Raymart Santiago defends brother Randy against Claudine Barretto’s accusation: "He’s just protecting me… pambu-bully ba yun?"

Bagamat tipid pa rin ang mga pahayag ni Raymart Santiago kaugnay ng dinidinig na kaso nila ng asawang si Claudine Barretto, ipinagtanggol ng aktor ang kapatid na si Randy Santiago sa paratang ni Claudine na pambu-bully diumano nito sa kanya.


Nagharap muli sa korte ang estranged couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto para sa pagdinig sa Permanent Protection Order (PPO) na isinampa ng aktres laban sa aktor.

Ginanap ang pagdinig sa Marikina City Regional Trial Court kahapon, August 27.

Pagkatapos ng hearing ay tinangka ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media na tanungin ang magkabilang kampo tungkol sa naganap na pagdinig.

Bagamat pinagbabawalan pa rin sila ng korte na magsalita tungkol sa kaso, may pailan-ilan silang sagot sa mga tanong ng press.



CLAUDINEBARRETTO. Tinanong si Claudine kung ano ang nararamdaman niya sa pag-usad ng kaso niya laban kay Raymart.

Sagot ng aktres, “Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko, e, pero eto na…eto na… lumalaban na… stronger na.”

Tumanggi naman nang magbigay ng pahayag si Claudine nang usisain tungkol sa mga pahayag ng kapatid niyang si Gretchen Barretto tungkol sa kanya sa Instagram.

“No comment... thank you,” iwas niya.

RAYMART SANTIAGO. Nang si Raymart naman ang makaharap ng media, nagbigay siya ng maikling pahayag tungkol sa sinabi ni Claudine na pambu-bully diumano sa kanya ng mga kapatid ni Raymart, partikular na ang panganay nilang si Randy Santiago.

(Read: Part 1. Claudine Barretto lashes back at Raymart Santiago’s family)

Sabi ni Raymart, “Dapat lang naman at normal na nagtutulungan ang magkakapatid, di ba? Yun lang ang sasabihin ko.”

Paano niya ipagtatanggol ang kanyang mga kapatid sa mga paratang ni Claudine?

Tugon ni Raymart, “I don’t know, wala naman kasing sinasabi si Randy na masama tungkol kay Claudine.

"He’s just protecting me… pambu-bully ba yun?

"Dun sa mga nabasa ko naman, wala naman akong nabasa na masama sa mga sinabi ng kapatid ko… siguro overreacting lang.”

Paano siya sinusuportahan ng kanyang mga kapatid sa kasong ito?

“Yun nga, minsan nagkikita-kita kami at nagkukuwentuhan kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin kung nakikita ba niya nitong mga nakalipas na araw ang mga anak nila ni Claudine, hindi sumagot si Raymart at tinakpan lang niya ng kamay ang kanyang bibig.

Ano ang nararamdaman niya ngayon, pagkatapos ng hearing?

“Malamig, e... eto nanlalamig ako!” natatawang biro niya.

Kadalasan ay nakangiti si Raymart kapag lumalabas ng korte. Senyales ba ito na maganda ang resulta ng kaso sa panig niya?

“No comment!” tawa na naman niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN