Rommel Padilla tells son Daniel to take a stand on national issues

"Nasa ating kamay din ang magiging hakbang sa pagbabago. Kung kumilos ulit tulad noon sa EDSA, malaking puwersa yun para tibagin ang pader na nagtatago sa katotohanan. Na kailangang magkaisa uli tayo tulad ngayon para papanagutin ang mga may sala at putulin na ang tanikalang nag-uugnay sa corrupt na mga administrador ng ating bayan," pahayag ni Rommel Padilla tungkol sa pakikiisa niya sa panawagan na ibasura na ang pork barrel.


"Narito ako ngayon para sumuporta sa paggising sa katotohanan ng ating mga kababayan."

Ito ang bungad na pahayag ng aktor na si Rommel Padilla nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na Million People March sa Luneta Park kahapon, August 26.

Ang Million People March ay isinagawa para manawagan sa gobyerno na tanggalin na ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.

Sabi pa ni Rommel, "It’s high time na iparamdam na natin na yung matagal na nating tinitiis, matagal na nating kinukunsinti na maling pamamaraan.

"Hetong pangunahing hakbang na ito, kailangan ay tuluy-tuloy.

"Tayong mga mamamayan, kung nakita natin na hindi pa rin sila kumikilos, tayo ulit, labas ulit.

"Oo, parang EDSA lang ’yan—EDSA 1, 2, 3, 4, di ba?

“Ngayon, heto na yun. Nasa Bagumbayan [Luneta] Park tayo, wala tayo sa EDSA."

RESPONSIBILITY. Bilang isang Pilipino, naniniwala raw si Rommel na mayroon tayong malaking responsibilidad sa pagbabago.

Aniya, "Tayo kasi, matagal din talaga tayong natulog. Ibig sabihin ay pumayag tayo at hinayaan na lang natin na abusuhin tayo.

"Heto na, lumabas na ang mga dapat lumabas. Siguro, heto na yun.

“Bakit lumabas ’yan? Yun, para tayo gumising.

"Nasa ating kamay din ang magiging hakbang sa pagbabago. Kung kumilos ulit tulad noon sa EDSA, malaking puwersa yun para tibagin ang pader na nagtatago sa katotohanan.

"Na kailangang magkaisa uli tayo tulad ngayon para papanagutin ang mga may sala at putulin na ang tanikalang nag-uugnay sa corrupt na mga administrador ng ating bayan."

Nagngingitngit din daw sa galit si Rommel sa panlolokong ginawa, ginagawa, at puwede pang gawin sa ating bansa at sa atin bilang mga mamamayan ng Pilipinas.

"Oo, sobra," mariing sabi niya.

“Tayo ang taxpayers, di ba? Tayo ang pinaiikot nila.

"Tayo naman, alam na natin na niloloko tayo and, yet, pinapabayaan natin sila. Nagbibingi-bingihan tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kaya ako nandito, kapapanganak pa lang ng asawa ng isang anak ko [RJ Padilla]—lolo na ako at ako may maliit pa ako.

"Ayaw ko na lumaki sila sa isang magulo at naghihirap na Pilipinas pa rin."

Kaya nga raw may panawagan siya sa ating mga kababayan lalo na sa mga kabataan.

"Wake up. Yes, wake up," pagdidiin ng 48-year-old actor.

"Ang Pilipino ay magigiting na tao.

"Kaya sabay-sabay tayong magtulung-tulong. Makialam. Maging bukas ang mga mata at isipan.

"At talagang manindigan at ipaglaban ang ating mga karapatan.

"Kahit nga sa mga kasama natin sa industriya ay imumungkahi natin ’yan na napakalaking impluwensiya sa mga kababayan.

"Na ang tamang pamamahala ay ating suportahan at gumawa ng paraan para matupad ang ating mga pangarap—isang maunlad na ’Pinas."



DANIEL PADILLA. Sa Million People March kahapon, hindi kasama ni Rommel ang sikat na anak na si Daniel Padilla.

Paliwanag ni Rommel, “Oo nga, e. Sana, sana ay sumaglit siya kung papayagan siya, dahil nagte-taping siya ngayon.

"Dapat nga kasi ang mga kabataan ang nangunguna rito.

“Alam niya na nandito ako. Pero yun nga, may ginagawa ang bata.

“Pero kung wala lang, alam kong sasama at sasama yun dito.

"Yun ang lagi kong sinasabi ko sa kanya na, ’Anak, kung tayo ay may lakad para sa pamahalaan, para suportahan ang tamang pamamahala ay kailangan sama-sama tayo.’

"Busy lang talaga, pero alam ko na gugustuhin din niya talaga na sumama dito."

Ninanais din daw ni Rommel na bilang isang ama ay maimulat niya kay Daniel ang pagmahahal sa bayan at sumali sa mga hakbangin ng mga kabataang Pinoy.

“Oo... oo, isa ’yan dapat sa kailangang matutunan niya nang husto.

"Yung advocacies kasi for the youth, sila yung may malakas ang puwersa na maipatupad ito kasi sila yung malalakas pa ang katawan, maiinit ang adhikain, pero dapat lang sa tamang pamamaraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit noong bata pa ’yang si DJ [palayaw ni Daniel], iminumulat ko na siya sa mga isyu na ganito kapag nagkakausap kami—alam niya ’yan.

"Basta sabi ko sa kanya na peaceful at tuwid ang pamamaraan, huwag siyang matakot na makibaka.

“Karapatan yun ng bawat kabataan at bawat Pilipino.

"Nakaka-proud ang maging isang youth leader basta nasa tamang landas, at sinabi ko na nga, sa tamang pamamaraan."

Walang duda raw na si Daniel ay isa ngang tunay na Padilla na sumusunod sa kanilang mga hakbang.

"A, oo. I guess it’s destiny, e," nangingiting sabi ni Rommel.

"Hindi ito plinano. Sa amin din, hindi namin siya hinubog para maging isang artista.

"Lahat ’yan ay tulak ng Panginoon.

"Kaya nga hinubog ko ang mga anak ko sa tamang pag-uugali dahil yun lang ang kaya naming ipamana sa kanila.

"Thanks be to God dahil ’yan ang naging kapalaran ni DJ."



ANSWERED PRAYERS. Maging sa usaping pampamilya ay naging maayos na raw sila, tulad ng pagbabati ng mga kapatid niyang sina Robin Padilla at BB Gandanghari.

Sabi ni Rommel, "Yun, answered prayer pa rin yun.

"Matagal kong ipinagdasal yun, kasi hindi naman kami lahat ay naunawaan namin ang damdamin ni BB.

“Pero ngayon, nakita mo naman, di ba?

"Ako, madali ko siyang natanggap kasi, para sa akin, hindi ko kayang pangunahan ang kanyang damdamin, ang kanyang diwa, di ba?

"Itinutulak talaga ’ata siya sa kung saan niya matatagpuan ang tunay niyang kaligayahan.

“Natagpuan na niya kaya masaya naman kaming lahat para sa kanya."

May pagkakataon bang natatawag pa rin niyang “Rustom” si BB?

"Naku, magagalit ’yan," natatawang sabi si Rommel.

“Madalas... oo, madalas. Ako, Tom… ‘Tom’ kasi ang nakagawian ko sa kanyang itawag noon—yun ang kinalakhang tawag namin sa kanya.

"Kapag napapa-’Tom’ ako, ang sabi niya, ’Ano… ano? Ano ang tawag mo sa akin?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkakatawanan na rin lang kami."

Masaya nga raw si Rommel na sa ngayon ay blooming na naman ang kanyang “sister” matapos magkaroon ng resolusyon ang problema nito sa kanilang kapatid na si Robin.

Aniya," Oo, nakikita niyo ngayon, ang ganda na naman niya.

"Kasi at peace, e. Hindi tulad noon na parang pasan niya ang mundo.


“Pero ngayon, maaliwalas na ang mukha at masaya na naman siya.

"Wala na rin kaming magawa kung saan man siya masaya, kasi kami nga, hindi naman niya pinapakialaman kung ano ang gusto namin sa buhay, di ba?

“Ganoon lang siguro at sa palagay ko, yun naman ang dapat, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN