Richard Poon denies wife Maricar Reyes is pregnant

Nilinaw ng singer na si Richard Poon na hindi pa nagdadalang-tao ang kanyang asawa na si Maricar Reyes. Ayon kay Richard, sinusunod nila ang payo ng ilang mga kaibigan na maghintay muna sila ng isa at kalahating taon bago magkaanak.


Pinabulaanan ng singer na si Richard Poon na nagdadalang-tao na ang kanyang misis na si Maricar Reyes.

"Hindi totoo yun na buntis daw si M.R. Pero kung mabuntis siya, okay lang, ready naman kami," sabi ni Richard nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa ASAP noong Linggo, August 25.

Patuloy pa niya, "Ang plano namin is to have a baby maybe a year in half from now.

"Advice yun ng mga married women sa akin: ’Don’t let Maricar mawala ang atensiyon sa kanya, huwag agad sa bata. Give her at least a year in a half para ma-enjoy niya na siya yung center ng marriage mo. Siya yung inaalagaan, inaasikaso.’"

Kung sakali, ano ang gusto niyang maging unang baby nila ni Maricar—lalaki o babae?

Ayon kay Richard, “Ako both, lalaki at babae sana.

"Pag sinasabi ko nga, ’Hon, puwede bang twins?’ sasabihin niya, ’Huwag, ayoko niyan, di ko kaya!’

"Joke lang naman yun pero sana may isang boy, may isang girl. Kasi kami ganun, may isang lalaki at isang babae.”

NEW DISCOVERIES. Ikinasal sina Richard at Maricar noong June 9.

Aminado ang crooner na ngayon ay marami siyang natutuklasang bago sa asawa at masasabi niyang nasa adjustment period pa talaga sila.

Saad ni Richard, “Oo naman, alam mo si Misis, nasa bahay.

"At happy ako kasi, so far, the first months, two months, lagi siyang nasa bahay, nilulutuan ko siya.

"Kaya lang, pag may nagtatanong sa akin, ang sagot ko, hindi ko alam pag nagsabay na kami, which means pag lumabas ako, may kanta ako or siya naman may movie.

"Nagkataon ngayon may movie sila ni Bea [Alonzo] so nandun siya sa movie, may shooting na.

"Heto na ngayon yung pakiramdam na pag-uwi ko, wala siya kasi may shooting siya, inaabot siya hangggang madaling-araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Adjustment uli. Sabi naman nila sa akin, ang pag-aasawa, adjustment habang buhay so nag-a-adjust ako.

“I think hindi masyado... always may adjustment, pero siguro dahil matalik kaming magkaibigan.

"Pero hanggang ngayon, may nadi-discover pa rin akong bago sa kanya.

"Sa pagkain, ayaw niya ng itlog. Napakasimple, di ba?

"Ako, mahilig ako sa mga egg, ayaw niya. Ayaw niya ng okra, gustung-gusto ko ng okra.

"So yun pa lang, ang dami ko nang nalalaman sa kanya...

"Gusto niya ng cookies. Pag binigyan mo siya ng ice cream and cookies, cookies ang uunahin niya, akala ko ice cream."

Dagdag niya, "Magkaiba talaga kami. Ehersisyo namin iba; ako nasa treadmill, siya nasa bike. Mga ganun, small stuff.

"Ibang-iba pero adjustment lang.

“Trabaho ko yun, aralin ang asawa ko. Inaaral ko kung ano ang mga gusto niya, inaaral ko talaga.

"I think attracted ka namang tao sa di katulad mo, yung opposite mo talaga. Nandun yung atraksiyon talaga.

“Very open siya sa mga bagong style.

"Like ngayon, lagi akong nagso-sorry sa lahat ng mga tao kasi dati, pag natulog siya, maaga. Ngayon, late na rin siyang matulog.

"Pag tumitingin siya sa akin, hindi ako makatulog, anong oras na, madaling-araw na.

"Nagi-guilty ako, ako ang may kasalanan nun, e.

"Nagbanda ako, sanay ako sa gabi. Lahat ng mga singers, tugtugan namin laging gabi so, ’Sorry, hon, napupuyat kita.’”

Sa ngayon, ang gusto raw ni Richard ay maging matatag ang pundasyon ng kanilang pagsasama at lalo pa itong patibayin sa paglipas ng panahon.

“I hope so," smabit niya.

"Ako, I try my best lang na maglagay ng tamang pundasyon kasi alam mo naman ang pag-aasawa, pareho kayong different na tao, e.

"Minsan magkakatampuhan kayo, hindi magkaintindihan, pero you’re trying to work it out."

GOLD RECORD. Samantala, masaya si Richard dahil tumanggap ng Gold Record Award ang kanyang latest album na Legends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Bago kong album under Universal Records.

"Sobrang happy kasi first pop album ko siya after five jazz albums, nag-decide kaming mag-pop tapos nag-Gold na siya.

"Sobrang saya ko kasi first ko ’to sa UR, first pop kong album, tapos nag-Gold.

"Alam mo ngayon napakahirap magbenta ng album so proud ako, sobrang na-appreciate ko itong Gold Award, sobra.

“Well, ngayon sa Philippines, iba ang bumebenta—teleseryes are doing good, sila Daniel Padilla is doing good.

"May piracy naman ever since din so para makabenta ka ng Gold o Platinum man, napakahirap.

"Pababa nang pababa, pahirap siya nang pahirap so for me, for this album na naka-Gold siya, masayang-masaya ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN