Dingdong Dantes supports call to scrap pork barrel

Hindi man personal na nakadalo si Dingdong Dantes sa Million People March ngayong araw, August 26, ipinahayag niya ang kanyang pagsuporta sa kahilingan ng mga mamamayan na ibasura na nang tuluyan ang pork barrel.


Isa ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes sa sumusuporta sa mungkahi na tanggalin na ang Priority Development Assistance Fund (PDAF)—o mas kilala sa tawag na "pork barrel."

Kagabi, August 25, ay nanood si Dingdong, kasama ang kasintahang si Marian Rivera, ng docu-musical na Pamana sa PETA Theater. Ang Pamana ay isang docu-musical tribute kina Ninoy at Cory Aquino, ang mga yumao nang magulang ni President Noynoy Aquino at ng TV host-actress na si Kris Aquino.

Sa kanyang Instagram account na @dongdantes ay nag-post si Dingdong ng ganitong mensahe: “Lights on. It’s been a long time since I last applauded vigorously to a play. Thank you @rapalops for the great seats to this docu-musical tribute to Ninoy and Cory Aquino… our icons of democracy.

“As we exercise this freedom for tomorrow’s cause, let us all remember what they fought for. Let our voice be heard in the most peaceful, yet penetrating manner."

Sa dulo ng kanyang mensahe ay ay nilagyan ito ni Dingdong ng hashtag na "#NOtopork."

Ngayong araw, August 26, ay nag-post naman si Dingdong sa kanyang Instagram ng larawan ng isang baboy.

May caption ito na: “You see, even he made his ultimate sacrifice and put on his white birthday suit. I think taxpayers like me demand for answers where the money intended for our country really went, just as I believe, we have all the right to ask for accountability from our leaders as responsible citizens exercising the freedom of democracy.

“That is why today, I join in spirit for the scrapping of the pork barrel, and is against its mutation to any similar form or intent.

“Let our voices be heard in the most peaceful, yet penetrating manner:

“Ang kay Juan, kay Juan. Nasaan ang inaasahang kaban ng Bayan?” Scrap the pork!”

Hindi personal na nakadalo sa isinasagawang Million People March sa Luneta Park si Dingdong dahil kasalukuyan siyang nagsu-shooting ng pelikula nila ni Bea Alonzo para sa Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit nagpadala siya ng opisyal na pahayag sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng text message, kaugnay ng kanyang posisyon sa isyu ng pork barrel.

Narito ang pahayag ni Dingdong:

"I Support the Call to Scrap the Pork.

"The shocking revelations involving the misuse and grave abuse of government funds that our lawmakers control under the Priority Development Assistance Fund is completely detestable.

"Their acts betray public trust, as the Php10 billion siphoned by the perpetrators to their personal accounts could have easily been spent for the construction of at least 16,000 classrooms, effectively addressing around one-fifth of our school infrastructure deficit. Surely, the Php10 billion could have also been allocated to so many other pressing needs of poor Filipinos.

"As responsible citizens in a democracy, I believe that many taxpayers like me have the right to demand for answers from our leaders. All public officials should always be accountable to the people.

"Taxes, supposedly, are meant to fund the development of the Philippines.

"However, the PDAF and its predecessor, the Countrywide Development Fund, have not served their purposes faithfully, and fully. Instead of spending too much time and energy on rolling out the pork barrel, I believe lawmakers, as their job description suggest, should focus on crafting good laws and setting policy directions.

"Today, I therefore join the Filipino people in calling for the scrapping of the pork barrel and oppose its revival and mutation to any other form. Let our voices then be heard in the most peaceful yet penetrating and moving manner: ’Ang kay Juan, kay Juan. Nasaan ang inaasahang kaban ng bayan?’

"As our martyr, former Senator Ninoy Aquino said, “stand up now, and be a leader."

"Scrap the Pork!"

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na isa si Dingdong sa aktibong tagasuporta ni President Noynoy Aquino, mula pa lamang noong tumakbo itong Pangulo noong 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang paniniwala ng aktor na magiging isang “tapat” na public servant si PNoy, tulad ng kanyang yumaong ama na si Ninoy Aquino, ang isa sa naging dahilan ng pagsuporta nito sa Pangulo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN