Janno Gibbs still happy with existing contract with GMA-7

Pagkatapos ng matagal na panahon ay balik-gay role na naman ang singer-comedian na si Janno Gibbs sa pamamagitan ng bagong Kapuso afternoon soap na Pyra. Pahayag niya, "Sabi ko nga, paminsan-minsan lang naman, di ba? Para nahahasa rin yung acting skills ko."


Muli na namang gaganap si Janno Gibbs ng gay role sa bagong afternoon soap ng GMA-7 na Pyra: Ang Babaeng Apoy.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa singer-comedian sa backstage ng Sunday All Stars sa GMA Studios noong Linggo, August 25, sinabi niyang matagal-tagal na mula nang gumawa siya ng gay role.

“Mga ‘Balakubak’ days [segment sa Nuts Entertainment] pa ‘yan.

“Saka yung mga pasundut-sundot na acting sa mga movies na nagba-bading ako. Pero swabeng bading character lang.”

Okay lang ba sa kanyang gumanap na bading sa TV?

Ayon kay Janno, “Okey sa akin. Sabi ko nga, paminsan-minsan lang naman, di ba? Para nahahasa rin yung acting skills ko.”



KAPUSO CONTRACT. Nilinaw ni Janno na ang pagkakasama niya sa Pyra ay hindi pagbabawas ng GMA-7 sa naipangakong trabaho sa kanya mula sa existing contract niya.

“Hindi naman, kasi per project naman ako, e. Hindi naman ako guaranteed na laging may show.

“Okey lang sa akin yung ganito. Relax konti tapos gawa ng isang soap tapos pahinga konti.”

Puwede ba siyang gumawa ng show sa ibang istasyon?

“Ay, hindi, hindi,” mabilis niyang sagot.

Bakit hindi siya nagpa-guaranteed contract?

Ang guaranteed contract ay isang agreement na gagarantiya sa napag-usapang dami ng projects ng isang contract artist sa network at sa dapat nitong matanggap na professional fee.

Sagot ni Janno, “Mahirap din, e, mahirap din yung guaranteed.

“Kasi mapipilitan kang gawin kahit yung mga hindi mo gustong gawi, di ba? Kasi kailangan nilang sulitin yung ibinabayad nila sa iyo.

“So, happy na ako sa contract ko. Nakakapamili ako ng mga gusto kong gawin.”

Ibig bang sabihin nito ay may mga in-offer sa kanyang teleserye o projects ang GMA-7 na hindi nag-materialize dahil ayaw niyang gawin, o namimili talaga siya para magkaroon ng mas maraming oras para sa kanyang sarili?

Sagot ni Janno, “Both ways din. Alam mo rin naman ako, mapili din ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, hindi rin. Eto pa lang yung ibinigay nila uli.

“Pero nasa akin pa rin yung last say kung tatanggapin ko o hindi.

“Type ko rin naman at na-challenge ako, ‘Uy, bading.’ Matagal ko nang hindi nagagawa.

“May puso naman kasi na siya ang kukupkop sa bida after a while. Tutulungan ko yung bida si Thea [Tolentino], ititira ko sa akin.”



OGIE & MICHAEL V. Hindi niya ba naisip na sana ay makatawid din siya ng iba network paminsan-minsan, gaya ng mga kabigan niyang sina Ogie Alcasid at Michael V.?

Si Ogie ay pumirma na ng kontrata sa TV5 at si Michael naman ay may gagawing game show sa Kapatid network kahit may umeere pa itong shows sa GMA-7.

Pahayag ni Janno, “A, oo, puwede rin.

“Maganda sana kung makakagawa ako sa ibang network kahit paisa-isang project—sa TV5 o sa ABS-CBN.

“Pero so far, exclusive pa naman yung contract ko [sa GMA-7] at happy naman ako.”

Muli naming inalam ang saloobin ni Janno sa paglipat ng kaibigang si Ogie sa TV5. Matagal nagkasama ang dalawa sa mga programa ng GMA-7.

Sabi ni Janno, “Career move talaga siya and from what I know, kailangan talaga siya doon [TV5]. Happy ako for him.”

Ano naman ang masasabi niya na may uumpisahang game show sa TV5 si Bitoy?

“Hindi pa naman ako naghahanap, e. Happy pa naman ako. Gusto ko relax-relax lang.”

May nabanggit ba ang management sa kanya na yung mga hosting project na dapat sana kay Ogie ay sa kanya na ibibigay?

“Puwede-puwede… subukan natin.

“Gini-guest nila ako sa Bubble Gang, siguro tina-try nila.

“Pero sabi ko, magku-concentrate muna ako sa soap ko.

“Kasi sa soap, puyatan, e. After, tingnan natin. Baka pumasok ako ng Bubble Gang.”

Yung mga game show?

“Ay, yun talaga ang nami-miss ko, mga game show. Yun talaga ang… more than soap, yun ang mas type ko talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang huling game show ni Janno ay ang Power of 10.



END OF CONTRACT. Sa pagkakaaalam ni Janno, hanggang ngayong taon na lang ang maturity ng contract niya sa Kapuso network at magtatapos na rin ito.

Ano ang plano niya kapag nag-expire na ang kanyang kontrata?

Tugon ni Janno, “Wala pa akong plano. Siguro pag malapit na.

“Mahirap kasing mag-set ng plans baka mabago pa, e.

“Mas maganda pag nandiyan na at pakinggan kung ano yung offer ng istasyon.

“Sa ngayon kasi medyo abala ako sa album at sa Sunday All Stars, saka yung series ko.

“Madali lang naman pag nandiyan na, e. Mas makakapag-isip ka pag nandito na.”

Pero kinukunsidera ba niyang subukan naman ang ibang network kapag nag-expire na ang contract niya?

Sagot ni Janno, “Puwede… puwede kong pag-isipan. Kasi maganda ring makagawa sa TV5 o sa ABS-CBN.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN