ni Jonalyn ay nakatulong sa kanilang singing career ang pagkanya-kanya nila?

Aniya, "I think, yes. Yes, kasi nagagawa po talaga namin yung gusto naming gawin as individual artists.

"Kahit masaya kami as a group, pero panahon na rin na makilala kami as individual artists—hindi lang bilang La Diva.

"Kasi naniniwala naman po kami na as a solo artist, we can also make it.

"Although, siyempre po, malaki ang pasasalamat namin sa pagiging La Diva kasi doon po talaga nakilala."

Patuloy ni Jonalyn, "I think masaya naman kami kung anuman ang nangyayari sa amin.

"Ngayon, halos hindi na kami nagkikita-kita sa work. Sobrang bihira na talaga.

"Sa SAS kasi, ang rehearsals kasi, ang rule din, kung sino ang team na magre-rehearse sa stage, sila lang ang dapat na nandoon, bawal sumilip ang ibang team members.

"Kaya hindi kami nagkikita-kita. Tuwing Linggo na lang kami nagkikita tapos bihira pa kaming magkakuwentuha na tatlo kasi hiwa-hiwalay din ang dressing rooms namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



TAMPUHAN BLUES. Noon bang grupo pa sila ay mayroong pagkakataon na nagkatampuhan silang tatlo? O may mga bagay na gustong gawin ng isa na ayaw ng dalawa na nagreresulta sa hindi nila pagkakaintindihan?

Sabi ng Bicolana singer, “I guess hindi naman po talaga nawawala yung individual differences.

"Pero, depende naman po talaga ’yan kung paano namin iniintindi ang isa’t isa.

"May times na ganoon, pero eventually nase-settle naman namin.

“Basta nagkakapaliwanagan lang kami nang maayos and after that, parang ano... parang walang nangyari.

"Pero, hindi kami umabot sa talagang nagkagalit-galit kami."

Ang isang tinitiyak ni Jonalyn ay mananantili silang magkakaibigan.

"Opo, sigurado naman po yun," nangingiting sabi niya.

"Ang layo naman po ng pinagsamahan naming tatlo.

"Imagine noon, halos araw-araw kami magkakasama—sa rehearsals sa Party Pilipinas, sa recordings, every Sunday—so marami kaming pinagdaaanan.

"Nagkakabiruan pa kami, ’Hindi ba tayo nagkakaumayan?’” tawa pa ni Jonalyn.

"Tsini-cherish ko po talaga yung pinagsamahan namin, yung support namin sa isa’t isa. Para kaming triplets, di ba?

"So, yun po."



NO PROFESSIONAL JEALOUSY. Wala rin daw sa kanila yung tinatawag na professional jealousy, na kalimitang nangyayari sa artists na nagkapanabayan o naging grupo tapos may isang mas aangat.

Sabi ng 23-year-old singer, "Hind naman po ’yan mangyayari sa amin.

"Lagi naman namin ’yan pinag-uusapan. What’s important po ay we support each other kahit hiwa-hiwalay na kami ngayon.

"We share the same dreams naman. Pareho naming hangad na makatulong sa aming pamilya at matupad yung dreams namin as singers.

"Kung sa iba po ay nangyayari ’yan, sa amin hindi kasi tumagal ng ganoon ang La Diva kasi we adore nga po each other.

“Wala sa amin kung sino ang mas magaling o mas sikat.

"Minsan, nagkakabiruan kami pero puro biruan lang naman."



ACTING CAREER. Si Jonalyn naman ay nagsisimula nang maging isang artista sa pamamagitan ng indie film na Cattleya, The OFW Story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, "Hindi naman po ganoon kalakihan ang role ko, pero opo, masaya ako. Nag-start na kami mag-shoot.

"Wala naman sa pangarap ko ang maging artista pero dahil merong opportunity, sige na rin po.

“Pero, enjoy na rin po ako sa ganitong pa-support-support lang

"Wala naman po akong ilusyon na sumikat o maging bida. Basta may work lang, may pinagkakakitaan, tama na yun sa akin."



LIGA ILIKE. Tungkol naman sa Sunday All Stars, nasa Ligang iLike si Jonalyn na nakailang beses na ring naging Best Team dahil sa kanilang performances.

"Super-happy po kaming lahat," wika niya.

"Lalo na noong mag-leave of absence si Ate Jolens [Jolina Magdangal] dahil nga sa pagbubuntis, namroblema talaga kami.

"Mabuti magaling din si Kris [Bernal] bilang leader kaya nag-win pa kami that time.

“Yung kinakanta namin ni Kris [Lawrence], yung ‘Power of Love’ na nakabitin kami, hirap kami doon, pero sige lang.

"Tapos, memorable din sa akin yung Rock ‘N Roll edition. Hirap kami doon kasi sino ba naman sa grupo namin ang rocker?

“Tapos nag-rap pa si Enzo [Pineda]. Hirap kami, pero we got through naman.

"Yung duet namin ni Osang, putulan na litid na yun. Nakakatawa talaga. Bilib kaming lahat kay Aljur [Abrenica] bilang leader namin doon."



THEME SONG. Laking pasasalamat din ni Jonalyn na ngayon ay hit na hit ang kanyang kanta na “Help Me Get Over You,” na theme song ng primetime series na My Husband’s Lover.

"Nagpapasalamat talaga ako sa tumangkilik sa song ko na yun at sa show siyempre.

"Siguro kung walang My Husband’s Lover, walang... alam n’yo yun?

“Dati, parang walang gustong... pero now, marami ang nagsasabing nakaka-relate daw sila sa songs ko.

"Ako rin, every time na pinapakinggan ko yung song, gandang-ganda ako sa lyrics.

"Happy po talaga ako na marami nang nakaka-appreciate sa kanya at sa akin din po. Thank you po talaga sa lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN