Jim Paredes expects "government to act swiftly" after Monday protest vs pork barrel

Hindi na naitago ni Jim Paredes ang inis niya sa mga kritikong wala raw kahihinatnan ang panawagang protesta laban sa pork barrel. "I’m just sick and tired of complainers. Magmartsa kayo, sumigaw kayo, kesa sa angal kayo nang angal, pero wala kayong ginagawa."


Positibo ang APO Hiking Society member na si Jim Paredes sa sinimulang adhikain ng taong-bayan sa pagmartsa sa Quirino Grandstand Lunes ng umaga, August 26, para sa Million People March.

Ang martsa ay panawagan para sa pag-abolish sa pork barrel o Priority Development Assistance Fund (PDAF) na sinasabing pinagmumulan ng kurapsiyon sa gobyerno.

"This is the first of many talks that we will have. This is part of the reform movement that’s been going on," simula ni Paredes nang matanong kung ano ang palagay niya sa ginawang pagmartsa ng mga mamamayan kanina.

Kinilala rin ng singer ang malaking kontribusyon ng social media para maganap ang pagmartsa.

Kahit sa Twitter ay nag-trending ang "scrap the pork barrel" drive.

Bukod kay Paredes, ang ilan pang celebrities na namataan sa event kanina ay sina Bianca Gonzalez, Robbie Domingo, Edu Manzano, Isabelle Daza, Georgina Wilson, Ronnie Lazaro, Al Tantay, at Willie Revillame.

Pero dagdag ni Paredes, hindi raw kailangan na tumigil sa social media ang partisipasyon ng mga taong nais ng pagbabago.

"Sometimes we should vote with our feet and we really show up.

"So, this is important for people to really show up," pagtukoy niya sa pakikibahagi ng mga taong dumalo sa kampanya.

ON SKEPTICS AND CRITICS. Bakas naman ang inis ni Paredes nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga kritikong nagsasabing walang kahihinatnan ang isinusulong na pagbabago ng iba.

"Nothing really happens if you don’t do anything.

"I’m just sick and tired of complainers, ’no.

"Magmartsa kayo, sumigaw kayo, kesa sa angal kayo nang angal, pero wala kayong ginagawa.

"Yun ang ano ’ko, naiinis na rin ako sa kanila, actually," ngitngit ng veteran TV personality.

Diin pa ni Paredes, hindi siya isa sa mga nag-organisa ng kampanya at isa lang siyang volunteer na lumahok na nais din ng pagbabago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang inaasahan niyang kasunod ng ginawang malawakang panawagan na i-abolish ang pork barrel?

"I expect the government to act swiftly," matatas niyang pahayag.

"I expect the government to listen to the people. I expect the government to abolish pork [barrel]."

OBLIGATION AS A CITIZEN. Very outspoken si Paredes pagdating sa mga issue at aniya, artista man siya o hindi ay nais niyang gampanan ang kanyang obligasyon bilang isang mamamayan.

"I feel a sense of duty whether I’m famous or not, whether anybody listens to me or not.

"I believe I’m a foot soldier in the reform movement.

"If people think I influence them, thank you... then good. If not, I’m still gonna be here," pagtatapos ng singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN