Christopher Roxas avoids working with wife Gladys Reyes as much as possible

Hindi raw sana tatanggapin ni Christopher Roxas ang GMA-7 afternoon soap na Pyradahil kasama rin sa cast ang misis niyang si Gladys Reyes. Pero napapayag din ang aktor nang palitan ang kanyang role se serye. Pahayag ni Christopher, "Kilala ninyo ako, wala akong ka-pride-pride sa katawan. Ano lang talaga, hindi lang ako kumportable. Siyempre, ayoko namang sabihin na nabibigyan ako ng trabaho dahil sa kanya."


Sa tinagal-tagal na sa showbiz ni Christopher Roxas, ngayon pa lang siya nagkaroon ng regular show sa GMA-7.
Kasama si Christopher sa cast ng bagong afternoon soap ng GMA-7 na Pyra: Ang Babaeng Apoy.
For the longest time kasi ay sa ABS-CBN lumalabas si Christopher. Ang una niyang paglabas sa Kapuso network ay sa isang episode ng dating drama anthology na Pira-Pirasong Pangarap.
Kuwento ng aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa paggawa niya ng proyekto sa GMA-7, “Actually, may nakausap akong tao rito. Lumapit ako. Humingi ako, plus Viva siyempre.
"Sabi nga, try natin makapag-meeting. Binigyan ako nito na maganda agad.
"Nakakatuwa yung sinabi niya sa akin. Sabi niya, ano raw hitsura ko ngayon.
“Honestly, hindi naman ako nawalan. Itong taon na ito, sunud-sunod ang show ko.
"Yung last ko, Little Juan [ABS-CBN] at sa buong buhay ko, doon lang ako nag-taping ng 20 days, araw-araw. So, maganda.”
Bakit niya naisipang sa GMA-7 naman gumawa ngayon ng proyekto?
Sagot ni Christopher, “Naisipan ko lang, siguro yung puwesto ko, hindi na doon.
"Parang siguro, for the longest time, I never worked in GMA. So, sabi ko, testing lang, baka sakali mapansin tayo.
"Sa ABS, okay naman, kaya lang medyo may isang proyekto lang na medyo umano ang loob ko.
"Pero other than that, si Ninang Cory [Vidanes, ABS-CBN executive], wala akong masasabi sa kanya.”
Ano ang mga inaasahan ni Christopher ngayon nasa GMA-7 na siya?
Saad niya, “Inaano ko lang talaga, siguro sinusulit ko lang ang ibinigay nilang tiwala sa akin.
"Naniniwala naman ako sa kakayahan ko. Yun lang, hindi lang talaga ako bagay sa mga ganito."
Ang ibig tukuyin ng aktor ay ang pagdalo sa mga press conference dahil sa pagiging totoo niya raw palagi sa kung ano ang itanong sa kanya.
Patuloy niya, "Pero pagdating sa trabaho naman, alam ko naman na kahit paano, hindi naman ako papahuli sa kanila.
“So, ayun, gagawin ko na lang ang best. Kasi, it’s not gonna rain every day.
"Pero, expectation, wala ako. Kasi, when you expect something, kapag hindi natuloy, heartache lang ‘yan.
"So, gawin ko nang maayos ang trabaho, mapansin nila ako, salamat.
“Salamat pa rin sa trabahong ito, pero thankful ako na nandito ako ngayon.”
 
 
HUSBAND AND WIFE TANDEM. Pareho na ngayon sila ng misis niyang si Gladys Reyes na nasa bakuran ng Kapuso network. Magkasama pa nga ang mag-asawa sa Pyra.
Pero ayon kay Christopher, nang malaman niyang makakasama niya si Gladys sa Pyra ay tumanggi raw siya.
Bakit ayaw niyang makasama ang kanyang misis sa isang proyekto?
Paliwanag niya, “Kasi, hindi naman sa pride o ano, para sa akin, ayoko lang magtrabaho na siya na naman ang katrabaho ko.
"Kilala ninyo ako, wala akong ka-pride-pride sa katawan. Ano lang talaga, hindi lang ako kumportable.
"Siyempre, ayoko namang sabihin na nabibigyan ako ng trabaho dahil sa kanya.
“Hindi na talaga ako kasali dito dapat. Tapos, ibang role ang napunta sa akin. Naging maganda, naging maayos yung role.”
Si Roxanne Guinoo ang kapareha ni Christopher sa Pyra.
“Niloloko ko siya [Gladys], sabi ko, 'Tita ka na, o!' Samantalang ako, isipin mo, sa kabila, si Jodi [Sta Maria]. Tapos dito, si Roxanne.
"Sabi niya, bwiset daw ako, bwiset!” natatawa niyang sabi.
NINETEEN YEARS. Sa presscon ay inamin ni Chistopher na “binubungangaan” siya ng kanyang asawa dahil sa hilig niya sa sasakyan.
Nang makausap muli siya ng PEP ay pinabigyang-linaw namin ito. Baka kasi may mag-isip na hindi sila nagkakasundong mag-asawa sa kabila ng 19 taon na silang magkasama, kasama ang pagiging magkasintahan pa lang nila noon.
Ayon kay Christopher, “Ay, hindi, alam n'yo naman ako, basta masya lang kami.
"Hindi na importante kung ano ang sasabihin ng marami. Ang intindihin natin yung tayong dalawa.
"At the end of the day, tayong dalawa naman ang magkasama, hindi naman silang lahat.”
Pero may mga pagkakataon ba talagang “binubungangaan” siya ng asawa?
“Marami, maraming pagtatalo,” pag-amin ni Christopher.
“Selos, selos, maraming ganyan. Mga maling ano...
"Pero tulad ng dati, hindi namin tinatapos ang buong gabi na hindi kami okay.”
Ano naman ang mga nagugustuhan niya kay Gladys?
“Everything,” mabilis niyang sagot.
“Oo naman, hindi naman puro biyaya lang ang tatanggapin mo. Siyempre, kapag pinakasalan mo ang isang tao, siyempre pati ang pangit, kasama.”
Ano ba ang tungkol sa kotse na dahilan ng "pagbubunganga" sa kanya ni Gladys?
Sabi ni Christopher, “Nagbubuo kasi ako ng kotse. Kasi ngayon, may binubuo akong mga sasakyan, yung mga kotse ko.
"Yung mga gamit ko, ayaw niya, kasi mahal. E, yun na nga lang ang buhay ko—na mamanahin ng mga anak ko.
“Hindi natin kayang bumili ng mahal na sports car, ito na lang luma, ayusin natin, di ba?
"Pero, hindi ko naman inaagaw sa bibig ng pamilya namin, so okay lang.
"Mahirap kapag inaagaw ko na sa bibig ng pamilya namin para masunod lang ang kapritso.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN