PEP EXCLUSIVE: Entertainment editor Joey Sarmiento denies Neil Arce’s statements

Isa-isang sinagot ni Joey Sarmiento (kanan, kasama ang asawang si Sofia Halabi) ang mga paratang ng nobyo ni Bela Padilla na si Neil Arce (kaliwa), kabilang na ang pangba-blackmail at pang-e-extort diumano.


Mariing itinanggi ng entertainment editor na si Joey Sarmiento ang mga pahayag ni Neil Arce sa ipinadala nitong statement sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, August 27, sa pamamagitan ng kanyang abugado.

Kahapon ay naghain si Joey, na entertainment editor ng Bagong Toro, ng reklamong "Physical Injuries at Grave Threat" laban kay Neil dahil sa pananakit at pananakot diumano sa kanya ni Neil, boyfriend ng Kapuso actress na si Bela Padilla, sa shooting ng pelikulang 10,000 Hours noong Biyernes, August 23.

Si Neil ay isa sa mga producer ng pelikula, samantalang kasama sa cast si Bela.

(Read: Entertainment editor files charges against Bela Padilla’s boyfriend; Neil Arce denies accusations)

GATECRASHER? Sa eksklusibong panayam ng PEP kay Joey sa telepono kagabi ay isa-isa niyang sinagot ang mga paratang sa kanya ni Neil.

Una na rito ang pagpapakilala niya diumano sa kanyang sarili bilang kamag-anak ni Senator Ping Lacson para makapasok sa shooting ng pelikula ni Robin.

“Last Friday, August 23, an unidentified person entered our family compound where my production team was shooting a film by misrepresenting himself to be a relative of Sen. Ping Lacson in order to gain access. He even went to the extent of giving a false name."

Ayon kay Joey, “Natatawa ako sa sinasabi nilang nagpakilala ako bilang relative ni Senator Ping Lacson. Sa ano’ng dahilan?

“Pauwi na ako sa bahay at nang napadaan ako sa A. Bonifacio at nakita ko na may shooting ay dumaan na ako. Shooting pala yun ng 10,000 Hours.

“Mga kakilala ko naman yung iba sa production kasi mga tauhan ito dati ng Golden Lions Productions ni Carlo Caparas, dahil dati naman akong lumalabas sa movies niya noon and some of them nga ay mga kakilala ko.

“Tinatawag nila ako na, ‘O, si Joey!’ Pati si Antonio Aquitania na nasa shooting ay kilala ako bilang si Joey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano ang dahilan para mag-iba o gumamit ako ng pangalan? Napaka-imposible naman. Nag-picture-picture pa nga kami.

“Tapos, nag-i-intervew nga ako kay Robin [Padilla], na actually sabi pa nga niya, ‘Ba’t kailangan pang i-tape recorder? Huwag na.’

"Ibig sabihin, kilala niya ako at twenty years naman na akong nagsusulat, kaya imposibleng hindi ako kilala ni Robin.”



BLACKMAIL? Pinabulaanan din ni Joey ang sinabi ni Neil na tinangka niya umano itong i-blackmail sa pamamagitan ng paghingi ng pera at pananakot na magsusulat siya ng hindi maganda tungkol kay Bela.

“Once inside the compound, this person eventually approached me and attempted to coerce me into paying him money or else he would publish a story maligning my girlfriend and her reputation.

"Considering that I was being blackmailed and this person was no longer welcome in my compound, I told him to flat out leave. He threatened me and said, ‘Sigurado ka? Editor ako ng Remate.’

“I said yes since I never tolerated extortion attempts. This person refused to leave and had to be forcibly escorted out of the shooting area. This person was able to enter our compound under false and fraudulent pretenses."



Sagot dito ni Joey, “Kami ni Neil, hindi kami magkakilala. Kahit siya, hindi ko rin kilala.

"Ano ang dahilan para i-blackmail ko siya? Hindi kami magkaibigan at hindi rin kami magkaaway.

“Naroon ako para mag-interview kay Robin kahit, oo, aminado ako na wala akong appointment sa kanya.

“At saka, ba’t sasabihin ko na editor ako ng Remate, e, si Pete Ampoloquio ang editor niyan na sister company ng Bagong Toro?

“Natatawa ako sa mga kuwento nila.”

EXTORTION? Hindi rin matanggap ni Joey ang sinasabing gusto niyang mang-extort ng pera kay Neil.

“I said yes since I never tolerated extortion attempts. This person refused to leave and had to be forcibly escorted out of the shooting area. This person was able to enter our compound under false and fraudulent pretenses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Once he was asked to leave and he refused to do so, he was no longer welcome in our compound and we had the legal right to remove him from our property especially since he was extorting money from me."



Mariing pahayag ni Joey tungkol dito, “Ano ang dahilan para ako mang-extort?

"Ang lakas naman ng loob ko na pumasok sa bahay nila tapos nanghihingi ako ng pera. Sobra namang kuwento ‘yan.

“Tapos, sinasabi nila na trespassing daw ako? E, shooting yun, di ba? Naka-open ang gate. Labas-masok ang mga tao. So, trespassing ako?"

Dagdag pa ni Joey, “Tapos sasabihin pa niya na itinulak lang daw niya ako? May dalawa akong medico legal certificates na binugbog nila ako.

"Yung latay nga ng kamay niya ay nasa leeg ko pa dahil sinakal niya ako at hindi na ako halos makahinga.

“Pumayag lang naman silang pakawalan ako nang umoo ako sa kanila na hindi ako magsusumbong dahil halos thirty minutes na nakadiin sa leeg ko ang dalawang daliri ng Neil na ‘yan!

“Yung medico-legal certificate ko ay mula sa isang ENT doctor at yung isa ay para naman sa tumingin sa shoulders ko pababa.”



FLASHBACK. Pagkatapos nito ay binalikan ni Joey ang pangyayari sa kanila ni Bela tatlong taon na ang nakararaan, na siya umanong naging dahilan daw kung bakit siya sinaktan, tinakot, at inaakusahan ngayon ng kung anu-ano ni Neil.

Lahad niya, "2009 pa ata yun nang sumali si Bela, na dating si Krista Sullivan pa noon, sa contest ng Page Jeans Girl ata yun.

“Hindi siya nanalo at ako ang inaakusahan nila na nagbagsak sa points ni Bela kasi nalaman nila na contestant din yung girlfriend ko. Hello, sampung judges kaya kami noon!

"Tapos, inaway-away nila ako. Yun, isinulat ko yung pang-aaway nila sa akin.

"Hindi naman siguro masama na isulat ko kasi, sabi ko nga, hindi magandang impluwensiya ito sa kabataan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero matagal na yun, hindi ko alam na di pa sila naka-move on dun, at pati ang pinsan ni Robin [si Jun Hidalgo] ay tumulong sa pambubugbog sa akin.

“Pero hindi ko inaaakusahan sina Bela na sila ang nagpabugbog sa akin. Gusto ko lang iklaro ‘to kasi baka iba na naman ang lumabas.”

TEXT FROM MARIEL. Isiniwalat naman ni Joey na nag-text sa kanya si Mariel Rodriguez, ang misis ni Robin Padilla, pagkatapos ng insidente sa shooting.

Sabi niya, “Oo. Pero mga bandang past eight o’ clock na yun ng umaga.

"Stressed out na ako dahil galing pa ako sa Quezon City General Hospital para magpa-medico legal na.

“Traumatized at pagod na ako kaya wala na akong energy para sumagot pa sa kanya.

“Wala naman nang kumokontak sa akin ngayon mula sa kanila.”

Handa naman daw siyang makipag-ayos at magbigay ng kapatawaran.

Aniya, “Oo. Pero siguro hintayin muna natin ang mangyayari sa reklamo ko.

“Kasi para kasi sa akin, ganun na lang pala kadali ang mambugbog nang walang kadahilanan.

“Agrabyado ako at para na rin ito sa ibang press people na walang lakas ng loob na lumaban.

“Ang kapatawaran ay nandiyan lang.”

(Bukas ang PEP sa mga sagot ng kampo ni Neil Arce tungkol sa mga pahayag na ito ni Joey Sarmiento.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN