Gardo Versoza prefers single politicians over married politicians

Paliwanag ni Gardo Versoza sa kanyang pananaw na mas magiging mabuting public servant ang mga walang pamilya kumpara sa mga pamilyadong tao: "Actually, may mga leverage yun kung single, kung naka-focus ka. Kasi, wala kang inaalala, e. Naka-focus ka kung anong direksiyon ang gusto mong tahakin. Like, kagaya sa pari, bawal siya magpamilya dahil naka-focus dun sa vocation. Once na sinabi mo, ’Kaya namang hatiin [ang panahon at priorities]…’ hindi rin. Mad


Malinaw sa mga ipinu-post ni Gardo Versoza sa kanyang Facebook account ang pakikiisa niya sa maraming Filipino na naghahangad ng reporma sa pamahalaan.

Bago pa man pumutok ang isyu tungkol sa multi-billion peso pork barrel scam na kinasasangkutan ng ilang mga senador at mambabatas—kabilang na ang actor-politicians na sina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada—naging vocal na ang character actor sa hindi niya pagsang-ayon sa maluhong pamumuhay ng mga pulitiko—taga-showbiz man o hindi—at sa pagpapayaman sa puwesto ng mga supposedly "public servants.”

Sa malawakang protesta na ginanap kahapon, Lunes, August 26, sa Luneta Park, isinisigaw dito ang abolisyon ng Priority Development Assistance Fund (PDAF), o pork barrel, na ibinabahagi sa mga nanunungkulan sa Senado at Kongreso at iba pang matataas na puwestong pampamahalaan para sa multi-sectoral na proyektong pang-kaunlaran.

Pero tulad sa ibang taga-showbiz na nagkataong may regular work schedule, hindi nakasama sa Million People March si Gardo.

Gayunman, nag-post pa rin siya ng mga komento bilang suporta sa protest march:

“MABUHAY!!!!!! ANG MGA MAKIKIISA NGAYONG UMAGA SA QUIRINO GRANDSTAND

“PATNUBAYAN NAWA TAYO NG PANGINOON AT ANG LAHAT NG MGA NAKIKIISA SA PAGPAPATALSIK SA MGA GANID NA LINGKOD BAYAN ,,, WALA SILANG KARAPATAN NA MAUPO SA KANILANG PWESTO !!!!!! TAMA NA ANG PANLOLOKO SA BAYAN !!!!!! IPARAMDAM NATIN SA BAWAT KALAHI ANG TUNAY NA PAGMAMALASAKIT SA KAPWA PILIPINO !!!!!!!!!!!"

Hindi man physically present, kaisa si Gardo in spirit ng mga totoong naghahangad ng reporma sa sistemang pampamahalaan, ugnay sa problema ng matinding corruption sa ating gobyerno.

Non-commital naman si Gardo kung mayroon mang dumalo sa Million People March na kuwestiyonable ang kredibilidad; o mga pulitiko o dating pulitikong taga-showbiz, kung mayroon mang interes na pansarili o pampulitika sa hinaharap; o mga kilalang personalidad na nagkataong may ibang interes, pangnegosyo o anuman, at hindi pangsambayanan.

Para sa aktor, nasa may katawan na yun kung ano ang motibo sa pagsama at pagsuporta sa naging malawakang protesta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malinaw naman sa sarili ko, e, kung ano ang mga paniniwala ko. At inilalaban ko yun, hindi lang para sa sarili ko," sabi ni Gardo.

Ano ang totoong stand ni Gardo hinggil sa pagpapatanggal ng PDAF?

Sagot niya, "Wala akong babanggiting personalidad. Para sa akin, hindi yun ang dapat alisin, e.

"Ang dapat nilang ibigay is, like, 40 percent or 60 percent ng total assets nila—personal man o na-acquire.

"Para sa akin, hindi naman kailangan ng extravagant lifestyle kung kinakailangan mong mag-serve sa public.

"Dapat mas madali kang maabot, mas makakabuti para sa masa."



IDEAL PUBLIC SERVANT. Isang araw bago ganapin ang Million People March ay nag-imbita si Gardo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa tahanan niya sa Pasig City para sa isang get-together over lunch, kasama ang ilang kaibigan at ang kanyang manager-partner na si Ivy Vicencio.

Gardo’s partner is now seven months pregnant sa una nilang baby—na papangalanang Deity Uziel—at nakatakdang isilang either on the last week of October o hanggang first week of November.

Rest day ito ni Gardo sa trabaho, although may taping na uli kinabukasan. If he had his way, gusto ring um-attend ni Gardo sa protest march.

"Much as I’ve wanted to go… I have to work para kay buntis [Ivy], di ba?" rason niya.

Binalikan muli ni Gardo ang topic tungkol sa mga pulitiko.

Aniya, "Bilang public servant, hindi mo kailangang lagyan ng wall na ang tingin ng tao sa ’yo, tulad sa Hollywood stars, na may ibang pedestal. Ganyan sila tinitingnan ng tao, e.

"O kahit hindi mo sinasadyang lagyan ng wall, ikaw yung kailangang mag-elevate dun sa sarili mo dahil tinitingala ka talaga nila.

"Pero kasi, kung magsisilbi ka—bilang politician o public servant—ang hangad mo, e, maglingkod sa bayan, sa masa.

"So hindi mo kailangan ng... parang dun magsisimula yung... masisira yung diskarte ng pagsisilbi mo, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



POLITICIANS AND PRIESTS. Ang isa pang naging laman ng Facebook post ni Gardo kamakailan, dapat daw ang mga pulitiko ay magkaroon ng "vows" bago manungkulan tulad sa isang pari.

Ang tinutukoy ni Gardo ay ang ipinatutupad ng simbahang Katoliko sa mga naglilingkod bilang pari—vows of chastity, poverty, and charity.

"Actually, dun, di ba, klarong-klaro?" nangingiting sambit ng aktor.

Posible daw namang sasabihin ng mga pulitiko, “E, di sana, pagpapari na lang ang naging bokasyon ko!”

Tugon dito ni Gardo, "Actually, malapit naman din talaga yun dun, e.

"Sa sarili kong opinion din, hindi ideal yung may family [na politician] na nagse-serve.

"Kasi, sa ayaw mo at sa gusto mo, nahahati yung atensiyon mo, e."

Paliwanag pa niya, "Actually, may mga leverage yun kung single, kung naka-focus ka.

"Kasi, wala kang inaalala, e. Naka-focus ka kung anong direksiyon ang gusto mong tahakin.

"Like, kagaya sa pari, bawal siya magpamilya dahil naka-focus dun sa vocation.

"Once na sinabi mo, ’Kaya namang hatiin [ang panahon at priorities]…’ hindi rin. Made-defocus ‘yan, e.

"It’s either masira yung pamilya mo or masira yung pagsisilbi mo."



STILL “NO” TO POLITICS. Nasabi na ni Gardo sa mga nakaraang interview na wala siyang planong pasukin ang pulitika.

At nilinaw pa niya ang mga kadahilanan: Mayroon siyang hindi gusto sa umiiral na sistema sa local politics and governance.

"Siguro, isa na rin yon. At saka kung gusto mong magsilbi... pag iniisip mong magsisilbi ka talaga, dapat manggagaling sa puso mo.

"Bukal [sa puso] dapat," sabi niya.

MUCH-AWAITED. For now, it’s still showbiz and his much-awaited fatherhood that greatly occupy Gardo’s thoughts and give him so much excitement.

"Oo, sobrang excited… nakakatuwa nga yung mga pictures [ni baby Deity Uziel] sa ultrasound."

Dahil kilalang showbiz personality si Gardo, napaulat noon na nagkaroon na siya ng mga anak sa ilang nakarelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero pakiusap ng aktor, "Wag na lang yun siguro... yung sa malapit na lang sa akin. Sa present.

"At saka kasi, mas maganda yung momentum na pag malapit na ganyan [ang pagsilang], tapos naka-focus ka sa kanya."

For Gardo, closed book na ang tungkol sa kanyang past relationships.

Aniya, "Basta yung sa kanila, it’s water under the bridge.

"Peropag sinabi mong ’hindi nagkaroon ng chance,’ parang meron kang sense of regret, di ba?

"Na, ‘Sayang, kung nagkaroon lang sana ng chance’? Baka ma-misinterpret pa, huwag na lang din."

DEITY UZIEL. Ang napipintong pagdating ng una nilang baby ni Ivy ay bagong karanasan para sa premyadong aktor.

Deity Uziel is a Hebrew name na ang ibig sabihin ay "strength of God.”

"First time na talagang... all the way, e!" bulalas ni Gardo. "Like, from the time na nabuo siya, hanggang ngayon."

Biro pa ng aktor, "Malapit nang lumabas si Baby Machete!"

Hands-on dad si Gardo sa isisilang na anak nila ni Ivy.

A few months back, inayos na niya ang nursery ng baby, bumili na sila ng mga gamit ng bata: infant’s bed, decors, strollers, car seats, baby carriers, feeding bottles, and lots of infant’s clothes and kid’s apparels.

Habang nasa tiyan pa ni Ivy si Deity Uziel, lagi nilang ipinaririnig dito ang nursery rhymes songs at pati classical music nina Mozart at Beethoven.

"Parang nag-e-enjoy siyang makinig ng classical music, galaw siya nang galaw sa loob ng tiyan pag tumutugtog!" tuwang-tuwa pang sabi ni Gardo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN