Rachelle Ann Go on the possibility of rekindling relationship with Christian Bautista: “Huwag na muna nating pangunahan ang mga bagay-bagay.”

Rachelle Ann Go on Christian Bautista: “Alam n’yo, okey kasi kami ngayon. Magkaibigan kami. Walang malisya kapag nag-uusap kami. Kasi nagsimula kami bilang magkaibigan. Kumbaga, strong yung foundation na… magkaibigan kami. Barkada kami. So… wala. Huwag na muna nating pangunahan ang mga bagay-bagay. Hayaan na lang muna natin na... yun nga, magkaibigan kami. At okey kami as friends.”


Sa unang pagkakataon, dalawang grupo ang nanalo ng best performance sa Sunday All Stars (SAS) kanina, Linggo, August 25. Ito ay ang Instagang headed by Winwyn Marquez at ang Tropang Trending kung saan leader naman si Rachelle Ann Go.

“Middle East yung theme na napunta sa amin. And we decided na mag-concentrate kami sa Egypt. So, mga Egyptian kami na may mga Cleopatra... ganyan,” masiglang pahayag ni Rachelle Ann nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Sunday noontime musical/variety show ng GMA-7.

“Siyempre po naka-focus ako. Nakakahiya naman sa grupo kapag nagkalat ako!” sabay tawa niya sa naobserbahang todo bigay niyang pagpi-perform ng Egyptian dance.

“Kasi lahat sobrang passionate sa ginagagawa nila. So kailangan gano’n din ako.

“At saka kapag may isina-suggest sila, hindi naman ako nau-offend. Kami lang po talaga kasi, nagtutulungan kami sa pag-iisip ng konsepto.

“And kapag meron kaming ayaw, halimbawa may nai-suggest ako na ayaw nila, okey lang sa akin.

“At saka… bonggang rehearsals lang talaga yung ginagawa namin. Para ma-perfect po.”

REWARDS OF BEING TEAM LEADER. Bilang team leader, hindi raw niya maiwasang huwag ma-stress. Paano ba niya ito hina-handle?

“Well, bawal mag-absent!” tawa ulit niya.

“Uhm… para na lang sa grupo at sa mga taong napapasaya namin ito. At… pinaghihirapan namin.

“Buong week actually ang nakakain ng pag-iisip ng music, ng costumes… lahat.”

And what makes being a team leader rewarding?

Aniya, “Rewarding… siguro yung naggu-grow kami as an artist. Iyon ang gusto ko. Kasi we learn new things everyday.

“’Yon… ang dami-daming natututunan. Hindi lang sa music kundi pagdating sa production. Lahat-lahat.

“This is my third week bilang team leader ng grupo namin. Pangalawang panalo na namin ito since last week.

“Pero kami naman, hindi naman namin goal na… kailangang panalo tayo. Kasi ayaw naming ma-feel yung pressure.

“Ang sa amin lang… gusto naming mag-enjoy. Para makita ng tao na... alam mo ’yon… masaya lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REKINDLING ROMANCE WITH CHRISTIAN? Dahil magkasama sila ngayon sa SAS ng ex-boyfriend niyang si Christian Bautista, marami ang nakaantabay kung ano ang kahihinatnan ngayon na linggu-linggo silang nagkikita sa show. Lalo na’t gaya niya, single rin ang balladeer-actor sa ngayon.

“Okey naman. I’m happy na nakakasama ko siya every Sunday.

“Abangan n’yo baka magkakaroon kami ng show. Actually we’ll be doing a show nga sa Dubai for GMA Pinoy TV,” saad niya.

May mga fans pa rin na nagwi-wish na baka posible pa ring magkabalikan sila ni Christian. Puwede nga kayang magkaroon ng Book Two ang love story nila?

“Book Two talaga? Hindi ko alam!” napabungisngis na reaksiyon ni Rachelle Ann.

“Wala akong masabi.

“Nangunguna pa talaga ang mga tao sa aming dalawa, ano?” tuluyang natawa ulit na sabi pa niya.

“Hindi… tingnan natin. Alam n’yo, okey kasi kami ngayon.

“Magkaibigan kami. Walang malisya kapag nag-uusap kami.”

Ibig niyang sabihin… yung special feeling that she had before kay Christian is gone at hindi na talaga manunumbalik pa?

“Ahh… kasi nagsimula kami bilang magkaibigan. Kumbaga, strong yung foundation na… magkaibigan kami. Barkada kami.

“So… wala. Huwag na muna nating pangunahan ang mga bagay-bagay. Hayaan na lang muna natin na... yun nga, magkaibigan kami. At okey kami as friends.”

Naalala tuloy naming ang linya ng isang awitin na… “I remember the boy but I don’t remember the feeling anymore…” Ganito ba ang saloobin niya ngayon?

Tumawa na lang si Rachel. Wala na siyang anumang nasabi pa.

Hindi kaya ang sitwasyon nila ngayon ni Christian ay nagpapakiramdaman lang sila?

“Tanungin n’yo kaya si Christian!” birong sabi na lang ni Rachelle Ann.

Lately ay mailap si Christian sa mga interviews. At kung may mga nakakausap man na taga-media, umiiwas ito na matanong tungkol sa kanyang personal na buhay lalo na kung tungkol sa kanyang lovelife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natuto na po siguro!” pabirong reaksiyon ni Rachelle Ann.

“Kasi masyado nang nabulgar yung aming… past, e! Ha-ha-ha!”

Siya ba, the next time na ma-in love ulit, gugustuhin niyang sa isang non-showbiz guy na?

“Well… mas maganda. Para mas tahimik.

“Oo siguro. Mas makakatulong ’yon.

“Kapag showbiz kasi, medyo… magulo rin, e. Oo,” pag-amin ni Rachelle Ann.

NO SPECIAL SOMEONE. Hindi ba nakaka-miss din yung may lovelife? Na meron someone special na nakakapalitan niya ng sweet messages through text? Someone na na nakapagbibigay ng karagdagang inspirasyon o kilig sa pang-araw-araw niyang buhay?

“Uhm… hindi naman. Kasi siguro marami rin po akong iniisip ngayon na trabaho.

“At saka masaya naman po ako with my family. At saka sa mga kaibigan ko. Nakakalabas naman ako,” paliwanag niya.

Wala pa bang mga guys na nagpaparamdam sa kanya sa mga pagkakataong lumalabas siya with friends?

“Wala pa namang nagsasabi!” tawa na naman niya.

“Wala namang naglalatag pa. So… let’s see na lang kapag meron na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN