Janno Gibbs shrugs off bashers; says, “Kailangan, handa kang tumanggap.”

Janno Gibbs on his non-confrontational stance on social media: “Well, ako naman kasi, nakita mo ba ang sagot ko? Ako kasi, hindi naman ako nang-aaway. Feeling ko, kapag pumasok ka sa mga Instagram, Twitter, kailangan, handa kang tumanggap. Kasama na yun talaga. Nasasaktan ako. Pero, katulad ng explanation ko, okay lang naman na sabihan ako ng ganoon. Kahit ako naman, feeling ko, mataba ako. Pero, ako kasi, personally, kapag may gusto akong ipintas o sabihin sa isang tao, usual


Ang Alice Bungisngis ang huling teleserye na ginawa ni Janno Gibbs noong nakaraang taon.

Kaya marami ang natuwa nang makitang kasama siya sa bagong afternoon series ng GMA-7 na Pyra: Ang Babaeng Apoy bilang si Sir Aidan at magsisimulang mapanood sa Lunes, August 26.

Sa press conference ng Pyra noong Huwebes ng gabi, August 22, sa 17th Floor ng GMA Building, naikuwento ni Janno na “bading” daw ang karakter niya.

“Tinanong ko kung kailangan bang bading, tinanong ko kung bakit bading. Kasi, parang ako yung, sa latter part, kukupkupin ko siya.

“Teacher niya ako rito... ni Pyra, so, kung hindi bading, baka may malisya, di ba? Parang ganoon,” panimula niyang bungad.

Hindi naman daw ito ang unang pagkakataon na gaganap na isang bading si Janno.

Pero sabi rin niya, “Hindi ko first time, pero, matagal na rin yung huli. Siguro, yung huli, sa Balakubak [segment of Nuts Entertainment] pa, so, matagal na.”

Seryosong bading ba siya o patawa?

“E, ako naman, nilalagay sa soap para patawa rin naman. Siguro, kailangan, respectable pa rin kasi, teacher at saka, kailangan, kapani-paniwala pa rin na mag-aalaga kay Pyra,” paliwanag niya.

HAPPY WITH SUNDAY ALL STARS. Sa isang banda, masaya naman daw si Janno sa Sunday All Stars at sa mga feedback na natatanggap nila.

Ayon kay Janno, “Kaka-text lang—kasi, since nag-umpisa ang Sunday All Stars, hindi pa namin natatalo ang ASAP.

“Puro halos dikit lang. Dikit, pareho, dikit. Pero, sa NUTAM [National Urban Television Audience Measurement ratings] ba yun, panalo yata kami ngayong Sunday.

“At saka, gusto raw ni Mr. Gozon [Felipe L. Gozon, GMA Network Chairman and CEO] yung napapanood sa amin.”

Pero, ang tanong, siya ba gusto niya ang nangyari o ginagawa sa SAS?

“Oo, oo naman,” saad niya.

“Kasi, kumakanta pa rin naman kami, opening at saka sa gitna. Yung kalerky [nakakaloka], ako ang naghu-host no’n. At saka, hindi na ’ko nali-late,” natatawang sabi pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, “Actually, enjoy kami. Enjoy kaming pumasok every Sunday kasi, pati ako, nasu-surprise. At saka, honest ako.

“Sinasabi ko kapag hindi masyadong maganda o may mga mali sila.”

MISSING OGIE AT WORK. Wala na talaga si Ogie Alcasid sa GMA-7 na sa mahabang panahon ay kasama niya sa trabaho.

Sabi naman ni Janno, “Oo, pero, mami-miss ko lang siya as ka-trabaho, pero, personal, nagkikita pa naman kami.”

Pero, siya, loyal naman ba siyang Kapuso?

“Loyal pa,” natatawang sabi niya.

“At saka, alaga naman ako ng GMA, ever since. Spoiled nga ako rito”

BASHERS. Naitanong din namin kay Janno ang tungkol naman sa mga bashers niya sa kanyang Instagram account na @jannolategibbs kunsaan may mga followers siya na lantarang pinapansin o may iba pa nga na tila panlalait na ang ginagawa sa pagdagdag ng timbang niya.

Pero, ang kapatid niyang si Melissa Gibbs ay ipinagtanggol siya, gayundin ang mga anak niya na sina Alyssa at Gabby.

Anong masasabi niya sa pangyayaring yun?

“Well, ako naman kasi, nakita mo ba ang sagot ko? Ako kasi, hindi naman ako nang-aaway.

“Feeling ko, kapag pumasok ka sa mga Instagram, Twitter, kailangan, handa kang tumanggap. Kasama na yun talaga.”

Hindi siya nasasaktan o naapektuhan kapag naba-bash?

“Nasasaktan ako,” pag-amin niya.

“Pero, katulad ng explanation ko, okay lang naman na sabihan ako ng ganoon. Kahit ako naman, feeling ko, mataba ako.

“Pero, ako kasi, personally, kapag may gusto akong ipintas o sabihin sa isang tao, usually, isinasantabi ko.

“Hindi ko isisigaw sa maraming tao, di ba? ’Uy, ang pangit mo ngayon.’ Ibulong mo na lang, di ba? ’Medyo, hindi ka yata maganda ngayon.’

“Ganoon ako, personally,” sabi niya.

Yung mga anak niya at kapatid ang sumasagot sa mga bashers niya.

Sabi naman ni Janno, “Natatawa nga ako at natutuwa. Dine-defend ka nila. Yung dalawang anak ko, dine-defend ako, nakakatuwa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WEIGHT GAIN. Ang pagtaba nga niya ang napapansin ng madalas sa kanya ngayon lalo na sa telebisyon.

May ginagawa nga ba siya para makapagbawas ng timbang o pumayat?

“Ngayon, hindi pa full time,” saad niya.

“Alam mo, ano ’yan, e, kailangan buo ang ano mo—hindi, e, hindi pa buo. Darating din yun, darating din.”

PREFERS MORE INTIMATE CONCERT VENUES. Kung tutuusin, isa sa mahusay na singer ng bansa si Janno.

Kailan lang ay napanood siyang nag-guest sa I Write The Songs 25th anniversary concert ni Ogie sa MOA Arena. Marami ang natawa sa mga hirit niya ron.

Hindi ba niya nami-miss ang magkaroon din ng concert muli tulad ng kay Ogie?

“Nami-miss, pero, ako kasi, ever since, feeling ko, parang hindi ako pang-malaking venue.

“Mas enjoy ako nang intimate. Of course, nagkaroon na ako ng Folk Arts, Araneta, naka-ilang beses na rin ako.

“Siyempre, okay rin ang malaking venue, pero, mas enjoy ako sa maliliit,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN