Senator Bong Revilla supports PNoy’s decision to abolish pork barrel

"It’s a very good decision on the part of the President. Kaysa marami pang madamay na nagagamit ’yang pork barrel sa kung saan man," pahayag ni Senator Bong Revilla tungkol sa desisyon ni Pangulong Noynoy Aquino na alisin na ang pork barrel fund.


Suportado ni Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. ang desisyon ni Pangulong Noynoy Aquino na buwagin na ang pork barrel fund.

Ayon sa pahayag ni Senator Revilla na ipinadala sa 24 Oras ng GMA-7 ngayong araw, August 23, “I welcome the move of the President to abolish the Pork Barrel system just as I supported an earlier similar move in the Senate.

“This issue has unnecessarily tarnished the legislature so much that the safeguards now proposed by the President is a very welcome development.”

Tungkol naman sa pagkuha niya ng handwriting experts, hindi raw nila sinabi na pineke ang mga pirma ng senador sa mga dokumento na may kaugnayan sa diumano’y kaduda-dudang Non-Governmental Organizations (NGOs).

Ang gusto raw nilang masuri ay ang sinasabing "confirmation letter" dahil wala silang alam na may ganitong pinirmahan si Senator Revilla.

(Read: Senator Bong Revilla denies transfer of his pork barrel fund to any NGO)

Sa panayam naman ng GMA News sa actor-politician, nang matiyempuhan nila ito habang pasakay sa kanyang sasakyan, sinabi nitong, "It’s a very good decision on the part of the President. Kaysa marami pang madamay na nagagamit ’yang pork barrel sa kung saan man."

Isa si Senator Revilla sa mga mambabatas na diumano’y sangkot sa pork barrel scam, ayon sa report ng Commission on Audit.

LANI MERCADO. Sa nauna namang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa misis ni Senator Revilla na si Bacoor Representative Lani Mercado, sinabi nitong papayag din siyang alisin ang pork barrel fund, "Basta huwag lang manghihingi sa amin ang mga tao."

Paliwanag ng actress-politician, “E, anong ibibigay namin? Hindi naman puwede yung sa pinaghihirapan namin dahil sa personal naman namin yun, sa mga anak, sa mga pang-araw-araw na panggastos namin."

Ngunit dagdag ng kongresista, “Basta importante lang, may transparency.

“Basta ako, meron akong ulat sa bayan. Isinusulat ko dun yung mga ipinapagawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, hindi ko na ina-accounting kung magkano ang ibinigay ko sa patay. Nilalagay ko lang, financial assistance, then yung amount.

“Kapag tsinek naman ang record sa City Hall, alam naman, nandoon naman. Hindi naman ‘yan nalalagay sa maling pamamaraan.

“Kailangan lang talaga may transparency.”

Sabi pa ni Lani, “Ano lang, kung merong kailangang imbestigahan, imbestigahan nilang lahat.

“Huwag silang mamili dahil kasama sa partido at hindi yung merong tina-target dahil may inaabangan sa 2016.”

(Read: Actress-politician Lani Mercado on proposal to scrap pork barrel: “Basta huwag lang manghihingi sa amin ang mga tao!”)

Lumikha ng ingay ang mga pahayag na ito ni Lani at naging viral pa sa iba’t ibang social networking sites.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN