Robi Domingo on pork barrel issue: "Kailangan tigilan na ang kababuyan kasi tayo ang mga kawawa!"

Sa kanyang mumunting paraan daw ay nais ni Robi Domingo na marinig ang kanyang tinig kaugnay ng pinag-uusapang pork barrel issue. saad niya, “Maraming kababayan natin ang hindi natutulungan kasi hindi nailalagay sa tama ang pondo. So, I think it’s time for us to wake up and be heard.”


Ipinagmamalaki ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo na sumama siya sa Million People March na ginanap sa Quirino Grandstand sa Luneta Park kahapon, August 26.

Ang Million People March ay bilang panawagan ng taxpayers na i-abolish na ang Priority Development Assistance Fund (PDAF), o mas kilala bilang pork barrel, para matigil na ang pangungurakot ng ilang pulitiko na nananamantala rito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Robi bago magsimula ang rally.

Sinabi niya na isa siyang proud Filipino, at kasama pa niya ang kanyang ama na si Dr. Roberto Domingo sa pagdalo sa nasabing rally.

“I’m here to support the implementation of the abolishment of pork barrel nga.

“Kailangan kasi na tigilan na ang kababuyan kasi tayo ang mga kawawa, e.

“Hindi lang dahil ako ay isang young man pero bilang human per se kasi, di ba, ang sama-sama pakinggan?

“Maraming kababayan natin ang hindi natutulungan kasi hindi nailalagay sa tama ang pondo.

“So, I think it’s time for us to wake up and be heard.”

THE VOICE OF THE PEOPLE. Sa tingin ba ni Robi ay mapapakinggan na ang boses ng mga mamamayan sa pagkakataong ito? Hindi naman kasi ito ang unang pagkakataon na nanawagan ang mga tao tungkol sa katiwalian sa gobyerno ngunit kadalasan ay walang nangyayari.

Sabi ni Robi, “Most of the times, yes. Merong rally almost every day. But this one will gonna be different.

“Kasi, all of us—mga Kapatid, Kapuso, at Kapamilya—ay naririto para iparamdam sa gobyerno na tama na ang katiwalian.

“Hirap na hirap na tayo. Tama na ang pagpapahirap sa atin.

“Ako, I can only speak for myself and for my family—and not for everyone.

“Kami, we’re saying ‘no’ kaya nandito kami.”

Kaya ba nasabi niya na malaki pa rin ang pag-asa na ang Pilipinas ay maging “great nation” ulit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “With this kind of passion and with this kind of movement towards greatness, I think okay. I can see the potential.

“Ang kailangan lang kasi ay yung sincerity sa governance, e.

“Lagi naman ‘yan ang bottom line at sa yung tao rin, kung sino ang ibinoboto na mga lider, di ba?

“I stil have high hopes for our country.”



SHOWBIZ PERSONALITIES. Ano naman ang reaksiyon ni Robi sa mga nagkukomento na kaya lang daw dumadalo ang ilang showbiz personalities sa ganitong okasyon ay para makita ng publiko o makisakay sa isyu?

Sabi ng The Voice of the Philippines co-host, “They are entitled to their own opinion.

“Ako, on my part, nandito ako dahil sa aking mga pananaw.

“And my opinion is, kaya ako nandito dahil, one, I’m very excited kung ano ang mga nangyayari dito.

“I also want that my voice be heard.”

Malaki ang influence ng showbiz personalities sa pagpaparating ng boses sa mga kinauukulan. Ano ba ang maaari niyang gawin?

Ayon kay Robi, “It’s really a big responsibility. Ang pagtitipun-tipon ng mga taga-showbiz dito ay malaking step na towards it, e.

“How hard it could be? Hindi ko rin alam, e.

“Kasi, yung para sa akin ay panahon na rin na we all take part, di ba?

“Alam naman namin ang scope ng puwede naming gawin, pero hindi lahat ay kaya namin.

“Like ako, on my part, this is all what I can do—to show my support and say my piece.

“I’m basically new pa rin sa industry, so limited pa rin ang kaya kong gawin as a showbiz person.

“Pero, me as a person, alam ko na there’s so much to explore to be able to contribute.”

Dagdag pa niya, “For me kasi, it’s more than politics kasi, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s more of being concern as an individual, as a responsible citizen, di ba?

“Pag hindi ka tutok sa moral mo, pag hindi ka in control sa sarili mo, mawawala ka.”

Kapansin-pansin na malaki ang partisipasyon ng mga kabataan sa nasabing rally. Ano ang masasabi niya tungkol dito?

Sagot ni Robi, “Panahon na para bumangon ang mga Pilipino… panahon na para ang mga kabataan ay malaki ang maging bahagi sa national issues.

“Although sa past years naman, the youth had been active participants.

“Nakakatuwa kasi mas aware na sila, mas nagpa-participate na sila and they are given the liberty to that.

“Kami naman kasi ang magmamana kung ano man ang maging resulta ng mga ganitong pakikibaka.

“Nakikita na namin ang aming future na ipinaglalaban sa generation ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN