Claudine Barretto on sister Gretchen’s accusations: "Ayoko siyang patulan."

Ayaw na raw patulan ni Claudine Barretto ang mga patutsada sa kanya ng kapatid na si Gretchen Barretto. Pahayag ng aktres, "Pabayaan na natin yung mga taong gusto manggulo kasi bored ’yan sa buhay. Ang mas maganda na lang, magdasal tayo. Mas maganda, mag-feeding program na lang, mag-charity work, kasi kakatapos lang ng bagyo, di ba? Magpasalamat na lang tayo na hindi binabagyo ang mga buhay nila. Kung wala rin namang maitutulong, huwag na


Magpo-focus na lang daw si Claudine Barretto sa kanyang "court battle" kaysa pagtuunan ng pansin ang mga sinasabi niyang nagpapagulo sa kanilang sigalot ng estranged husband nitong si Raymart Santiago.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News kahapon, August 27, muling nagkita ang mag-asawa sa Marikina Regional Trial Court, kaugnay pa rin sa Permanent Protection Order (PPO) na isinampa ng aktres laban sa aktor.

Umabot daw ng halos dalawang oras ang pagdinig.

Matapos ang hearing, hindi nagsalita ang parehong kampo tungkol sa naganap na pagdinig dahil sa gag order mula sa korte.

GRETCHEN BARRETTO. Pero sa usapin naman tungkol sa sinabi ng kapatid na si Gretchen Barretto na gusto niyang mapunta kay Raymart ang kustodiya ng mga anak nila, sabi ni Claudine, “No comment... ayoko siyang patulan.”

(Read: Gretchen Barretto on Claudine-Raymart custody case: “Let us pray that the kids will be with the one most fit to take care of them.”)

Nitong mga nakaraang araw, inakusahan din ni Gretchen ang nakababata nitong kapatid na si Claudine na isa ito diumano sa namba-bash sa kanya sa Instagram.

(Read: Gretchen Barretto involved in word war with "Claudine Barretto" on Instagram)

Tugon ni Claudine dito, “Hay naku, hindi. Hindi talaga. Alam mo, I don’t really care.”

Nagpaabot pa ng mensahe ang aktres sa mga diumano’y nakikisawsaw sa kanyang legal battle, habang binibigyan niya ng halaga ang mga sumusuporta sa kanya.

Pahayag ni Claudine, “Ang importante naman diyan, yung mga taong nagmamahal sa akin.

"Pabayaan na natin yung mga taong gusto manggulo kasi bored ’yan sa buhay.

“Ang mas maganda na lang, magdasal tayo.

"Mas maganda, mag-feeding program na lang, mag-charity work, kasi kakatapos lang ng bagyo, di ba?

"Magpasalamat na lang tayo na hindi binabagyo ang mga buhay nila.

"Kung wala rin namang maitutulong, huwag na lang sana makikialam.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN