(UPDATED) Part 2. Claudine Barretto on estranged husband Raymart Santiago: "Galit na galit na ako! Manginig na siya!"

"Hindi ko sinisiraan yung tatay nila sa kanila. Laging magaganda yung sinasabi ko sa kanila tungkol sa tatay nila. To the point na nagsisinungaling na nga ako. Oo, sinungaling ako para lang hindi magkaroon ng masamang alaala or image yung tatay nila," pahayag ni Claudine Barretto tungkol sa kanyang estranged husband na si Raymart Santiago.


Tumangging magbigay ng pahayag si Claudine Barretto nang matanong tungkol sa kapatid niyang si Gretchen Barretto.

“No comment. I just want to live my life,” sabi ni Claudine sa pagpapatuloy ng panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media kagabi, August 22.

Ano ang nararamdaman ni Claudine na tila naiipit ngayon ang mga pamangkin niya kina Marjorie at Gretchen sa alitan nilang magkakapatid. Dati kasi ay may Instagram posts pa ang kanyang mga pamangkin kung saan tinawag siya ng mga ito na “best tita ever.”

“Para akong namatayan ng mga anak. Yun lang,” nangingilid ang luhang sagot ni Claudine.

“And I just really pray that yung mga in-invest kong pagmamahal sa mga pamangkin ko throughout the years, sana huwag nila makalimutan yun.

“And I am so proud of them and there’s nothing, paulit-ulit kong sasabihin, na hindi ko gagawin para sa kanila…

"I’m so proud of Julia, Claudia and Danny and Dominique… and all my nephews and my nieces.

“And if there’s anything that I want for them is to be brighter and bigger.

“And you know, malagpasan pa nila, you know, lahat ng mga awards na natamo ko, natamasa ko.

“And God knows my heart.

“I took care of these children. And ang daming taong naka-witness nun. Huwag naman nilang kalimutan… sana.”



PROTECTING HER CHILDREN. Umiling si Claudine sa tanong kung nakikita pa ba ng mga anak niyang sina Santino at Sabina ang mga pinsan nila.

Mga ilang buwan na silang hindi nagkikita?

“Matagal-tagal na… last year pa,” sagot ng aktres.

Naiintindihan na kaya nina Sabina at Santino ang pinagdadaanan nila ngayon?

“I pray so. I pray so,” sambit ni Claudine.

“Pero hindi pa rin gaano… hindi pa rin nila gaanong naiintindihan.

“Pero yun nga, I bought books. We have church to help us also explain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I keep on telling them na it’s not their fault and maybe someday… I know someday maaayos din ito, it will pass. I always tell them that.

“And I tell them na I will always be here to protect them. And habang nandito ako, no one’s gonna harm them.

“And I know I can only protect my children hanggang sa makakaya ko lang.

“Pero tinuturuan ko rin sila na alagaan nilang mabuti ang sarili nila at matutong pahalagahan ang sarili nila at mahalin ang sarili nila na huwag sana nilang pagdaanan ang pinagdaanan ko.”



MENTAL ILLNESS? Kasabay ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ni Claudine ay may nagsasabing nasisiraan na raw siya ng ulo.

Ano ang reaksiyon niya dito? Nasasaktan ba siya?

Naiiling na sagot ni Claudine, “Well, hindi ko na masyadong iniinda yun.

“Ako, naka-focus lang ngayon sa mga anak ko, sa mga activities nila sa school.

“Officer ako sa Ateneo. I’m very much active sa mga schools ng anak ko.

“Wala akong panahon para pag-ukulan ng panahon ang mga taong nasisiraan ng ulo rin o kung anuman.”

Ayon pa kay Claudine, marami siyang mga kaibigan ngayon na tumutulong para maibsan ang pinagdadaanan niyang problema.

“I have lots of friends, ang dami ko ring tinanggal sa buhay ko na hindi kailangan. Marami ring dumating na ibinigay ng Diyos.

“Tawag sa Christian kasi, pruning, e. May mga tinatanggal na sanga dahil papalitan yun ng Diyos ng mas mabuti.

“Akala ko noon, yung pag-amin ko na I was seeing a psychiatrist would help other people na kung meron kayong pinagdadaanan o namatayan kayo or whatever, meron kayong mapupuntahan para puwede kang humingi ng tulong, puwede kang magpa-counsel, ganyan.

“Hindi ko naman alam na gagamitin yun ng mga taong galit sa akin or may masamang binabalak o pakay sa akin na baliktarin ako. Huwag naman gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang pinaka pinupunto ko rito, kung may mental illness nga ako, again, why are my children with me? Yun lang yun.

“They have high grades. You’ll see it in Instagram. My daughter Sabina, she’s a straight-A student. Si Santino, ganun din.

“Hindi ko masasabing ako lahat yun. Matatalino talaga yung mga anak ko, masisipag sila. Pero natutukan ko po sila. Yun lang naman po yun.

“So, kung sinasabi nila na mapaggawa ako ng kuwento at nasisiraan ako ng isip, e, guni-guni na lang ng ibang tao yun.

“Pabayaan na lang natin na sila ang magpa-checkup at pumasok sa Medical City.

“Kung anuman ang ititira nila sa akin, sasagutin ko yun sa tamang panahon,” nangingiti pa niyang sabi.



LIFE LESSONS. Ano ang mga natutunan ni Claudine sa kanyang pinagdadaanan ngayon?

“Huwag masyadong protektahan yung mga taong hindi dapat pinuprotektahan.

“For the longest time, wala akong ibang ginawa kundi ang protektahan ang pamilya ko, ang ibang tao, ang mga kaibigan ko.

“Masyado akong nagbigay nang hindi naman ako nag-e-expect ng kapalit.

“Pero hindi naman dapat siguro umabot sa point na manakawan ka. Pati dignidad mo, pati self-esteem mo, pati self-worth mo.

“And now, I’m standing up. Babangon na ako, lalaban na ako.”

Pagkatapos ba ng kaso nila ni Raymart ay titira pa rin siya sa marital home nila sa Marikina? O nagpaplano na siyang lumipat?

Sagot ni Claudine, “Yeah, nagha-house hunting na. Nagtsi-check kami ng mga bahay-bahay.

“I’m thinking of transferring uli sa dati kong condo, isa sa mga dati kong condo na na-acquire ko nung dalaga pa ako.”

Ibig sabihin, marami siyang hindi magagandang memories sa bahay na yun?

“Hindi naman, meron namang magaganda, pero siguro mas maraming pangit!” sabay-tawa ng aktres.

Isusunod na ba rito ang pag-aayos ng annulment ng kasal nila ni Raymart?

“Siya naman ang gumastos, mauna na siya. Magtitipid naman ako,” sagot ni Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



RUMORED AFFAIRS. Sinubukan ding tanungin ng press kay Claudine ang kumalat na usap-usapan na nagkaroon daw siya ng ugnayan kay Senator Jinggoy Estrada at sa negosyanteng si Atong Ang.

Nakangiting hamon ni Claudine: “Tanungin ninyo sila. Tanungin ninyo sila. Bakit hindi sa side nila itanong ninyo?”

Ano naman ang masasabi niya sa usap-usapan na may “sugar mommy” diumano si Raymart?

“No comment,” nakangiting iwas ni Claudine.



SEPARATION OF ASSETS. Yung restaurant business ba ni Raymart na Red Garlic ay kasama rin siya rito? Business partners ba sila dito?

Medyo natagalan sa pagsagot si Claudine at saka sinabing, “A… meron."

Inulit ang tanong kung may partnership ba sila ni Raymart dito.

“Lahat ng sa kanya, sa kanya. Pati yung sa akin, sa kanya pa rin,” makahulugang sabi ni Claudine.

Napag-usapan na ba nila ang tungkol sa litigation aspect o yung separation of assets nila?

“Ayaw niyang mag-sign,” mabilis na sagot ni Claudine.

Dagdag niya, “Wala kaming pre-nup. Pati yung insurance ko, ayaw niyang i-sign.”

Dadaan ba sila sa panibagong court battle kaugnay naman ng separation of properties?

Ayon kay Claudine, “Well, let’s just see kung anong… let’s just see kung ano ang mangyayari.

“I hope naman na kahit paano may kabutihan pang natitira sa taong minahal ko, sa taong nakilala ko, si Raymart na nakilala ko.

“Na ibigay na lang niya sa mga anak niya… tutal wala naman siyang naibigay.”



FINANCIAL SUPPORT. Tuluy-tuloy pa rin ba ang financial support ni Raymart sa kanilang mga anak?

Sabi ni Claudine, “Last year, siya ang nagbayad ng isang bata sa school. And this year, he beat me to it na nagbayad ng tuition.

“When we were still together, akala ko buo niyang babayaran. Di pala buo niyang babayaran. So, nabayaran naman niya.

“At least, yung trust fund na binuksan ko for Santino at Sabina… yung kay Sabina tapos na, e. Yung kay Santino, nabayaran niya [Raymart] once.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siya na ang nagbayad ng kabuuan?

Nakangiting sabi ni Claudine, “Wala siyang trust fund para sa mga anak ko."

Siya ba ay mayroong trust fund para sa mga bata?

“Basta yung para sa mga anak ko, huwag na nilang pakialaman, ng buong pamilya niya. Yun lang yun.”



SANTIAGO FAMILY. Hindi ba siya close sa family ni Raymart?

“Nakita ko kung paano nila siraan si Sherilyn [Reyes] kay Paoie,” banggit na naman ni Claudine sa Kapuso actress, na dating asawa ng kapatid ni Raymart na si Jun-Jun Santiago.

Totoo ba na hindi niya inimbitahan ang pamilya ni Raymart sa birthday party ni Sabina?

Giit ng dramatic actress, “Ipinakita ko sa text, di ba, na in-invite ko si Ate Ria, si Ate Marilou at Kuya Randy, si Kuya Rowell, tinext ko si Raymart, si Mama Lin, yung mother-in-law ko, para sa birthday ni Sabina.

“Ipinakita ko sa inyo sa text and I will show it all ‘yan later.”

Tinotoo ni Claudine ang kanyang sinabi at inilapag niya ang kanyang cell phone sa lamesa at ipinakita ang sent message niya sa mga nabanggit na invitation sa birthday ng anak niya.

Nag-reply ba ang mga tinext niya?

“No… or even greeted Sabina or Santino sa birthday. Wala.

“Ni magpadala ng bulaklak o ano, card, wala. And that’s not Raymart.

“Yun ang sinabi ko sa kanya nung mag-usap kami—hindi siya gano’n.

“Valentine’s, usually meron siyang flowers para sa mga anak niya.

“Hindi ko alam kung anong pumasok sa kanya o kung ano bang nangyayari.

“But ang pagkaalam ko, mabuti siyang ama. Kung ano ang nangyayari sa kanya ngayon, hindi ko alam.

“Doon ako pinaka nasaktan. Kaya nga sinabi ko, ‘Don’t mess with my kids.’”

Patuloy pa ni Claudine sa pinagdaanan nila ni Raymart, “2010?... Matagal na. Matagal na.

“We’re not allowed to really talk about it now. Pero soon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gaya nga ng sinabi ko, hindi ko siya sisiraan. Hayaan mo silang magsalita para makita yung tunay na pagkatao nila.

“Kalalaking tao, di ba, dada nang dada? Pangit naman, para tayong hindi pamilya.”



HOW LONG IT WILL TAKE. Walang maibigay na konkretong sagot si Atty. Topacio kung hanggang kailan tatagal ang kaso sa pagitan nina Claudine at Raymart.

Saad ng abugado ng aktres, “They’ve escalated it. So, we have to do what we have to do.

“Kasi isang kaso lang ‘yan, e. So, tinarantado nila yung proseso, nag-file sila ng habeas corpus. So we have to defend ourselves by taking other legal actions.

“We will not roll over and play dead for them.

“They should not underestimate my determination and resolve to protect the best interest of my client.”

Ano sa palagay ni Atty. Topacio ang rason ng pagpa-file ni Raymart ng habeas corpus?

Tugon niya, “Hindi ko alam. That is a very regretful move on their part because it just escalates the whole thing.

“Now, we have to take action against them for filing habeas corpus, samantalang meron naman nang existing case that deals with the custody of the kids. Meron na, e.

“Dapat doon na lang sila. Bakit kailangan i-habeas corpus and alleged detained yung children?

“How can a mother detain her own children, especially children of that age, di ba?

“They go to school, they’re in private [school], they have high grades.”

Singit naman ni Claudine, “That’s lying, di ba?”

Patuloy ni Atty. Topacio, “So, we have to take action against them. So, in-escalate nila. Do not blame us.

“We’re trying to isolate the kids the best way we could. Pero sila na nag-drag ng kids.

“That is a very deplorable legal strategy.”



FATHER FIGURE? May nakapansin naman na nang magharap sina Claudine at Raymart, masama raw ang tingin ng aktor kay Atty. Topacio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ng abugado dito?

“Well, that’s natural. He probably thinks that I’m the cause of his miseries.

“Hindi niya naa-analyze na siya ang may kasalanan kung bakit nandito siya sa sitwasyon na ganito.

“Hindi kasalanan ng abugado, kasalanan niya yun.”

Hindi naman daw nao-offend si Atty. Topacio kay Raymart dahil sanay na siya sa ganitong sitwasyon.

Dugtong na paliwanag naman ni Claudine, “I think kasi dahil si Santino at si Sabina, talagang really look up to… naghahanap ng father-figure.

“And even like yung friend ko, si Ton, sina Dodo… yung mga asa-asawa ng mga kaibigan ko, sila yung tumatayong second dad nina Santino at Sabina.

“Ngayon, si Atty. Topacio… laging sumasama kasi sa akin sina Santino at Sabina after nilang mag-tutor at pag walang pasok.

“And pag nagmi-meeting, isinasama ko sila sa lawyer’s office para alam nila kung ano ang nangyayari. So that I can spend time with them also.


“And gusto nilang mag-lawyer, gusto nilang mag-Law.

“So, kunwari may cubicle sila doon sa office ni Atty. Topacio, so kunwari naglu-lawyer-lawyer sila doon. So nae-enjoy nila… I think yun ‘yon.

“Ang tataas ng grades!”masayang bulalas pa ng aktres.

Pagbibida pa ni Claudine, magaling mangatuwiran si Santino at sa edad nito ay alam na raw ng anak niya ang mga karapatan niya.



PROTECTING HER CHILDREN. Muling nagseryoso si Claudine sa sumunod niyang sinabi.

Saad niya, “I was told so many times na to protect, kasi pamilya ko ang mga Santiago, pero do not push me.

“Ako na ang nananawagan sa kanila, do not push me to the wall.

“Whatever they have to say against me, gawa man o totoo, haharapin ko yun nang walang takot.

“Kayanin lang nila kung ano yung sasabihin ko.

“And matakot na sila dahil alam ko kung ano ang ginawa nila kay Paoie. Alam ko kung ano ang ginawa nila sa anak ni Sherilyn Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya hindi nakakapagtaka kung bakit ngayon si Paoie ay na kay Sherilyn.

“I saw everything”

Puwede ba siyang magbigay-linaw tungkol dito?

“Huwag muna. Pag tumira sila, ibibigay ko lahat at alam ng bata yun,” sabi ni Claudine.

Tumanggi rin si Claudine na magsalita tungkol sa sinasabi niyang video na makapagpapatunay sa kanyang pinagdadaanan.

Nasa korte na raw ito at ihahain bilang ebidensiya sa mga kaso niya laban kay Raymart.

Ayon naman kay Atty. Topacio, hindi lang isa kundi marami silang inihandang videos para i-substantiate ang kanilang mga alegasyon.



BARRETTO FAMILY. Wala bang balak si Claudine na ayusin naman ang problema ng kanyang sariling pamilya, kapag natapos na ang marital problem nila ni Raymart?

Tugon niya, “Alam mo, ang dami kong pinagdaanan at ang dami ko nang napagdaanan na mag-isa at my lowest point.

“Ang pinaka hindi ko kailangan ay akusahan pa ako ng kung anu-ano.

“Wala na akong oras para sa kung anumang sinasabi nila na ginagawa ko sa kanila.

“I really do not care what happened in their lives. I hope they stop caring about my life and leave me alone.

“Leave Raymart alone also.”

Dagdag niya, “When they did the habeas corpus, when they hit my... when they thought I would break… kasi weakest point ko yung mga anak ko, e.

“Hindi niya [Raymart] alam na magbu-boomerang yun—na yun ang strongest point ko to fight back.

“When they did that, they just gave me all the strength that I needed to fight back.”



“MANGINIG NA SIYA!” Nawala na ba ang pagmamahal niya kay Raymart?

Tugon ni Claudine, “How can you love somebody who says na mapaggawa ka ng istorya when all I said ayokong siraan ang asawa ko bilang respeto, in spite and despite of everything he has done to me and my children.

“Galit na galit na ako! Manginig na siya!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Atty. Ginger Castillo, isa pang legal counsel ni Claudine, “Yung mga bata, gaya ng sinabi ni Claudine, matalino yun.

“So, kung ano yung nakikita nila, nakikita nila.

“Hindi mo naman matuturuan ang bata na, ‘Ang tatay mo ganito, ang tatay mo ganyan.’

“Kung merong sinabi ang bata, kung meron reaksiyon ang bata, hindi mo matuturo yun.

“Kasi siyempre, mahal din naman ng bata ang magulang niya.”

Dugtong naman ni Claudine, “Ang pinakamalaking pagkakamali, lagi ko pa ring inaakyat sa pedestal ang tatay nila.

“So, at least, sa part na yun, I should stop doing that.

“And I already made the decision na ititigil ko na yun mula ngayon.

“Kasi hindi ko sinisiraan yung tatay nila sa kanila.

“Laging magaganda yung sinasabi ko sa kanila tungkol sa tatay nila. To the point na nagsisinungaling na nga ako.

“Oo, sinungaling ako para lang hindi magkaroon ng masamang alaala or image yung tatay nila.

“And I hope na ma-forgive ako ng kahit na sinong mga nanay who’s going through what I’m going through. Because it’s the welfare of my children.

“But I’m gonna stop. Because one day, my children will gonna see their father in the Internet and Tito Randy [Santiago] sa Internet speaking ill against me.

“And they want sole custody?

“Ano pa kung ibibigay ko ang mga anak ko sa kanila? Ano pang paninira ang sasabihin nila? Gaya ng sinasabi nila tungkol kay Sherilyn noon?

“I’m not gonna allow that. Try me.”

Alam ba ni Sherilyn na mababanggit siya sa mga pahayag ni Claudine?

“Hindi. Hindi niya alam,” sabi ni Claudine.

Close ba sila ni Sherilyn?

“Wala… dati sa Home Along Da Riles,” banggit ng aktres sa sitcom noon ng ABS-CBN na pinagbidahan ng yumaong Comedy King na si Dolphy.

“Pero alam ko rin kung anong abuso ang pinagdaanan niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ebidensiya raw si Claudine sa mga pahayag niya tungkol kay Sherilyn at sa mga Santiago.

Paano kung i-deny ito ni Sherilyn?

"This is her only time na ma-vindicate, bakit niya idi-deny?" sagot ni Claudine.

Ayon kay Claudine, kaya niya ang laban na ito at ginagawa lang niya ito dahil alam niyang nasa tama siya.

SHERILYN’S REACTION. Kinuha ng PEP managing editor na si Karen Pagsolingan ang panig ni Sherilyn, sa pamamagitan ng telepono ngayong gabi, August 23, tungkol sa pagkakabanggit ni Claudine ng kanyang pangalan.

Ngunit ayon sa aktres, ayaw na niyang magsalita pa ng kahit na ano tungkol dito.

Paliwanag niya, "Kasi parang hahaba pa, gugulo pa ulit. Huwag na lang.

"Kasi, wala, we’re very at peace. Ayoko na lang ng gulo.

"So, okay na siguro yun, no comment na lang."

RAYMART’S CAMP. Ayon naman sa kampo ni Raymart, ayaw na nilang patulan ang kung anumang pahayag ni Claudine.

Sumusunod lamang daw sila sa gag order ng korte, kaya hindi raw nila maintindihan kung bakit nagsasalita pa ngayon si Claudine.

Ayon pa sa kampo ni Raymart, sa korte na lamang sila magsasalita.



SHOWBIZ COMEBACK. Tungkol naman sa pagbabalik-showbiz ni Claudine, sinabi nitong mayroon siyang dapat gagawing pelikula para sa ng Viva Films na sana ay nasimulan na nong July. Pero dahil nga sa mga problema at mga isyung kinakaharap, nakiusap muna siya sa manager niyang si Vic del Rosario na ipagpaliban muna niya ito.

Pero ngayong September ay nakatakda na raw umpisahan ang project dahil naiinip na raw ang Viva.

Ayaw munang magbigay ng detalye ni Claudine sa project dahil baka masabihan siyang nag-a-announce kaagad nang wala pang finality tungkol dito.

Tinitiyak lang ng aktres na hindi matatapos ang taon na ito at magtatrabaho na siya para sa paghahanda niya sa kinabukasan ng kanyang dalawang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN