Kuh Ledesma on My Husband’s Lover’s ending in October: “Ay naku, hindi. Hindi ko tatanggapin. Sana ma-extend. Malakas naman kami kay Lord, e.”

Kuh Ledesma on My Husband’s Lover’s social relevance: “Para sa akin itong istorya ng MHL (My Husband’s Lover) is true-to-life. Ibig sabihin, nangyayari ito. At saka nabibigyan ng awareness lalo na ang mga kababaihan na huwag silang nagmamadaling mag-asawa. Dapat kilalanin nilang mabuti yung kanilang pakakasalan. Hindi yung nagmamadali. Just because na nabuntis ka?... like for example, dapa


Aminadong hindi halos makapaniwala ang tinaguriang local diva ng music industry na si Kuh Ledesma sa tagumpay ng beki-serye ng GMA-7 na My Husband’s Lover kung saan kabilang siya sa cast.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kuh kamakailan lang, nagpahayag siya ng kasiyahan sa outstanding ratings ng kanilang drama soap.

Aniya, “Siyempre, ecstatic ako. I’m so grateful to the Lord doon sa ibinigay niya sa aking teleserye. Inilagay niya ako sa isang teleserye na napakalakas.

“Lahat naman nanggaling sa Diyos, di ba? So, it’s a good debut full-length teleserye for me kasi dito ko naipapakita na kaya kong umarte.

“Dahil matagal rin naman... may napag-aralan din naman akong kaunti sa Amerika about acting. So, na-apply ko yun dito.

“Ang dami ngang taong nagsasabing, ang natural. ’Ganyan ba talaga si Kuh, mataas palagi ang kilay?’

“Sabi ko, well, gano’n talaga yung reaksyon ng tao. Pero at least, napapanood nila yung serye namin at mayroon silang reaction.”

THEME SONG. Malaki rin ang naitulong ng theme song ng My Husband’s Lover sa pagiging sikat nito. Ang umawit ng theme nito ay si Kuh na hango sa isa sa mga hit songs niyang “One More Try.”

Magtutuluy-tuloy na ba ang pagkanta mo ng mga theme song sa teleserye?

“Sana,” mabilis niyang tugon.

“I would love to be part of ano... kasama rin yan sa serye namin, di ba?”

Pero may mga impression ang mga taga-industriya na wala sa priority ng mga “diva” ang kumanta ng mga theme song dahil sa kanilang image. Ano ang masasabi ni Kuh dito?

Depensa niya, “Hindi. No, no! I’ve never heard of that. I would love to be of great support to the teleseryes of GMA-7.”

NEXT TV PROJECT. Magdidiretso ka ba sa pag-arte sa mga drama soaps o teleserye sa telebisyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, siguro konting break lang every after. I’d like to be able to do a teleserye again. Basta maganda yung istorya, yun ang importante,” diin niya.

Kinumpirma ni Kuh sa PEP na ang susunod niyang serye ay sa GMA-7 uli.

EYE-OPENER. Tinanong ng PEP si Kuh kung wala bang conflict sa religious belief niya ang tema ng seryeng kinabibilangan niya? Ang My Husband’s Lover ay umiikot sa pagmamahalan ng dalawang bading.

Sagot naman ni Kuh, “Para sa akin kasi kung ano ang gusto ng Diyos, yun ang sinusunod ko sa buhay ko ngayon.

“Kasi dati I was also disobedient to God. Ang dami kong ginagawa hindi ko alam. Alam ko love pero iba pala yun, hindi pala love.

“Para sa akin itong istorya ng MHL (My Husband’s Lover) is true-to-life. Ibig sabihin, nangyayari ito. At saka nabibigyan ng awareness lalo na ang mga kababaihan na huwag silang nagmamadaling mag-asawa.

“Dapat kilalanin nilang mabuti yung kanilang pakakasalan. Hindi yung nagmamadali.

“Just because na nabuntis ka?... like for example, dapat ang mga magulang hindi pinipilit ang anak nila na porke’t nabuntis magpakasal kayo agad. Dapat hindi gano’n.

“Because, dun nagkaka-problema. So, bago mangyari yung mga ganyang problema dapat talaga iniintindi natin kung ano ang pangangailangan ng anak natin.

“Minsan yung ’busyness.’ Yung mga magulang napapabayaan natin ang mga anak kaya nagkaka-problema sila sa buhay.

“Pero para sa akin, ang marriage is very, very important para talagang lifetime ang mangyari.

“So, dapat hindi natin minamadali ito.

“Yung mga relationships nang parehong lalaki, for example, tapos magkakaroon ng gay relationship, nangyayari sa totoong buhay.

“Ako na lang, may apat akong friends na alam ko nagka-experience sila ng ganyan and not all women know about that.

“So, mabuti yun. Kaya para sa akin MHL is very important na naipalabas kasi namulat ang mata ng mga tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EXTENSION? Nakatakdang magtapos ang pag-ere ng MHL sa Oktubre.

Pabirong nagsalita si Kuh na hindi siya handa sa pagtatapos ng kanilang serye.

Ani pa niya, “Ay naku, hindi. Hindi ko tatanggapin. Sana ma-extend. Malakas naman kami kay Lord, e.”

Ang mga kontrabida at character roles ba puwede pa rin sa mga susunod mong acting project?

Nag-isip muna sandali si Kuh at nangingiting sumagot ng, “Ahm, not always. Ayoko ng always kontrabida.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN