Raymart Santiago ready to face charges of Claudine Barretto

Ang tanging interes lamang daw ni Raymart Santiago sa lahat ng legal battles nila ni Claudine Barretto ay ang kapakanan ng mga anak nilang sina Sabina at Santino.


Handa raw harapin ni Raymart Santiago ang anumang kaso na isasampa laban sa kanya ng asawang si Claudine Barretto.

Mayroon din daw mga hawak na ebidensiya ang kampo ng aktor upang patunayan na ang mga akusasyong ito ay pawang kasinungalingan.

Ito ang pahayag ng abugado ni Raymart na si Atty. Ruth Castelo ilang oras matapos lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang two-part interview ni Claudine kung saan nagsalita siya tungkol sa aktor at sa pamilya nito.

(Read: Part 1. Claudine Barretto lashes back at Raymart Santiago’s family)

(Read: Claudine Barretto on estranged husband Raymart Santiago: "Galit na galit na ako! Manginig na siya!")

Dagdag pa ng legal counsel ni Raymart, ang tanging interes lamang ng aktor sa lahat ng legal battles na ito ay ang kapakanan ng mga anak nila ni Claudine na sina Sabina at Santino.

Umaasa rin ang kampo ni Raymart na maresolba ng korte ang isyung ito sa lalong madaling panahon para na rin sa mga bata.

Matagal na raw inanunsiyo ni Claudine na magsasampa siya ng "VACW case" laban kay Raymart ngunit hindi pa rin niya ito ginagawa.

Ngunit handa raw si Raymart na harapin ang kasong ito anumang oras, at sa korte na raw nakasalalay kung may merito ba ang paratang ni Claudine.

Narito ang kabuuang pahayag ni Atty. Castelo na ipinadala niya sa PEP contributor na si Gorgy Rula, sa pamamagitan ng text, ngayong gabi, August 23:

"Raymart is ready to face whatever charges will be hurled against him and we have all the evidence to prove that they are mere fabrication of lies. His only interest in all these legal battles is the welfare of Sabina and Santino and we hope that the courts can resolve this issue the soonest for the sake of the children.

"Claudine has long announced that she’s filing a VAWC case against Raymart but has not filed the same. Raymart is ready to face the charges anytime. Then it will be up to the court to determine the validity of her claims."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN