Claudine Barretto on Atty. Ferdinand Topacio: "He’s my best friend and protector..."

Isang follower ni Claudine Barretto sa Instagram ang naglakas-loob tanungin ang aktres tungkol sa kakaibang closeness nila ng kanyang legal counsel na si Atty. Ferdie Topacio. Sagot naman ng aktres, “best friend” at “protector” lang ang turing niya rito.


Usap-usapan ngayon ang diumano’y higit pa sa simpleng client-lawyer relationship na ugnayan sa pagitan nina Claudine Barretto at Atty. Ferdinand Topacio.

Si Atty. Topacio ang nagsisilbing legal counsel ng aktres sa mga kasong isinampa nito laban sa kanyang estranged husband na si Raymart Santiago.

Lalo pang umigting ang bulung-bulungan tungkol sa kanila dahil sa kapansin-pansing kakaibang closeness ngayon nina Atty. Topacio at Claudine, base sa palitan nila ng messages at photos sa Twitter at Instagram accounts ng aktres.

Una na rito ang sunud-sunod na tweets ni Claudine, 34, para kay Atty. Topacio, 47, na tila nagpapahiwatig ng pagiging malapit nila sa isa’t isa.

August 11 nang banggitin ng aktres ang tungkol sa bonding nila ni Atty. Topacio, kasama ng mga anak nila ni Raymart na sina Sabina at Santino.

Ani Claudine, “@FerdieTopacio Thank u Tito Ferdie for Dinner and spending time wid d kids thank u for Ice cream-Clau, Sab &Saint."

August 12 nang ipaabot naman ni Claudine ang good night messages nina Sabina at Santino para kay Atty. Topacio.

“@Ferdie Topacio good night Tito Ferdie I love my mommy From: Sab”

“@Ferdie Topacio-good night from santino have a nice day.”

Noong nakaraang linggo ay makailang beses ding nag-post si Claudine ng mga larawan nila ni Atty. Topacio sa kanyang Instagram account.

Partikular na nakatawag ng pansin ng ilang followers ni Claudine ang kuha niya at ng kanyang mga anak kasama si Atty. Topacio sa isang restaurant noong August 22.

“Atty. Ferdie, Sabina and d very hungry Santino meeting kahit bagyo,” saad ni Claudine sa caption ng nasabing Instagram post.

MEETING OR DATE? Isa sa mga fans ni Claudine ang naglakas-loob na magtanong sa aktres kung bakit tila “palaging nakabuntot” sa kanya ang kanyang lawyer.

Sabi ni @dimple_twins: “Ang ganda mo talaga clau at ang cute ng mga anak mo...magtatanong lang, bakit ba kahit saan ka pupunta clau nandiyan palagi ang attoreny mo? kahit family day palaging nakabuntot sayo? bodyguard mo ba cya at d same tym?sanawlang magalit sa tanong ko, nagtataka lang ako...thanks.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Atty ferdie topacio enjoys playing new daddy. mukhang may balak. Hihihi,” dagdag na comment pa ni @jeromeoco.

Ngunit agad kinontra ng iba pang followers ni Claudine ang komento tungkol sa madalas na pagkikita nila ng kanyang abugado.

Sabi ni @fairyprincess1201, “@dimple_twins basa basa din ng caption pag may time :) MEETING :) May hearing kc sila this week.”

Mayroon ding nagpasalamat pa kay Atty. Topacio sa ginagawa nitong pag-aalaga kay Claudine, pati na rin sa mga anak nito.

“Thank you Atty Ferdie for always being there for our optimum star. Please help her win the case. So that, the #xhusband will not hurt them all over again. You’re our "happiness" pretty clau... We love you,” sabi ni @iamlanibellisima.



JUST FRIENDS. Malamang ay nakarating kay Claudine ang iba’t ibang reaksiyon ng kanyang fans tungkol sa pagiging malapit niya kay Atty. Topacio. Dahil agad nilinaw ng aktres na mag-“best friend” lang ang turingan nila ng abugado.

Madalas din daw niyang nakakausap ang asawa ni Atty. Topacio, kaya imposibleng maging isyu ang pagiging close niya rito.

Ito ang mensahe ni Claudine sa kanyang Twitter followers noong August 25: “Tweethearts atty. ferdie to me now s my bestfrend and protector of my kids and i. his wife and i r always talking."

Noong araw ring iyon ay nabigyan ng kulay ng ilan ang palitan ng tweets nina Claudine at Atty. Topacio.

Sabi ni Claudine, “@FerdiTopacio Been trying to call u. Uwi ka na.”

Sagot naman ni Atty. Topacio, “Hi clau on my way home tom. Miss you, Sab and Santino, Meeting agad pagdating ko, ha? Blessed Sunday to all of you.”

Agad namang binigyang linaw ni Claudine ang tungkol sa pagiging magiliw niya kay Atty. Topacio.

Sabi niya sa kanyang tweet, “NasaVietnampo kasi c @FerdieTopacio at medyo na miss namin presence nya sa bday nung kaibigan namin wid Atty. Joey Lomangaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Medyo may problema lang kasi kahapon kaya pinauuwi na namin sya. cannot b reached cell niya sa twitter lang pala mahahanap @FerdieTopacio."

Ipinaabot din ni Claudine ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga masugid na tagahanga na walang sawang sumusuporta sa kanya.

"Yun lang po. gudnyt tweethearts and thank u for all ur encouraging tweets. salamat for fighting for me. wag po sana kayo mapagod," aniya.



“I AM A HAPPILY MARRIED MAN.” Upang mas malinawan ang isyu, kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang panig ni Atty. Topacio tungkol sa pagkaka-link niya kay Claudine.

Ayon sa abugado, hindi na dapat gawing big deal ang naturang balita.

“Huwag na nating patulan iyon. Malaking kabayagan lang iyong balitang yun,” ani Atty. Topacio sa isang text message na ipinadala nito sa PEP noong Lunes, August 26.

Sa latest phone interview ng PEP kay Atty. Topacio ngayong hapon, August 28, muli nitong iginiit na walang namamagitan sa kanila ni Claudine.

Normal lang naman daw sa kahit sinong abugado ang maging malapit sa kanyang kliyente.

“Imposible naman mangyari yun!" tawa niya, na ang tinutukoy ay ang pagkakaroon nila ni Claudine ng relasyon.

"In the same manner that I am close to all my clients. My clients are close to me because you have to understand the nature of the cases that I am handling for them.

“Katulad ni Yasmien [Kurdi], she was also sexually abused in a manner of speaking, ni Baron Geisler. In the same way there are allegations of abuse dito kay Claudine."

Isa sa high-profile cases na hinawakan ni Atty. Topacio ay ang sexual harassment case na isinampa ni Yasmien Kurdi kay Baron Geisler noong 2011.

Pagpapatuloy ng abugado, “They’re in a state where they are emotionally vulnerable. You have to show them understanding and kindness.”

Ano naman ang masasabi niya na itinuturing siya ni Claudine bilang bago nitong “best friend” at “protector”?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Atty. Topacio, “I am flattered. I am in a manner of speaking her best friend right now, in the sense that she has to tell me all of her secrets.

"Because gano’n naman talaga kapag may lawyer ka. Lahat ng information na dapat mong ibigay [ibibigay mo], in order for the lawyer to effectively protect you.

"Kailangan walang secrets between laywer and client. I think that’s what she means.”

Maging siya raw ay kaibigan na rin ang turing niya kay Claudine.

“There’s no question about it. Papaano naman magiging otherwise, as she is a married woman and I am a married man.”

Nagbigay rin ng reaksiyon si Atty. Topacio tungkol sa pagiging malapit niya sa mga anak ni Claudine.

Sabi niya, “Yung kids are looking for a father. Siguro naman walang masama na in the absence of their father at nagkakagulo nga, arugain ko naman yung mga bata. Nasa Bibliya naman ’yan, e.”

May mga nagsasabi kasing daig pa ni Atty. Topacio ang tunay na ama nina Sabina at Santino na si Raymart dahil mas madalas niyang makasama ang mga ito ngayon.

Sagot niya dito, "May protection order tayo, e. Yun ang nagsabi nun.

"It cannot be, kasi kapag nagkikita kami ni Claudine, kasama yung mga kids, kaya hindi kami puwede pag-isipan ng masama, e.

"Kasi laging kasamang kids, or ibang friends.

"Kahit yung ibang family friends ay parang nag-a-act na surrogate father ng mga bata. Hindi lang naman sa akin [sila malapit]."

Hindi ito ang unang pagkakataon na naugnay si Atty. Topacio sa kanyang kliyente.

Noong isang taon ay na-link din siya sa Kapuso tween star na si Bea Binene, 15. Ngunit itinanggi ng magkabilang kampo ang pag-uugnay sa kanila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN